ALEXANDRO
Napakunot noo ako. Prenteng nakaupo sa sofa si charice nang makapasok ako sa opisina ko.
"What are you doing here?" tanong ko.
Umupo ako sa swivel chair ko at inilapag ang gamit ko. Tumingin ito sa akin ewan ko hindi naman na ako tinatalaban sa tinging iyon na parang inaakit ka. Matagal na kasi akong walang feelings pa sa kanya.
"Binibisita ka. And I want to apologize sa inasal ko last time hindi ko dapat pinagseselosan ang batang iyon." sabi nito sa mahinahong boses. Napasandal ako sa upuan at pinakatitigan siya. Hindi ko alam pero hindi ako kumbinsido sa paghingi niya ng paumanhin. Para kasing ang OA ng reaction niya last time. In the first place wala naman kaming relasyon para magalit siya.
"Okay, iyon lang ba ang ipinunta mo dito? Sorry hindi kita mahaharap ngayon madami akong trabaho" pagdadahilan ko.
Totoo naman madami akong trabahong dapat tapusin. Natatambakan ako kung makikipagkausap pa ako sa kanya hindi naman importante ang pag-uusapan namin. Napabuntong hinga ako ng malalim. Ganito pala kapag nagbago na. Parang naiirita ka na may babaeng nagkakandarapa sa iyo.
Napatingin ako sa pinto bumungad sa akin ang babeng nagpapapuso ng paligid ko ang bubwit. Napangiti ako ng malawak. Tumayo ako para salubungin ang bubwit ko. Binabawi ko na pala na madami akong gagawing trabaho ngayon. Ipriority natin si bubwit baka magalit. Iba pa naman magalit ito nakakatanda ng buong pagkatao. Baka nga mahospital pa ako dahil tataas ang bloodpressure ko.
"Hey babe bakit nandito ka sa presinto?" tanong ko. Hinagkan ko ang pisngi nito.
"Eh kasi Kuya Alex sinamahan ko ang kaibigan ko para dalawin ang kapatid niyang nakakulong." napatingin ito kay Charice. Bigla itong napanguso. Pasimple niya akong binulungan. "Anong ginagawa ng babaeng orocan na iyan dito? Siguro may ginagawa kayo no?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng bubwit.
"Wala kaming ginagawa babe. Nagulat nga ako ng pumasok ako nandito na iyan."paliwanag ko sa bubwit na parang isang malaking kasalanan ang magsinungaling sa kanya kaya todo paliwanag ang lolo niyo.
Napaismid ito kay Charice. Ang isa naman tinaasan siya ng kilay.
"Oh, ito fishball tsaka siomai binili ko diyan sa labas mainit init pa iyan. Kainin mo na." napangusong sabi nito. Napangiti ng malawak ang lolo niyo. Napaka sweet naman ng babe ko.
"Thank you babe!" sabay halik sa pisngi nito. Bigla akong hinampas ni bubwit sa dibdib ko.
"Ikaw Kuya Alex nakakahalata na ako sa iyo nananantsing ka na. Kanina ka pa kiss ng kiss sa akin."napangiwi ito. Napapailing na lamang ako.
Tumikhim si Charice ng makita niyang naaout of place na siya sa landian namin ni bubwit.
"Alex I have to go maybe we can talk some other time." sabi nito.
"Okay thanks for visiting me" tumayo na ito at lumabas na ng opisina ko.
Hinarap ko ang bubwit ko na kanda haba ang nguso nito na nakatingin sa pinaglabasan ni Charice. Hinawakan ko ang kamay nito at hinila para umupo sa upuan.
"Hey what is that face?" tanong ko.
" Nagpapaniwala ka dun naku Kuya hindi mahinhin iyon. Nagkukunwari at nagbabalatkayo lang ang babaeng iyon."
"Alam ko, ayaw ko namang maging bastos babae pa din iyon kahit fake lang ang pinapakita niya." hinaplos ko ang buhok ng bubwit. "Mamaya sunduin kita sa school mo. Papasok ka ba ngayon?" tanong ko.
Umiling ito.
"Wala akong pasok kaya pupunta kay Tita Mame sabi niya kasi tuturuan niya akong magbake ng cookies" sabi nito.
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
RomansAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...