Chapter 28

19.7K 566 71
                                    

ALEXANDRO

Pagkalabas namin ng bahay nila Braden mura nang mura itong si Gregorio.

"Tangina! Anong klaseng cake yun. Mukhang torta! Tangina!" nagmumukha na siyang tangina.

At itong dalawang kasama ko mukha silang kakabangon sa pagkakaidlip ng ilang taon.

Buti naka-survive kaming anim sa kinain naming kakaibang lasa ng tortang banana cake. Nasobrahan sa saging. Sabi ni bubwit isang kilo daw ang inilagay niyang saging,tapos hindi pa daw hinog yun.

Ang exotic shake ni bubwit naman ay kakaiba. Hindi ko alam kung paano ko ide-describe ang lasa. Hindi ko alam kung mapangingiwi o mapapamuk-asim.

Tumigil ang tatlo sa paglalakad.

"Godamnit!/Tangina!/Shit!" sabay sabay nilang sabi. Napakunot noo ako ng nag-unahang bumalik sa loob ng bahay ang tatlo. Nagtutulukan pa sila sa pag-uunahan sa pagpasok sa pintuan.

"Hey! Why are you going back?" sigaw na tanong ko sa kanila.

"Natatae ako!" sabi ni Kael.

"Tangina magiging malnourished yata ako nit," sabi ni Logan. Hawak-hawak nito ang tiyan.

"Shit! Ilan ba ang C.R. nila dito?" nagtatakbo na sila sa loob. Habang ako naman ay pinakikiramdaman ko muna ang sarili ko kung natatae din ako. Pero mukhang hindi pa naman. Tangina namang buhay ito. Napahawak ako sa beywang ko.

Pumasok uli ako sa loob. Hindi ko nakita Brayden at si Raymond sa sala. Nagpunta ako sa kusina.

Nag-aayos na si bubwit ng mga ginamit niya sa pag-bake at paggawa ng shake.

Umurong ang tae ko ng makita ko ang bubwit na masaya. Kahit hirap kami sa mga niluto niya mapasaya lang siya ay ayos na ako. Napaangat ng tingin si bubwit ng maramdaman niyang may nagmamasid sa kanya.

"Kuya Alex, akala ko nakauwi na kayo?" nilapitan ko siya at hinapit ang beywang niya. Hinagkan ko ang noo nito.

"Thank you, babe," sabi ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

"Para saan Kuya Alex?" nagtatakang tanong niya.

"Pinasaya mo kami sa niluto mo," sabi ko saka nginitian siya. Napayakap siya sa beywang ko at isinandal ang ulo sa ibabaw ng dibdib ko.

"Thank you, Kuya Alex. Kaya love na love kita, eh!" hinagkan ko ang buhok nito.

"I love you too, babe," sagot ko. Hindi niya ba alam na totoo ang sinabi kong mahal ko siya?

Napatingin kami sa limang pumasok sa kusina. Nagmukha silang problemado sa buhay. Si Kael na parang nagkaroon ng tag-tuyot. Si Logan na macho parang hindi kumain ng isang linggo ang hitsura. Si Gregorio na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Si Raymond nagmukhang naging matanda. At si Braden ay parang nagkaroon ng tag-gutom. Anong klaseng mga hitsura iyan?

"Hala! Bakit mukha kayong gutom? Tamang-tama may sobra pa sa ginawa kong cake at saka.." hindi na naituloy ni bubwit ang sinasabi niya ng nagmadaling umalis ang lima.

"Anong nangyari sa kanila?" nangamot ng ulo si bubwit.

"Hayaan mo na sila, babe. Baka may pupuntahan pa ang mga yun kaya nagmamadali sila."

Yumakap ako sa beywang niya.

"Doon ka matulog sa bahay babe. Na-miss ko na katabi ka sa kama ko," sabi ko.

"Ayoko na no?! Baka tuklawin ako ng ahas mo. Nakakatakot pa naman," napanguso ang bubwit habang napatingin sa pagitan ng mga hita ko.

"Hindi naman nanunuklaw ito. Bakit sinilip mo pa," natatawang sabi ko. Hinampas niya ako sa balikat.

Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under  IMMAC PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon