Mensahe ni Eros

6.7K 417 122
                                    

Alam ko halos lahat ng kabanata na ako nagpapasalamat sa inyo pero gusto ko ulit magpasalamat kaya:

Maraming salamat sa pagbabasa! Maraming salamat sa pagsuporta hanggang dulo! Sobrang saya ko dahil nagandahan kayo sa istoryang ito at may mga naka-appreciate ng mga gusto kong iparating gamit ang istoryang ito.

Bakit ko nga ba isinulat ang Way Back To You?

Unang-una, katulad ng sinabi ko sa unang mensahe ko sa inyo sa librong ito, gusto kong maging bahagi ng pagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan at kultura natin noon. Pero siguro napansin niyo na mas nagfocus ako sa pulitika nitong mga huling kabanata at ito ay dahil ang unang plano ko talaga ay baguhin ang kasaysayan sa librong ito.

Bakit ko nga ba naisip baguhin ang kasaysayan ng bayan natin sa librong ito?

Kung napanood niyo ang Heneral Luna at GOYO: Ang Batang Heneral, siguro maiintindihan niyo ako. Pagkatapos kong panoorin ang Goyo for the third time, napakaraming 'what if' ang pumasok sa utak ko.

What if hindi pinapatay si Heneral Luna? What if lumaban ang mga Pilipino at pinangunahan sila ni Aguinaldo na siyang presidente ng republika? What if hindi nabahag ang buntot ng presidente natin noong mga panahong iyon? What if hindi nasilaw sa salapi ang mga kasapi ng gabinete noon? Sobrang dami pang iba. Pero naisip ko rin, kahit naman siguro lumaban ang mga Pilipino, paano kung natalo tayo? Puwedeng may mas malala pang nangyari... puwede rin namang mas mabuti. Pero sino bang nakakaalam? Wala rin naman.

Kaya naisip kong gumawa ng historical fiction tungkol kay Aguinaldo, kung saan naging matapang siyang pinuno at nakipagtulungan kay Heneral Luna at kung saan magwawagi ang mga Pilipino. Pero habang iniisip ko ang plot, naisip ko rin na gusto kong ipakita sa mga magbabasa ng gagawin kong istorya na dapat marunong tayong lumaban kapag umaabuso na ang nasa kapangyarihan dahil ang tunay na kapangyarihan ay nasa mga mamamayan.

Kaya naisip ko naman, si Goyo na lang. Pero hindi pa ako nakakakalahati ay naisip ko, 'hopeless itong si Goyo.' Masyado siyang devoted kay Aguinaldo na kahit alam niyang mamamatay na siya sa pagsunod dito, sinunod niya pa rin. Isang bagay 'yun na pinakahinahangaan at kinaiinisan ko kay Goyo. Kaya nagdecide na lang ako na gumawa ng sarili kong mga tauhan na gigising sa mga taong katulad ni Goyo.

Kung mapapansin niyo, parang sobrang perpekto ni Niño, hindi ba? Ito ay dahil siya talaga ang original plan kong maging presidente. Medyo halata sa mga unang kabanata ang pagiging sobrang pagkamakabayan ni Niño dahil nga ginawa ko siya para maging bagong presidente ng republika, ang bayaning magdadala sa Pilipinas sa mas maganda't maayos na hinaharap.

Habang sinusulat ko ito (noong hindi ko pa napu-publish), narealize ko na hindi naman kailangan ng bansa natin ng perpektong pinuno. Kaya hinati-hati ko ang mga magagandang qualities ng perpektong tao sa tatlong itlog. At ginawa ko si Manuel. Isang mamamahayag. Isang alagad ng katotohanan.

Kukunin ko na rin 'tong pagkakataon na 'to para i-share sa inyo ang mga naisip kong ending bago ako napunta sa ending na sinulat ko.

Original plan, ayun nga, hindi sisipot si Niño sa kasal, pagbibintangan si Niño, ikakasal si Juliet kay Angelito at pupunta silang Espanya tapos babalik sila ni Caden sa present pagkatapos kausapin ni Caden si Angelito tungkol sa relo nito. Pagbalik ni Juliet at Caden na hawak na ang tatlong relo sa present, doon lang malalaman ni Juliet na naging pangulo si Niño at ibang-iba ang Pilipinas noong umalis siya sa pagbalik niya rito. Mas maunlad, mas maayos. At yung drama ay sa part na makikita ni Juliet yung letter ni Niño para sa kaniya pagkalipas ng ilang taon, kapag doktor na siya, katulad din ng nasa ending na 'to, sa may awarding at sa pagpunta nila sa dating bahay nila Niño dahil kay Marcus.

Tapos nung naisip ko ngang hindi na si Niño ang magiging presidente, naisip kong bagay kay Fernan ang pagiging pangulo. Naaalala ko sinabi ko pa nun sa utak ko na, 'Niño, hindi puwedeng lahat sayo. Sayo na nga ang puso ni Juliet pati ba naman yung puwesto?' pero agad ko ring naisip na wala naman sila sa kompetisyon. Sa bawat istorya, meron laging isa o ilang tao na gabay at sandigan ng bida. Doon ako nagdecide na si Fernan ang magiging gabay ni Niño at magiging rason nito na lumaban hanggang dulo, hanggang sa makamit nila ang tunay na kalayaan, hanggang sa sila'y magwagi.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon