Chapter 30

24.2K 749 202
                                    

Pakiramdam ni Elaine ay kinurot ang puso niya. Pagkatapos ng lahat ng sinabi niya dito, hindi pa rin ito umalis. Tumikhim siya. "Hey," maiksing wika niya.

"Hey," wika din nito. Namulsa.

Alanganin ang naging pagngiti ni Elaine.

"Sabi ng mama mo bumaba ka daw kaya hinintay kita dito sa labas. Nagkasalisi siguro tayo. Sa kabila ako dumaan. Galing cafeteria," parang walang nangyaring wika nito.

Humugot si Elaine ng malalim na hininga. "Kakatapos lang namin mag-usap nina Lisbeth at si Moira sa lobby.

Namilog ang mga mata ni Red. "Nagpunta sila dito?"

Tumango si Elaine. "Nag-aalala sila sa 'yo kaya kinausap nila ako."

"Ang kulit talaga ni Moira, 'no?"

Bahagya siyang ngumiti. "Red... I'm sorry."

Kumunot ang noo ni Red. "Para saan?"

"Sa lahat."

Umiling ito. "No worries. Stressed ka, takot... I understand."

"Hindi ko alam kung paano ko babawiin ang lahat ng sinabi ko kanina."

"Wala kang dapat bawiin. Your fears are real. Kaya nandito ako para samahan ka na harapin at labanan ang mga takot mo. We will face them all together."

Isang bagay iyon na hindi niya agad nakita. That Red could help chase all her fears way. "I've been so unfair, Red," aniya. "Nakalimutan ko na may mga takot ka din."

Ginagap ni Red ang kamay niya.

Hindi na tumutol pa si Elaine. Sa higpit ng pagkakahawak ni Red sa kamay niya, pakiramdam niya ay kaya na niyang harapin ang kahit na ano.

"I love you, so much, Elaine. Hindi ko agad na-realize 'yon kasi nasanay ako sa buhay ko na walang ganoon. I don't even know how it feels. Pero sa ilang araw na hindi tayo magkasama, nakita ko na agad kung ano ang kaibahan."

Naramdaman ni Elaine ang paghapdi ng ilong niya. "Red..."

"Sa tingin ko naman ay walang kulang sa buhay ko bago ka dumating," wika ni Red. "I shouldn't be feeling empty when you left. Pero iyon ang mismong naramdaman ko. I don't think I could ever live a normal life without you."

Sa sinabi nitong iyon ay hindi na napigilan ni Elaine ang pagguhit ng ngiti niya. Hindi siya makapaniwala na nariring niya ang mga salitang iyon mula dito. "Ang cheesy..."

Pinandilatan siya ni Red. "Pagkatapos ng lahat ng sinabi ko, 'yan lang ang sasabihin mo?"

Lumapad ang ngiti ni Elaine. "Inaamin ko naman na kinikilig ako."

Nagliwanag ang mukha ni Red. "Namnamin mo na, binibini, dahil minsan lang 'to."

Kunwa'y sumimangot si Elaine. "Ay, ganoon?"

Hinaplos ni Red ang pisngi niya. "I'm just kidding. Liligawan kita habambuhay."

Ngumiti siya. "Sige pa. Magpaka-cheesy ka pa."

"Ano'ng reward?" Pilyung-pilyo ang pagkakangiti nito.

Pinandilatan niya ito. "Wala!"

Hinapit ni Red ang baywang ni Elaine. "It's been eighteen days, babe," bulong nito. Base sa paghaplos nito ang tagiliran niya ay may ideya na siya kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Bilang na bilang mo talaga?"

Tinitigan siya nito. "Hindi mo ba ako na-miss?" Muli, pabulong iyon.

Pinigilan ni Elaine ang mapapikit pero nagtayuan na ang mga balahibo niya. Tumingin siya sa magkabilang dulo ng pasilyo. Sila lang ang naroon. At walang CCTV. "Tumigil ka," aniya. "Hindi na ako safe ngayon. Matakot ka."

Ngumisi si Red. "Mas maganda. Bakasakaling mas bumait 'yong si Moira 'pag nagkaroon na siya ng kapatid."

Tiningnan niya ito nang pailalim. "Alam mong hindi natin siya dapat madaliin. Isa-isa lang," aniya.

"Sabagay," wika ni Red. Ngumiti ito. Muli siyang tinitigan. Masuyo.

Hindi na napigilan pa ni Elaine ang sarili niya. Hinaplos na niya ang pisngi ni Red. "I've been so stupid, Red," aniya. "Sinasabi ko na puro gulo ang dala mo sa buhay ko at ang mga 'yon ang rason kung bakit hindi ako nakakangiti nitong nagdaang ilang mga araw. Now I know, I was wrong. Hindi lang pala ako makangiti kasi miss na miss na kita."

Umangat ang isang sulok ng labi ni Red. "At ako ang cheesy?"

Pabirong tinampal niya ang pisngi ni Red.

Hinuli ni Red ang mga kamay ni Elaine bago dinala ang mga iyon sa labi nito. Ngumiti ito. His eyes softened and it melted Elaine's heart.

"I love you, Elaine," bulong nito.

Sa kabila ng paghapdi ng ilong niya ay napangiti si Elaine. "I love you, too, Red..."

CELINE ISABELLA

*** WAKAS ***


Ikatutuwa ko pong makatanggap ng mga comments (kahit violent reaction) mula sa mga magbabasa. Maraming salamat sa paglalaan ng oras. Sana nagustuhan n'yo ito :-)


🎉 Tapos mo nang basahin ang Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016) 🎉
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon