Chapter 32

20.5K 617 130
                                    

ALEXANDRO

HINDI ko maiwasang mapangiti sa tuwing naalala ko ang nangyari noong nakaraang linggo. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang kami na ni Melissa. Walang paglagyan ang kasiyahan ko. Sa hinabahaba ng paghihirap ko ay nakamit ko na ang matamis niyang oo. 

Papasok na sana ako sa presinto nang may tumawag sa akin. 

"Alexandro!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. 

Napatingin ako sa babaeng may kasamang bata. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala ngunit pamilyar ang mukha niya. Saan ko nga ba nakita ang babaeng ito at bakit kilala niya ako? 

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa babae at napasulyap sa hawak nitong bata. Napangiti ang babae. 

"Alam kong hindi mo na ako matatandaan dahil matagal na ding panahon magmula ng mangyari sa atin."

Huwag niyang sabihin ipapaako niya sa akin ang hawak niyang bata dahil may nangyari sa amin noon? "Hindi naman  ako nagpunta dito para manggulo. Hindi mo siya anak. Gusto ko lang naman humingi ng tulong sa iyo." Sabi ng babae. Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Diyos ko akala ko mapupurnada pa ang relasyon namin ni bubwit nang dahil sa nakaraan ko. 

Kahit anong kalkal ko sa utak ko ay hindi ko na siya maalala. O dahil baka nag-matured na ang babae kaya iba na ang hitsura niya ngayon. 

" What do you want from me?" Tanong ko sa babae habang naglalakad kami. Pumasok kami sa opisina ko. Sumenyas akong umupo siya. 

"Pasensya ka na talaga, Alex. Kakapalan ko na ang mukha ko. Gusto ko lang humingi ng tulong para sa pagpapagamot ng anak ko." 

Kumunot ang noo ko. Bakit sa akin siya humihingi? Bakit hindi sa ama ng anak niya? Talagang sa akin talaga? Makapal nga mukha niya.

"Bakit sa akin ka humihingi ng tulong? Nasaan ang ama ng anak mo?" tanong ko. 

 "Iniwanan nya ako ng malamang may sakit ang anak namin. Wala na akong mahihingan ng tulong Alexandro. My son needs operation, he has a heart problem. Alam kong kalabisan ang paghingi ko ng tulong dahil fling mo lang naman ako noon at matagala na iyon. Pero wala na talaga akong choice. Ikaw na lang ang naisip kong taong tutulong sa akin." 

Naluha ang babae. Kahit naman gago ako pero pagdating sa mga batang may mga sakit naawa ako at lumalambot ang puso ko.

"Okay, I will help your son for his medical needs." Pinahid ng babae ang mga luha nito. 

"Salamat Alexandro. Huwag kang mag-alala hindi ako manggugulo. Gusto ko lang ng tulong para sa pagpapagamot sa anak ko. Makakabayad din ako kapag nakaluwag luwag na ako" sabi nito.

"Okay, sana kausapin mo din ang ama ng anak mo. Hindi puwedeng ikaw ang aako ng lahat. ng responsibilidad para sa anak ninyo,"sabi ko. 

Hindi naman din kasi ako Charity para hingan ng tulong. Lumabas na kami ng opisina ko dahil aalis na din siya. Natigil ako sa paglalakad  nang makita ko si Melissa na papasok sa presinto. Todo ang ngiti nito. 

"Alexandro, salamat sa tulong mo makakabayad din ako sa iyo pagdating ng araw." Sabi ng babae. Hindi ko napaghandaan ang ginawa niya. Niyakap niya ako.  Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa amin si bubwit. 

Napalunok ako. Patay ako. Bahagya akong lumayo sa babae. Nilapitan ko agad si Melissa na ngayon ay masama na ang mukha. 

"By the way she is my girlfriend." Pakilala ko kay bubwit sa babae. Ngumiti naman ito at ganoon din si bubwit. Napatingin si bubwit sa kasama nitong bata. 

"Sige Alexandro mauuna na kami. Salamat," Lumabas na ito sa presinto.

"Sino yun? Naging ex mo tapos nagkaanak kayo? Tapos ngayon magkakabalikan na kayo dahil may anak na nga kayo? Ganoon ba iyon? Paano na ako? Nagsayang lang ako ng damdamin para sa iyo. Sasaktan mo lang pala ako!" Mahabang litanya ni bubwit. Nakanguso at mukhang masama ang loob niya. Parang iiyak na nga ito. 

Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under  IMMAC PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon