LX

3.3K 312 16
                                    

Juliet

"Mahal na mahal kita, Juliet."

Nakabarong si Niño, ayos na ayos ang buhok at nakangiti habang nakatitig sa akin.

"At isang buwan nalang makakasama na natin siya." Hawak niya sa tiyan kong parang watermelon sa laki.

OMYGHAD??!!!!

Juliet...

Juliet... 

"JULIET!!!"

Agad akong napabangon sa sobrang gulat at nakita si Caden sa tapat ko.

"Bakit ka natutulog dito?! Paano kung may nakakita sayo at pinagsamantalahan ka?!" galit na galit na sabi niya kaya napalamukos ako sa mata ko. Nakatulog pala ako sa ilalim ng puno.

Ghad... feeling ko sobrang nashock ako sa panginip ko huhu pero teka, ano nga ba ulit 'yung panaginip ko?

Waaaah hindi ko na maalala!

Anyway, kung hindi ko maalala ibig sabihin hindi naman mahalaga.

"Nakikinig ka ba?"

Napatingin ako kay Caden na sinesermunan pa nga pala ako.

"Hay, dumating si Koronel Ferna—nandito na pala siya. Maiwan ko muna kayo." sabi ni Caden at umalis na.

Napalingon naman ako kay Fernan na naglalakad papunta sa akin. Agad kong napansin ang mantsa sa puti niyang damit. Dugo ba 'yun?

"Ipinabibigay ni Niño." Abot niya sa akin ng sobre at 'yung gold na pocket watch ni Niño.

Biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko.

Anong.... nangyari? Patay na ba si Niño?

Napatingin ako kay Fernan. Madumi ang mukha niya, sobrang haggard ng itsura niya at sa malapitan, halatang dugo nga ang mantsa sa uniporme niya.

"A-Asaan si Niño? Bakit hindi nalang siya mismo ang magbigay nito?" kinakabahang tanong ko.

Please sabihin mong ligtas siya at may kinailangan lang asikasuhin. Please, Fernan.

Hindi siya sumagot at tumungo lang.

Napatingin ako sa hawak kong mga bigay ni Niño at nakitang may bahid din ng dugo ang mga ito.

Dugo ba 'to ni Niño?

"Mauna na ako, binibini." paalam ni Fernan at tumalikod na kaya naman hinabol ko siya.

"Sandali! Anong nangyari kay Niño?"

Huminto sa paglalakad si Fernan pero nanatiling nakatalikod sa akin, napahinto ako sa likod niya.

"Hindi ko alam ngunit ihanda mo na ang sarili mo sa kung anuman ang mangyari." sagot niya at nagpatuloy na samantalang naiwan akong walang kibo, ni hindi man lang nagalaw sa posisyon ko.

Napaupo nalang ako sa lapag at tinignan ang sobre at relo na galing kay Niño. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre at kinuha ang sulat sa loob nito.

Sobrang lamig ng kamay ko sa kaba. Ni hindi ko magawang buklatin ang sulat na galing sa loob ng sobre. Ito na ba 'yun? Ito na ba ang.... huling liham na matatanggap ko mula kay Niño?

Nang magawa ko nang buklatin ang nakatuping papel, agad na tumulo ang luha ko nang makita ang magandang sulat-kamay ni Niño at mas lalo pang naluha nang mabasa na ang nakasulat dito.

'Mahal kong Juliet,

Hindi man ako makabalik, tandaan mong ginawa ko ang lahat ng ito para sa aking mahal na bayan at lalong-lalo na sa iyo. Sapagkat makalimutan man ng lahat ang pangalan ko sa mga magdadaang panahon ay alam kong hinding-hindi ako mawawala sa puso mo. Hindi ko man nasabi mula sa aking sariling mga labi at kung pagbibigyan lang din sana ng langit, paulit-ulit kong sasambitin ang katagang mahal na mahal kita, sa kahit anong paraan, sa kahit anong panahon, hangga't naririnig mo ang pagsamo ko. Alalahanin mo sana hanggang sa iyong pagtanda na ikaw ang nag-iisang pinakamamahal ko, nag-iisang minahal ko sa buong buhay ko, at mamahalin ko hanggang sa dulo ng panahon.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon