XXVIII

4.5K 349 9
                                    

Juliet

Ghadd! Mababaliw na talaga ako.

"Mainam siguro kung sa Enero na upang masimulan nila ang taon na bagong kasal." suggest ni Doña Juana na nanay ni Fernan at nakita ko namang napalunok si Fernan sa kaba at hindi na rin niya alam kung anong gagawin niya samantalang napatangu-tango ang mga matatanda meaning agree sila, ghad!

Napag-usapan din kasi namin kanina ni Fernan sa loob ng karwahe papunta rito kung paano namin aaminin na misunderstanding lang ang lahat. Nabanggit niya na hindi niya talaga alam paano ibi-bring up at natatakot siya sa puwedeng mangyari.

Gets ko naman siya kasi nga dahil nasa past kami ngayon, isang kahangalan ang sumuway sa magulang kaya hindi rin talaga kami nakapag-isip ng maayos na plano hanggang sa makarating dito.

"Tama! Mukhang magandang araw ang unang araw ng taon, ano sa tingin ninyo?" sang-ayon naman ni Ama na pakumpas-kumpas pa ng kamay sa mga words na binibigyan niya ng emphasis.

"Hindi!" biglang sabat ni Fernan dahilan para magtaka ang mga pamilya namin sa inasta niya.

Omygod, Fernan! Balak mo na bang mag-suicide?!

"Bakit naman, Fernan? Nais mo bang mas maaga pa?" pabirong tanong ni Don Federico.

"A-Ang ibig ko pong sabihin ay..."

Biglang lumingon sa akin si Fernan kaya medyo nagulat ako.

Omygosh, don't tell me ipapasa niya sa akin ang spotlight?

"Huwag po muna ngayon pag-usapan ang kasal."

Nagtawanan ang mga parents namin nang marinig ang sinabi ni Fernan atsaka inakbayan ni Don Federico si Fernan.

"Mukhang nahihiya pa ang mga bata na pag-usapan ang kanilang pag-iisang dibdib."

WTH???!!!! As in Where's The Hustisya?!

Nakita lang kaming magkasama sa madilim na lugar, jinudge na agad kaming mahaharot na nilalang at napagkamalang magboyfriend tapos ngayon, ididiretso na kami sa simbahan nang hindi man lang kami tinatanong kung gusto ba namin magpakasal!

Gaano ba sila kamanhid at hindi man lang nila maramdaman na hindi naman talaga kami magboyfriend ni Fernan at natatakot lang kaming umamin sa katotohanan dahil baka sa kamay pa ng mga magulang namin kami mamatay?

"Hindi po sa g-ganon, Ama..." sagot ni Fernan at biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Don Federico.

"Ano ba ang nais mong ipahiwatig, hijo?" tanong naman ni Ama at mas inilapit ang silya niya sa lamesa.

"Ang t-totoo po niyan ay... hindi po gaanong maganda ang pakiramdam ni Binibining Juliet ngayon kaya nais ko po sana siyang makapagpahinga." Lipat ni Fernan ng spotlight sa akin kaya nagtinginan naman ang mga tao sa akin.

Napatingin ako kay Fernan at binigyan siya ng what-are-you-doing look pero binigyan lang niya ako ng sumakay-ka-nalang look.

Myghad, Fernan! Wala namang pasahan ng spotlight!

Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko alam paano magrerespond kaya nagsalita muli si Fernan.

"Nabanggit po kanina ni Binibining Juliet na masama ang pakiramdam niya ngunit ayaw niya kayong mag-alala."

"A-Ayos na po ako." sabi ko kaya kinunutan ako ng noo ni Fernan at gigil na binigyan ako ng anong-ginagawa-mo?! look.

Chill ka lang diyan, Fernan. I have a plan.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon