I

12.1K 602 144
                                    

Juliet

"Wala naman na akong dahilan para itago pa ang katotohanan sayo." simula ni Caden.

"Pero sasabihin ko lang ang mga dapat, kailangan, at gusto mong malaman." dagdag niya at humakbang palapit sa akin.

"Napunta ka rito dahil dito." Pinakita niya ang relong napulot ko.

"Hindi 'to ordinaryong relo, alam mo naman na siguro 'yon dahil ito ang dahilan kung bakit tayo napunta rito. Planado ko ang pagpunta ko rito dahil may kailangan akong asikasuhin pero hindi ko naman inaasahan na may makakasama pala ako sa paglalakbay."

"Hindi rin ako ordinaryong tao. Kaya kong magpabalik-balik sa mga lugar kung kailan ko gusto ngunit hindi sa pagitan ng mga panahon. Sa madaling salita, nakakapagteleport ako pero hindi ko kayang magtime-travel kung kakayahan ko ang pag-uusapan pero sa tulong nito," sabi niya at pinakita na naman ang relo niya.

"Nakakapagtime-travel ako pero limitado. Naka-set kung kailan ako makakaalis at makakabalik sa isang panahon at sa kaso ngayon, matagal-tagal pa bago ako makakabalik sa panahon mo dahil nai-set ko na ang alis at balik ko dati at hindi 'to basta-basta nababago."

"Don't tell me..." kinakabahang saad ko at tinapos na niya ang mga salitang hindi ko magawang sabihin.

"Hindi ka pa makakabalik sa kasalukuyan, Juliet." sabi niya na nakapagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.

"Pero... pero paano 'yun? Kailangan kong ituloy ang clinical internship ko. Ga-graduate na ako next year, huy! Atsaka sina Tita Mommy at Tito Daddy ko, mag-aalala sila!"

"Sa realidad, hindi hihinto ang mundo para lang sayo pero ito ang realidad mo ngayon, Juliet. Kaya't dito tumatakbo ngayon ang oras mo." sabi niya pero naiwan lang akong nakanganga dahil wala akong nagets sa sinabi niya.

Napaupo nalang ako sa kama nung lumabas siya at nagluksa sa pagkadelay ng graduation ko. Ano kayang sasabihin sa akin nila Tita Mommy at Tito Daddy.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yun at nakita si Caden.

"Magpalit ka muna kung ayaw mong maging sentro ng atensyon mamaya. Hindi puwedeng itago nalang kita dahil nakita ka na ni Ginoong Alba kanina."

Woah, teka... kilala niya 'yung Ginoong Alba so ibig sabihin ba...

"Mga walong beses ko na ring pinanood ang pagtatapos ng ika-19 na siglo at oo, nakikihalubilo ako sa mga tao tuwing bumabalik ako rito."

Grabe, nababasa niya talaga 'yung nasa utak ko.

"Pero kilala mo rin silang lahat?" tanong ko.

"Wala akong nakakalimutang tao sa lahat ng nakakasalamuha ko, Juliet. Dahil sa ilang libong taon ko na sa mundong 'to, hindi pa ako nakakilala ng isang taong walang mahalagang gagampanan sa bawat siglo. Lahat ng pangyayari'y magkakaugnay." sagot niya.

"Sabi mo mga walong beses mo nang pinanood matapos 'tong siglong 'to pero ngayon napunta nalang ako bigla rito pero hindi naman talaga ako dapat nandito so... wala naman sigurong magbabago sa takbo ng history, 'di ba? Kasi sa original plot, wala ako rito. 'Di ba?" tanong ko pero tinignan lang niya ako at humakbang palapit.

"Magbihis ka na't may palabas at sayawan mamaya." Abot niya sa akin ng mga damit at sapatos or... sapatos nga ba 'to?

Nagpalit na nga ako ng damit at pinusod ko na rin ang buhok ko katulad sa mga babaeng nakita ko kanina.

Grabe, hindi ko inexpect na makakapagtime-travel pa ako sa buhay kong 'to.

Pagkalabas ko, may mga tao na ring nagbababaan. Halos lahat talaga ng lalaki ay nakacoat at ngayon ko lang narealize na hindi naman masyadong mainit ngayon. Siguro kasi wala pang global warming sa panahong 'to, 'di pa uso ang greenhouse effect kasi wala pa namang mga pollution at gaanong chemicals.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon