Alexandro
"GRABE ngayon lang ako makakahawak ng baril." Pumapalakpak ang bubwit. Tuwang-tuwa sa nakita niyang baril. Kanina pa ako naririndi sa bunganga ng babaeng ito. Mula kaninang umalis kami walang humpay sa pagsasalita. Parang armalite ratatat ng ratatat.
"Will you stop talking? Sumasakit ang tainga ko. Iyong tutuli ko gusto ng kumawala," mahinahon man ngunit may bahid ng pagka-sarkastiko. Gusto ko sanang singhalan kanina pa ngunit hinahabaan ko lang ang pasensya ko.
"You promise me na magbe-behave ka," reminded her. Napahinto sa pagsasalita at ngumuso, tapos bubulong-bulong parang bubuyog. Hanggang sa makarating kami sa lugar ng firing range ang haba ng nguso niya. Inakbayan siya ng kapatid kong si Mikaelo. Dinutdot ni Mikaelo ang nguso ng kaibigan.
"Ang haba ng nguso natin, ah, puwede ng bawasan!" natatawang biro ni Mikaelo sa kaibigan. Hinampas niya sa balikat ang kapatid ko. Para akong tanga na nanonood ng biruan nilang magkaibigan. I cleared my throat to distract them both.
"Tayo na."
I walked in, turned around, and went inside. I greeted the girl at the front desk and the people. Every weekend nagpupunta ako dito para mag-practice umasinta.
"Hi, Alexandro. Can I invite you to come to my place tonight?" sabi ng babae na sumalubong sa akin. Hinimas niya ang dibdib ko. She is beautiful and sexy as hell. Magsasalita pa sana ako ng sumulpot sa harapan namin ang bubwit. Sinuri nito ng tingin ang babae na parang pinag-aaralan niya ang bawat sulok ng katawan niya.
"Fake iyan no? Ang laki, eh," bigla nitong sabi.
Ano naman pakialam ng bubwit na ito kung peke o totoo ang boobs ng babae.
"Alexandro, who's this?" tinuro niya si Melissa, diring-diring ang hilatsa ng mukha nito.
"Hoy, grabe ka, ah, mabango ako. Tsaka naligo ako kanina amoyin mo pa!" itinaas nito ang kili-kili at itinapat sa ilong ng babae. "Maka who's this naman ito!" dagdag na wika nito. Napatingin ako kay Mikaelo na tumatawa ng mahina sa isang tabi.
Bahagyang itinulak ng babae ang bubwit.
"Stay away from me! You, ewww kadiri ka!" sabi nito habang nakangiwi ang labi.
"Mikaelo, pigilan mo ako uundayan ko ng suntok ito, eh!" itinaas nito ang manggas ng t-shirt hanggang balikat. Nakaakto ng manununtok.
"Ano mag-one on one tayo, babaeng may bola sa harapan!" napapailing talaga ako sa ugali ng bubwit na ito.
Okay, let's call it a day. Remember, you promised me you'd be good," paalala ko ulit sa kanya. Tiningnan ko siya ng may pagbabanta. Naibaba nito ang kamao at napanguso na naman. Lumapit ito kay Mikaelo at sumampa sa likuran nito.
"Halika, na Mikaelo uwi na tayo, yoko na dito. Hindi ko kasi kayang maging behave feeling ko magkakatrangkaso at magkakaubo ako," napasubsob sa leeg ng kapatid ko. Napabuntong hininga ako, nakonsensya ako dahil sa sinabi ko.
Napatingin sa akin si Mikaelo. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Mauubusan talaga ako ng dugo sa kaibigan ni Mikaelo. Feeling ko lagas lagas na ang bulbol ko. Tatanda ako ng maaga dahil puputi na rin ang buhok ko.
"Miss, I dont have time tonight." sabi ko sa babaeng nakalingkis na sa akin. Bigla niya akong itinulak at nag-walkout. Napatingin ako sa bulto ng babaeng papalayo. Napadako ang mga mata ko sa puwitan niya. Nice ass.
"Gusto ko ng umuwi," sabi na naman ng bubwit. Nawala na ang haba ng pisi ko na kanina ko pa tinitimpi.
"Eh, 'di umuwi kang mag-isa mo!" singhal ko dito. Napatingin sa akin si Melissa. Bumaba mula sa likod ni Mikaelo at lumapit ito sa akin at dinuro ako.
"Bakit ikaw ba ang kinakausap ko at ikaw ba si Mikaelo?" aniya.
"Ang kapatid ko lang naman ang inaaya kong mag-firing sumama ka lang naman tapos ikaw a ang may ganang magalit? Ikaw itong namilit sumama sa amin," ang angas talaga ng bubwit na ito. Puputi talaga ang buhok ko susmaryosep.
"Tama na iyan uuwi na lang kami, Kuya Alex. Next time na lang natin gawin ito, " hinawakan na nito ang kamay ng bubwit na ngayon ay ang sama ng tingin sa akin.
Napahilot ako sa batok ko. Magkaka altapresyon yata ako. Bigla niyang nilabas ang dila at dumila sa akin. Napamakeface ako. Nagmumukha tuloy akong batang isip at hindi isang kagalang-galang na Superintendent.
UMUWI akong bitin na bitin. Hindi kasi ako naka-iskor sa babaeng nakita ko kanina.
"Oh, akala ko mag-firing kayo ni Mikaelo?" tanong ni Stefano sa akin. Naupo ako sa sofa.
"Hindi natuloy dahil sa bubwit na kasama niya!"
Natatawang inabutan ako ni Stefano ng baso na may alak. Kinuha ko iyon at naupo ako ng matuwid. Tinungga ko lahat ang laman niyon.
"Oh, hayan na pala sila," sabi ni Stefano. Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang sila. Ibig sabihin may kasama si Mikaelo na umuwi. Napalingon ako at napasimangot ng makita kong kasama ng kapatid ko ang kinabubuwisitan ko. Bakit sumama pa ito sa bahay. Dapat hinatid na lang niya.
"Dito muna matutulog si Issa mga Kuya," sabi ng kapatid ko.
"Elo, nagugutom ako kain muna tayo bago matulog," napahimas ito sa flat tummy niya.
"Sige, ihahanda ko lang kakainin natin," sabi ng kapatid ko. Nagpunta ng kusina.
"Oh, akala ko umuwi ka na? Sumama ka pa talaga dito?" pang-aasar ko sa kanya. Imbes na singhalan ako hindi niya ako pinansin. Naupo ito na parang hindi ako nag-eexist sa mundo.
"Hi, Kuya Stefano," kumaway ito sa kapatid ko. Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa kapatid ko. Samantalang sa akin ni ngiwi hindi niya ako matapunan. Panay ang singhal sa akin. Kulang na lang bugahan ako ng apoy.
"Hello, Issa. Pasensya ka na kay Kuya Alex may regla kasi kaya may sapi," natatawang biro ni Stefano. Pinanlakihan ko ito ng mata. Nagkibit balikat lang ang kapatid.
"Issa kain na tayo. Ikaw Kuya Alex, gusto mo bang sabayan kami?" tanong nito. Tumango ako. Tumayo na ako para pumunta ng dining area. Kanina pa ako nagugutom. Kasalanan ng bubwit na ito. Nagutom ako sa kunsumisyon sa kanya.
"Good night to all of you. Matutulog na ako," paalam ni Stefano sa amin.
"Good night Kuya Stefano. 'Buti pa siya mabait hindi kagaya ng isa diyan. Super yabang na super sungit pa. bulong nito.
"Narinig ko iyon. Next time kapag bubulong ka pakihinaan kasi ang obvious, eh, no?" sabi ko. Hindi niya ako pinansin.
Naupo na kami sa dining. Si Mikaelo ang naghanda ng pagkain namin. Para tuloy siyang boy na pogi. Sinadya ko talaga na tumabi sa bubwit na ito para lalo kong asarin. Hindi ito magkamayaw sa kakairap sa akin. Napapailing na lang ako.
Nakita ko ang dami nitong kinuhang kanin at ulam dahil punong-puno nang plato nito, umaapaw talaga sa dami. Akala mo hindi kumain ng isang linggo. Hindi halatang matakaw ito sa pagkain dahil ang slim ng katawan niya.
Napatingin ako sa kanya, napansin kong may sarsa ng menudo ang gilid sa labi niya. Pinahid ko iyon gamit ang hinlalaki ko.
Napaigtad ako, parang may dumaloy na kuryente sa aking machong katawan ng dumampi ang balat ko sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. Pareho kaya kami ng naramdaman?
Shit! What is this?
Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
RomanceAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...