SA SANDALING maipinid ang pintuan ng bahay niya ay agad nang hinaklit ni Red ang baywang ni Elaine. Inangkin na niya ang mga labi ni Elaine.
Elaine kissed him back with the same intensity. Yumakap na ito sa batok niya. Ang mga daliri ni Elaine ay tila gumuguhit na ng mumunting bilog doon.
The trip from the hotel ballroom to his house was a blur. Ni hindi yata umabot ng sampung minuto ang kadalasan ay nasa labinlimang minutong biyahe.
Naisip kanina ni Red na lumapit na lang sa front desk ng hotel. Pero kaagad din niyang pinalis iyon sa isipan niya. Totoong disente ang hotel at doon ginaganap ang malalaking mga events sa buong probinsya nila, pero ayaw ni Red na malagay sa alanganin si Elaine. Hindi kasi imposible na may makakita sa kanila. Baka pag-usapan si Elaine.
Kaya binilisan na lang ni Red ang pagpapatakbo. Wala siyang natatandaan na nagmenor siya. Ang malinaw lang sa kanya ay ang hindi niya pagbitaw sa kamay ni Elaine.
At ngayon ay malayo na sila sa mapanuring mata ng iba. Malaya na silang gawin ang lahat ng gustuhin nila.
"W-wala ka bang kasama dito?" bulong ni Elaine sa pagitan ng mga labi nila.
"Wala," pakli ni Red. Pinaglandas niya ang mga labi niya sa leeg ni Elaine pababa sa makinis na balikat nito. Inaamin ni Red na iyon na ang gusto niyang gawin mula pa kaninang makita niya ang nakalantad na malakremang balikat ni Elaine sa suot nito. And he was now free to do that.
Nagtaas-baba ang kamay ni Red sa tagiliran ni Elaine. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Tila may sarili na ring isip ang isang kamay ni Red na gumapang na papunta sa dibdib ni Elaine. He kneaded her breast.
"Red..." anas nito. Kumapit ito sa balikat niya.
The way she was responding to every kiss and every touch was making it impossible for him to slow down. Kinapa na ng isang kamay niya ang likuran ng suot ni Elaine na itim na gown nito. Walang zipper. "How do I take this off?" bulong niya.
"Zipper. Right side," wika ni Elaine. "No, left, pala."
Sa kabila ng unos na nagbabanta nang kumawala sa kaloob-looban ni Red ay bahagya siyang napangiti siya. Elaine was as disoriented as he was.
Kinapa ni Red ang tagiliran ni Elaine at dahan-dahan niyang ibinaba ang zipper. Hinila na rin niya ang nag-iisang strap niyon. Nalaglag ang malambot na tela sa sahig at nalantad na ang buong katawan ni Elaine. Ang tanging saplot na lang nito ay ang itim na bra nitong walang strap. Lacy. Kagaya din ng pang-ibaba nito.
He grabbed her. Muli na niyang inangkin ang mga labi ni Elaine.
Habang magkahinang ang mga labi nila ay sinimulang kalasin ni Elaine isa-isa ang mga butones ng Barong Tagalog ni Red. Si Red na ang nagtanggal ng puting kamisa de chino niya.
Napapikit si Red nang ilapit ni Elaine ang mukha nito sa leeg niya. Para siyang sinisilaban sa bawat pagdampi ng labi ni Elaine sa balat niya.
Kinapa ni Red ang lock ng bra ni Elaine at kinalas na iyon. Napalunok siya nang malantad ang dibdib nito. Mas perpekto pa ang mga iyon kaysa sa natatandaan niya.
He bent down to claim one peak and Elaine whimpered. Naglandas na rin pababa ang kamay ni Red. He tugged at the lacy trimmings of her panties. Hinila na niya iyon pababa.
"Red..." anas ni Elaine nang haplusin ni Red ang kanina lang ay tinatakpan ng munting saplot na iyon. At nang magsimulang maglumikot ang kamay ni Red ay umungol na si Elaine.
BINABASA MO ANG
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016)
RomanceAnim na taon na ang nakakaraan ay may isang bagay na nagawa si Elaine na labis na nakaapekto sa pamilya niya. Dahil doon, pakiramdam niya ay habambuhay na siyang kailangan may patunayan sa mga ito. She was on the right track. Guidance Counselor na s...