Chapter 9

13.2K 247 0
                                    

MULA SA screen ng kanyang monitor ay napatingin si Elaine sa pintuan nang may kumatok doon. It was four-thirty in the afternoon. At isa na lang ang ka-appointment niya. Si Red.

Kaninang makapananghali ay may i-t-in-ransfer na tawag kay Elaine. At ganoon na lang ang gulat niya nang malamang si Red ang caller.

Nakikibalita si Red sa gulong kinasangkutan ng anak nito kahapon. Ayaw daw kasi ng mommy ni Moira na si Attoney Lisbeth Briones na magbigay ng detalye at pinagbawalan din daw nito si Moira na kausapin si Red.

Nalaman lang daw ni Red na mayroong hindi magandang nangyari dahil galit na galit daw na tumawag dito si Lisbeth.

Dahil si Lisbeth ang nakalistang dapat tawagan in case of emergency, ito ang agad nilang pinapunta sa school kahapon. Hindi alam ni Elaine kung epekto lang ba ng suot ni Lisbeth na power suit pero medyo nakakatakot ang hitsura nito. Galit na galit ito kay Moira. Sa tingin ni Elaine ay nagpipigil lang na huwag masampal si Moira.

Kasama sa responsibilidad ni Elaine na panatilihing sekreto ang mga nangyayari sa loob ng opisina niya. But Red sounded so worried and desperate. And he was the the kid's father. Kaya nagpaunlak si Elaine na harapin ito. He suggested a coffeeshop. Pero sabi ni Elaine ay sa opisina na lang niya.

Lumapit si Elaine sa pintuan at binuksan iyon. Si Red na nga ang dumating.

Ngumiti ito. "Hi," maiksing wika nito.

Sanay si Elaine na may nakakaharap na tatay ng mga estudyante. Pero hindi araw-araw na may tatay na naka-faded blue jeans, black sneakers at T-shirt lang na dumadaan sa opisina niya.

Malaking lalaki si Red. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa limang talampakan at sampung pulgada ang taas nito. Sa height kasi ni Elaine na limang talampakan at limang pulgada, isama pa doon ang dalawang pulgadang takong ng sapatos niya, ay umaabot lang siya hanggang sa tainga ni Red.

Noon pa man ay malapad na ang dibdib ni Red. Pero sa tingin ni Elaine ay mas malapad na iyon ngayon. Saktung-sakto rin ang manggas ng puting T-shirt nito sa biceps nito at maganda ang lapat ng jeans nito sa mahahabang legs nito.

But what she really liked about him was his smile. Iyong ngiti na parang exaggerated pero alam niya na ganoon talaga ang ngiti nito. Noong una niya itong makitang ngumiti ay hindi niya masabi kung ano ang kakaiba doon. Ngayon lang niya nalaman. Parang may overbite na pinagdikit nito ang upper at lower teeth. It was a nice smile. Malaki itong lalaki ngunit matamis ang ngiti at parang palaging sincere. Mayroon itong charm.

Of course he's got charm. Kaya nga sumama ka agad sa kanya no'n, eh.

Pinigilan ni Elaine ang mapabuntong-hininga sa pumasok sa isip niya. Tumikhim siya. "Come in."

"For you," ani Red. Iniabot nito sa kanya ang isang box. At base sa design ng box ay galing iyon sa isang pinakasikat na bakeshop sa probinsya nila.

"Nag-abala ka pa."

"Cupcakes lang naman 'yan. Pasasalamat lang na ina-accommodate mo ako kahit mukhang busy ka."

"Salamat. Take a seat."

Umupo si Red sa harap ni Elaine. Ngumiti. He really had a cute smile.

Tumikhim siya. Ang pinakahuling bagay na dapat niyang gawin ay ang isiping cute ang ngiti ni Red.

"Ano ba'ng nangyari?" tanong ni Red.

Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon