Prologue

4 0 0
                                    

Ang totoong pagmamahal pala ay hindi lang nagdadala ng matamis at kilig na feeling. Yung porket tumitibok yung puso mo kapag makita siya, kakabahan... at parang matatae na any second ay masasabi mo na itong gusto mo siya. Ngunit, hindi lang pala diyan nagtatapos. Kundi kung nagmahal ka... maraming kapalit, maraming pagsubok ang siyang haharapin, handa kang magsakripisyo, handa kang magpakababa ng pride, at higit sa lahat ay handa kang masaktan. Kaya nga, "It will never be called love if there's no pain" di ba?

Kainis, minsan kasi hindi ko alam kung ano ba talaga ang nais iparating sakin ng tadhana. Pinaglalaruan daw ako nito? Pfft! Ang sagwa pakinggan. Gusto kong maniwala na coincidence lang lahat ng 'to... yung lahat ng nangyari. Minsan iniisip kong baka nga destined na akong maging isa habambuhay— at ayoko nun. NBSB na nga ako, kaht sa isang pagkakataon, gusto kong maramdaman yung mga butterflies in my stomach saka yung slow motion na pinagsasabi nila at kung ano pang iba't ibang mga pamahiin na pinag-aatat nila. Teka, pamahiin nga ba? Ay ewan, tinatamad na akong mag-isip. Kitams, parang nagiging lola na ako pero ni isa walang may pumansin sakin. Am I not enough? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako? HAHA dinamay ko pa yung My Ex and Why's sa problema ko eh. Ah basta! To put it simple, isang mahiyain, talented, at typical akong tao na walang nagawa kundi humiling na magkaroon ng lovelife.

Pero hindi ko naman aakalain na maging gan'to. Tsk.

MY FIRSTS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon