NANG makita ni Elaine na pumasok si Red sa pintuan ng coffeeshop ay agad na siyang napangiti. Hindi siya sigurado kung nakita na siya ni Red dahil hindi niya makita ang mga mata nito. Naka-shades kasi ito.
Itataas na sana ni Elaine ang kamay niya para kunin ang atensyon nito nang sumilay ang ngiti ni Red. Naglalakad na ito palapit sa maliit na lamesang nasa gilid na inookupa niya.
Ramdam ni Elaine ang mabilis na tibok ng puso niya. Ngayon lang niya na-realize kung gaano niya na-miss si Red. At ang nakakatawa, wala pang forty-eight hours mula nang huli niya itong makita.
"Hey," wika ni Red nang makalapit ito sa kanya. Lumapad ang ngiti nito. Tinanggal nito ang shades nito.
Napakunot ng noo si Elaine. His eyes looked tired. Nangangalumata. "Ano'ng nangyari sa 'yo?"
Umupo si Red sa upuang nasa harapan niya. Inabot nito ang kamay niyang nakapatong sa lamesa. Pinagsalikop nito ang mga daliri nila.
"Medyo may hang-over," anito. Ayon dito, madaling-araw na daw ito nakauwi dahil nayaya daw ng mga kaibigan nito kagabi.
"Mukhang exciting ang gabi mo, kuya, ah," biro niya dito. Inuntag niya ang kamay nito.
"Intindihin mo naman ang kalagayan ko, binibini. Ang lungkot kaya ng mag-isa sa gabi."
Hindi na napigilan ni Elaine ang matawa. "OA ka!"
Tumawa rin si Red. Ikiniling nito ang ulo nito. Mataman siya nitong tinitigan.
Tumaas ang isang kilay ni Elaine. "Bakit?"
Nagkibit si Red ng balikat. Pinaglaruan nito ang mga daliri ni Elaine. "Wala lang, masaya lang ako na nandito ka ngayon."
Pakiramdam ni Elaine ay itinahip ang dibdib niya. "Ako din," amin niya.
Ngumiti si Red. He brushed his thumb against the palm of her hand.
Ramdam ni Elaine ang pag-iinit ng pisngi niya. "Red..."
"What?"
"Ang kamay mo."
"Bakit?' patay-malisyang tanong nito.
"That's just too sensual." Hinila niya ang kamay niya. "Mag-uusap lang tayo ngayon."
Tumawa si Red. Tumayo ito. "I'll just go get some coffee. Ano'ng gusto mo?"
"Meron pa," aniya. "Io-order na sana kita kanina kaso 'di ko alam kung mali-late ka. Baka-"
Hindi naituloy ni Elaine ang sasabihin dahil natuon ang atensyon niya sa babaeng pumasok sa pintuan ng coffeeshop.
It was a young woman. Sa kabila ng make-up nito, hula ni Elaine nasa early twenties lang ito. At base sa tila siguradong mga hakbang nito ay palapit ito sa lamesang inuokupa nila.
Nalalaglag ang isang balikat ng blouse ng babae. Denim miniskirt ang suot nito na parang basta lang ginupit. But it looked good on her. Mataas na wedge sandals ang suot nito. She was tall and fair. Maganda ito.
"Hey, Red," wika ng babae nang makalapit. "I didn't expect to see you here." Kung sinasadya ba ng babae na ignorahin si Elaine o kung hindi talaga siya nito nakikita dahil kay Red na lang nakatuon ang lahat ng atensyon nito ay hindi niya alam.
It was obvious the young woman knew Red. Pero si Red, bahagyang nakakunot ang noo na nakatingin sa babae. "Miss-"
"Thank, God, naaalala mo ang name ko," putol ng babae sa sasabihin ni Red. Hinawakan ng babae ang dibdib nito. Maarteng pinaikot nito ang mata nito. "Akala ko nakalimutan mo na. After all, we were so drunk last night. Sorry, hindi na kita ginising kanina. Mga five na ako umalis."
BINABASA MO ANG
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016)
RomanceAnim na taon na ang nakakaraan ay may isang bagay na nagawa si Elaine na labis na nakaapekto sa pamilya niya. Dahil doon, pakiramdam niya ay habambuhay na siyang kailangan may patunayan sa mga ito. She was on the right track. Guidance Counselor na s...