XIX

5.3K 398 25
                                    

Juliet

"Ang dami namang tao." nasabi ko dahil ang dami naman talagang tao at nakakaloka dahil puros mga kalalakihan pa.

Lalaki ba talaga namamalengke sa panahong 'to?

Nasa palengke kami ngayon at ano pa bang gagawin namin dito, 'di ba? Edi namamalengke.

Sobrang bored ko na kasi sa bahay kaya niyaya kong mamasyal si Caden pero busy daw siya kaya ayun, inutusan akong sumama sa mga tagapagsilbing mamamalengke. Pinasama rin naman niya si Adelina para raw bantayan ako. Hindi niya alam kasabwat ko na si Adelina, BWAHAHAHAHA!

"Hindi naman ganito karami ang mga tao kapag normal na araw. Baka may espesyal na okasyon ngayon." sabi ng isa sa mga tumutulong sa tagaluto sa bahay.

"Baka kasi nalaman nilang nandito si Binibining Juliet!" tuwang-tuwang sabi pa nung isa.

"Oo nga, 'no? Halos lahat ay pinagtitinginan lang ang binibini at tila pinagmamasdan ang mga kilos niya." sang-ayon pa ni Adelina na akala mo hindi niya ako katabi.

Napalingon ako sa paligid at nakitang pasimple ngang tumitingin-tingin sa akin 'yung mga tao.

Ghadd, ano bang meron sa akin? Jinujudge na naman ba nila ako? Grabe, kahit pala noong unang panahon judgmental at mga chismoso na ang mga Pilipino, argh.

Pagkatapos kong mamili ng mga kailangan para sa adobong balak kong lutuin ay nagmadali na akong umuwi. Naiwan naman 'yung mga katulong magluto ng cook sa mansion kasi sinundan ako ni Adelina.

"Ako na pong magdadala, binibini." presinta ni Adelina at akmang kukunin 'yung mga bitbit ko pero agad akong tumakbo kasi alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha 'yung mga dala ko. May pagka-workaholic kasi 'tong si Adelina, eh.

"Binibini!" biglang sigaw ni Adelina at mukhang shock na shock siya sa tono niya kaya naman napalingon agad ako sa direksyong tinitignan niya at nakitang may umaandar na karwaheng sobrang lapit na sa akin.

Kundi ba naman talaga ako tanga, eh. Pumikit lang ako sa sobrang gulat at feeling na wala naman na akong magagawa pero nagulat ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin na sobrang bilis at naramdaman ko nalang ang malakas na pagtama ng likod ko sa lapag. Ouch!

Napadilat ako at nagulat nang makita si Fernan sa ibabaw ko.

Madiin siyang nakapikit at nakayakap sa akin. Nakasuporta ang kamay niya sa ulo ko kaya pala hindi ako nabagok.

Napadilat siya kaya agad na nagtama ang mga tingin namin. OMG, awkward!

Agad siyang tumayo at inalalayan din akong tumayo atsaka pinagpagan ang sarili niya.

"Ayos ka lang ba, binibini?" tanong niya habang nagpapagpag din ako kasi grabe ang alikabok at lupa sa damit ko.

Sasagot na sana ako nang may biglang lumapit sa amin.

"P-Pasensiya na po—" sabi ng isang babae na kakababa lang sa karwahe pero natigilan siya nang makita si Fernan at biglang namula.

Omygosh! Don't tell me... nalove at first sight siya kay Fernan?!

Oh well, gwapo naman kasi talaga si Fernan. Plus points pa 'yung pagiging tahimik niya compared kanila Niño at Andong at ang lakas talaga ng dating ng cool nerd aura niya.

Kung sa We Bare Bears siya si Ice Bear, si Niño si Panpan tapos si Andong naman si Grizz.

"Binibining Emilia, ikaw pala iyan." sabi ni Fernan kaya nanlaki ang mga mata ko.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon