CHAPTER 9

9.4K 174 3
                                    

SAMARAH POV

Hindi ako makatulog sa sinabi ni Andrea sakin kanina. Kahit walang katotohanan yun hindi parin yun maalis sa isip ko. Nang makaramdam ako ng uhaw ay nagpasya na akong bumangon para kumuha ng tubig sa kusina. Madilim pagkalabas ko ng kwarto at dahil tinatamad akong buksan yung ilaw eh hinayaan ko nalang na patay ito. Tutal may munting liwanag naman dahil sa maliliit na ilaw sa dingding. Tinatamad na naglakad ako papunta sa kusina. Binuksan ko yung ref at tahimik na kumuha ng malamig na tubig. Lalakad na sana ako pabalik sa maids quarter nang may biglang magsalita sa likod ko. Muntik ko ng mabitawan yung baso buti nalang mabilis na nahawakan nito yung kamay ko. Kahit hindi ako lumingon alam kong si Sir Aron yun base sa timbre ng boses nito. Naramdaman kong mas lumapit siya sakin, nararamdaman ko din yung hininga niya na tumatama sa batok ko dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko sa part na yun. Hindi ko alam kung dapat na ba akong maglakad palayo sa kanya o humarap para makita siya. Napapitlag ako ng magsalita siya.

"Bakit gising ka pa?" Tanong nito sakin sa mahinahon na boses. Lumunok muna ako bago nagsalita hindi niya dapat malaman na kinakabahan ako.

"Nauuhaw po ako Sir Aron kaya lumabas ako." Pikit mata kong sagot. Halos hindi na ata ako humihinga ngayon. Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Huminga siya ng malalim, at dahil nasa batok ko ang mukha niya ramdam ko ang init nun. Biglang nanghina ang tuhod ko sa hindi ko malamang dahilan. Ano bang nangyayari sa katawan ko? Pasimple akong humawak sa corner ng lababo dahil pakiramdam ko babaksak na ako.

"Why are you doing this to me.? Nahihirapang sabi nito. Base sa pagkakabigkas nito ay lasing ito. Huminga ako ng malalim bago unti unting humarap sa kanya.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Nagbaba ako ng tingin dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin. Ramdam kong tinititigan niya ko. Huminga ito ng malalim at saka umupo sa high chair. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Maglalakad na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"Stay." Sabi niya sabay turo doon sa katabi niyang upuan. Kunot noong sumunod ako sa kanya. Nang makaupo ako doon ko nakita yung isang bote ng alak na halos nangangalahati na.

"Bakit po kayo umiinom?" Wala sa sarili kong tanong. Nanatili lang ang tingin niya sa baso na hawak niya.

"Do you like him?" Nagtatakang nilingon ko siya. Sino ang tinutukoy niya?

"Po?" Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Tss. Si Kieper. Gusto mo ba siya?" Deretsong tanong nito. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Bakit naman niya kaya yun naitanong? Nagulat ako ng hilahin niya yung upuan ko palapit sa kanya. Biglang nagwala yung organ sa dibdib ko.

"Answer me Sam." Mariin niyang sabi.

"Ah, s-sa n-gayon magk-kaibigan lang k-kami." Utal kong sabi. Ano ba to? Tinitigan niya ako ng masama. Hala siya?

"Sa ngayon, magkaibigan lang kayo. So may pagasa palang mas lumalim." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko siya maintindihan. Lasing na siguro.

"Mawalang galang na po Sir Aron. Pero kung ano man ang meron kami ni Kieper ay samin nalang yun." Hindi ko alam kung saan ko nahugut yung lakas ng loob ko para sabihin yun. Basta pakiramdam ko kasi may mali. Kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla sa mga sinabi ko. Mabilis niya akong hinila palapit pa sa kanya. Ngayon halos isang dangkal nalang ang layo namin sa isat isa.

"Wala akong pakialam kung gusto mo siya o gusto ka niya. Basta akin ka." Deretsong sabi niya sakin habang nakatitig sa mga mata ko. Halos hindi ko na marinig yung paghinga ko. Mas nangingibabaw yung lakas ng tibok ng puso ko. Anong sabi niya? Nagbibiro lang siya diba?

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon