LXXVI

2.9K 287 18
                                    

Juliet

"Maayos na po ang lahat, binibini." sabi ng babaeng nag-ayos sa buhok ko habang nasa likod lang si Ina. Biglang bumukas nang malakas ang pinto at bumungad sa amin si Caden.

Oops. Mukhang galit siya sa akin.

"Ma-Maiwan niyo muna kami... pakiusap." hingal sabi ni Caden at sumunod naman sina Ina at 'yung nag-ayos ng buhok ko.

"Nahihibang ka na ba??" Padabog na lapag ni Caden sa dala niyang briefcase sa lamesa ko paglabas na pagkalabas nila Ina atsaka kinuha ang pitcher ng tubig at uminom.

Mukhang kakabalik lang niya sa San Sebastian galing sa paghahanap ng mga bagay na kailangan niya sa misyon niya.

"Ginawa ko lang ang kailangan kong gawin para iligtas ang pamilya natin." diretsong sagot ko.

"Tama 'yon!" sagot niya pagkainom ng tubig at pinunasan ang bibig niya.

"Oh, eh bakit ka nagagalit?" tanong ko.

"Nagagalit ako dahil masyado kang nagmamadali! Alam mo ba kung ilang telegrama ang natanggap ko mula kanila Ina simula kagabi?! Sobrang bilis dumating ng mga telegramang iyon na halos ikamatay ko ang pagkagulat sa mga iyon! Kailangan ko raw umabot sa kasal mo at alam mo ba kung gaano ka-nakakapagod bumiyahe habang nagmamadali tapos hindi pa ako matantanan ng mga telegrama at pangungulit nila Ina?? Hindi ba puwedeng kahit tatlong araw ang hinintay mo upang nakauwi naman ako nang maayos at hindi ganito?!" frustrated na rant ni Caden kaya natawa nalang ako na mas lalo niyang kinainis.

Paano ba naman kasi 'to, akala mo napakalaki ng problema eh!

Nagulat ako nang bigla niyang tapik-tapikin ang ulo ko na para bang isa akong bata. Pagkatingin ko sa kaniya, hindi na siya mukhang galit. What? Anong nangyari?

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong 'to?" tanong niya. Napayuko ako dahil sa totoo lang... hindi ko rin alam.

"Gawin mo kung ano ang tingin mong dapat, Juliet. Hindi ko sinasabing hindi ito ang dapat, pero hindi ko rin naman sinasabing ito ang dapat. Ikaw lang ang nakakaalam no'n." sabi niya at naglakad na papunta sa pinto.

"Maliligo at magbibihis na ako." Ngiti niya at lumabas na.

Naiwan akong nakatingin sa sarili ko sa salamin. Alin nga ba ang dapat at hindi ko dapat gawin?

Napatingin ulit ako sa may pinto nang tumunog ulit ito at nakitang dumungaw si Josefina. Tumayo ako nang makita siya at tuluyan na nga siyang pumasok. Kasama ko si Josefina sa pagamutan na unang pinagtrabahuhan ko pati na nang lumipat na kami sa pagamutan ni Angelito Custodio.

"Nais sana kitang batiin sa kasal mo ngayon, binibini." Ngiti niya atsaka humawak sa kamay ko.

"Nawa'y maging masaya ang pagsasama niyo ni Ginoong Angelito at magkaroon kayo ng malulusog at mababait na mga supling." dagdag pa niya at sa tono palang ay ramdam na ramdam ko na ang sincerity niya kaya naman nagtaka ako.

Sa totoo lang, medyo close naman kami nito ni Josefina pero hindi ko inaasahan na ganito siya magiging ka-emosyonal dahil sa kasal na 'to kasi... hindi naman niya ginawa 'to nung ikakasal ako kay Niño?

"Alagaan mo nang mabuti si Ginoong Angelito, binibini. Alam kong ikaw ang makakapagpasaya sa kaniya kaya't sana'y pangalagaan mo siya. Matagal ka nang gusto ni Ginoong Angelito kaya naman masaya na rin ako ngayong sa iyo nga siya ikakasal. Naiisip ko palang kung gaano siya kasaya sa kasal na ito ay siya na ring labis na ikinagagalak ng aking puso." nakangiting sabi ni Josefina habang nagniningning na ang mga mata niya dahil sa mga namumuong luha.

"G-Gusto mo ba si Ginoong Angelito, Josefina?" biglang tanong ko na ako rin mismo ang nagulat sa lumabas sa bibig ko.

Sa tinagal-tagal kasi naming magkasama ni Josefina, hindi ko man lang nahalata na may pagtingin siya kay Angelito Custodio. Habang nagmo-monologue lang siya kanina ko naalala na walang araw ang lumipas na hindi niya binanggit ang pangalan ni Angelito simula pa noong nasa unang pagamutan palang kami hanggang sa lumipat kami sa pagamutan ni Angelito.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon