XXIV

4.6K 362 23
                                    

Juliet

Gumising ako na para akong zombie.

Hindi ako nakatulog kagabi dahil inisip ko lang magdamag 'yung sinabi ni Niño na ayaw na niya akong makita. Ang tagal kong inisip lahat ng possible reasons kung bakit bigla niyang nasabi 'yun at naalala ko 'yung unang araw na tinuruan ako ni Pia magtahi at magburda, sinabi ni Fernan na hinihintay ako ni Niño sa Hacienda Cordova pero hindi ako nakarating at hindi ko na rin naalala dahil dinala ako ni Caden sa pagamutan para tumulong.

Isa pa sa mga naisip ko ay nagsawa na siya sa akin. Gano'n naman ang mga lalaki eh, 'di ba? Kapag hindi na sila interesado sayo, i-iichupwera ka nalang. Siguro may nakita na rin siyang bago kaya nakalimutan na niya ako.

Mukhang totoo nga na para siyang delubyong dadaan sa buhay mo para lang wasakin ka at mukhang sobrang lakas ng tama sa akin ng Bagyong Niño.

Pagkatapos kong mag-almusal, saktong dumating si Heneral Guillermo at kinamusta ako. Niyaya niya akong maglakad-lakad sa hacienda at pumayag naman ako kasi wala naman akong gagawin.

Cinareer ko na rin ang pagkakaroon ng sakit kuno kaya hindi ako pumunta sa pagamutan ngayon. Partly true naman na masama ang pakiramdam ko... or true talaga as in 100% dahil sa nalaman ko kahapon.

Sana pala hindi ko na pinabasa nang hindi ko na rin nalaman.

"Binibini?" tawag ni Heneral Guillermo.

OMG! Kasama ko nga pala 'to. Teka, may sinabi o tinanong ba siya sa akin? Hindi ko narinig!

Binigyan ko siya ng may-sinabi-ka-ba look at bahagya lang siyang ngumiti.

"Malinaw sa aking nakatuon kay Niño ang atensyon mo ngayon, binibini." saad niya.

What?! 'Yun ba 'yung sinabi niya kanina? Gano'n ba ako ka-obvious? Ghad!

"Hayaan mo akong punan ang mga pagkukulang niya, pinapangako kong hindi ko hahayaang lumuha ka sa piling ko." Lapit niya sa akin kaya napaatras agad ako.

What?! Ano 'yon, lalagyan niya ng tape mata ko para hindi na ako umiyak? Medyo creepy rin 'tong lalaking 'to.

"Nais kitang pakasalan, Juliet."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at pagkabigla. Lord! Ano pong isasagot ko huhu.

Napatingin ako sandali sa brown niyang buhok bago ituon ang tingin sa lapag dahil ayaw kong magtama ang mga tingin namin. Ang awkward!

"Huwag kang mag-alala, binibini. Hindi kita minamadali. Sabihin mo lang sa akin kung handa ka na at maghihintay ako sa iyong magiging tugon." sabi niya pero hindi ko pa rin siya tinitignan.

"S-Sige... papasok na rin ako. Paalam." nakayukong sagot ko at nagmadali na maglakad pabalik.

Gusto ko sanang tumanggi na on the spot kaya lang anong ira-rason ko?

Balak ko sanang panindigan 'yung boyfriend ko si Fernan kaya lang nabasa nga pala niya 'yung letter ni Niño at wala naman na akong reason na tumanggi sa kaniya kasi alam na rin niyang ayaw na sa akin ni Niño.

♤♤♤


Ayaw ka na nga niyang makita, Juliet! Bakit ba iniisip mo pa rin siya?

Argh! Nababaliw na talaga ako!

Inumpog-umpog ko ang ulo ko sa unan ko nang biglang may kumatok.

"Nasa baba na naman si Heneral Guillermo. Pauwiin ko na naman ba?" rinig kong sabi ni Caden mula sa labas ng kuwarto.

Pumunta ako sa may pintuan at binuksan 'yun. Nagthumbs-up ako kay Caden at sinenyasan naman niya 'yung tagapagsilbi na pauwiin na nga si Heneral Guillermo.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon