LXXXI

2.9K 292 16
                                    

Juliet

"Gising ka na pala, binibini."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Angelito Custodio. Agad din niyang inalis ang tingin sa akin at tinuon sa pag-aayos ng mga gamit.

Teka...

Napatingin ako sa paligid at nasa kuwarto ko naman ako pero bakit nandito si Angelito??

"Kailangan ko nang bumalik sa pagamutan, binibini. Magpahinga ka lang at kumain nang mabuti. Babalik ako mamaya upang alamin ang kalagayan mo." sabi niya't nagbigay galang bago tuluyang lumabas. Sakto namang pumasok si Adelina at agad na tumakbo palapit sa akin nang makitang gising na ako.

"Kamusta ang kalagayan mo, binibini? Masama pa ba ang iyong pakiramdam? May masakit ba sa iyo?" sunud-sunod na tanong ni Adelina kaya naman dahan-dahan akong napailing-iling. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari...

"Thank God, you're already awake!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ng kama ko at nakita si Ina. Mukhang kanina pa siya nandoon pero mukhang nakatulog siya at ngayo'y kakagising lang. Myghad, hindi ko man lang siya napansin?

"A-Anong... nangyari?" tanong ko.

"Pumunta ka po kay H-Heneral Niño..." nakayukong sabi ni Adelina kaya napahawak ako sa ulo ko.

"...dalawang araw na ang nakalilipas." tuloy ni Adelina na ikinagulat ko.

"Ngayon lang ako gumising??" tanong ko.

"Opo, binibini. Inuwi kayo ni Ginoong Angelito na punung-puno ng putik ang kasuotan at walang malay. Nilinisan namin kayo at hindi naman siya umalis sa tabi niyo hangga't hindi ka gumigising nung araw na 'yon dahil napakataas ng iyong lagnat."

"Hindi siya umalis hangga't... hindi ako nagigising?"

"Opo. Binigyan na nga lang po siya ni Doña Faustina ng damit ni Señor Caden upang makapaglinis din at makapagpalit." sagot ni Adelina kaya napatingin ako kay Ina na tumangu-tango naman meaning 'yun nga talaga ang nangyari.

"So, ngayon lang siya umalis?" tanong ko.

"Kararating lang po niya ulit nang magising kayo..." sagot ni Adelina kaya napakunot ang noo ko.

"Akala ko ba hindi siya umalis hanggang magising ako?"

"Sa katunayan ay nagising po kayo noong araw din na 'yon at..." Napayuko si Adelina, halatang ayaw sabihin sa akin kung ano ang kasunod ng sasabihin niya dapat.

"You called him by the name Niño. You begged him to come back to you and you even told him that you won't marry any man if it's not him." sabat ni Ina na halos ikalaglag ng panga ko.

Ginawa ko 'yon?!

Ghad, Juliet! Get yourself together! Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo at paulit-ulit mong sinasaktan si Angelito?!

Napahawak nalang ako sa mukha ko sa sobrang hiya at frustration. Ano nalang mukha ang ihaharap ko kay Angelito?

"You should apologize to him, dear." malambing na sabi ni Ina at tumangu-tango ako.

Masyado ko na ngang sinaktan at sinasaktan si Angelito. Hindi tama 'to. Nadadamay siya sa mga padalos-dalos kong desisyon. Wala siyang ibang ginawa kundi tulungan ako at puro pananakit ang binabalik ko sa kaniya. Kahit pa sabihin kong hindi ko sinasadya, hindi naman 'yun rason para isawalang-bahala ang naramdaman at nararamdaman niya dahil sa mga pinaggagawa ko.

Kumain nga ako nang mabuti katulad ng sinabi ni Angelito para bumalik ang lakas ko. Bago rin naman lumubog ang araw ay bumalik siya sa bahay namin at tinignan ang kalagayan ko.

"Magaling ka na, binibini. Huwag mong kakalimutang inumin ang gamot mo hanggang bukas. Huwag ka rin muna masyadong magpapagod at kumain ka nang mabuti upang manumbalik ang iyong lakas." sabi ni Angelito habang busy magsulat ng kung ano sa papel na hawak niya at ibinigay niya 'yun sa akin.

"Sinabi ko na iyan sa iyong tagapagsilbi ngunit binigay ko na rin sa iyo kung sakali mang kailanganin mo. Mauna na ako." dire-diretsong sabi niya at agad na tumalikod sa akin. Hahakbang na sana siya palabas ng kuwarto ko nang pigilan ko siya.

"Sandali..."

Huminto siya sa sana'y paghakbang na gagawin ngunit hindi siya lumingon sa akin.

"G-Gusto kong magpasalamat sa lahat." simula ko pero nanatili siyang nakatalikod sa akin.

"At humingi ng tawad—"

"Hindi mo kasalanan na iba ang tinitibok ng puso mo, binibini." wika niya at sa wakas, humarap na siya sa akin. Dumapo na ang mga mata niya sa akin at kinabahan ako nang makitang wala itong emosyon.

"Hindi mo kasalanan na hindi mo ako mahal." diretsang sabi niya na parang palasong tumama sa puso ko.

Tumalikod na siya ulit.

"Tuloy ang kasal."

At dire-diretso na siyang lumabas ng kuwarto ko.

♤♤♤

Maraming salamat sa pagbabasa!

Pasensiya na natagalan sa update, may sakit kasi ako nung sabado pa :( Try ko ulit mag-update mamaya kapag kinaya ng powers ko hehe 😅 Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa at huwag kakalimutang mag-iwan ng feedback, reaction, or suggestion! You can also like PlayfulEros Facebook page: https://www.facebook.com/PlayfulEros13/ 💙

Follow PlayfulEros, vote, and comment!

 - E

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon