SAMARAH POV
Gumising ako kinabukasan na namumugto ang mga mata. Punong puno din ng text at missed calls ang phone ko. Napatingin ako sa pinto nang bumukas yun.
"Gising ka na pala. Kamusta ka na?" Tanong sakin ni ate. Nag iwas ako ng tingin. Huminga naman siya ng malalim saka tumabi sakin.
"Binalaan na kita pero nagpatuloy ka parin."sermon niya sakin. Bumuntung hininga naman ako.
"Okay lang ako ate. Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko.
"Sige sabi mo eh, papasok ka ba?" Tanong niya. Ayoko munang pumasok sigurado akong pagkakaguluhan lang ako doon.
"Hindi muna ate. Si Aron po ba?" Tanong ko.
"Maaga siyang umalis para pumasok. Bakit?" Ngumiti naman ako.
"Wala po. Simula kasi ngayon iiwasan ko na siya. Tama na yung kahihiyan na nangyari kagabi. Siguro nga dapat ko ng tanggapin na wala akong pagasa sa kanya." Mapait akong ngumiti. Lumapit naman siya sakin at niyakap ako.
"Sige, magpahinga ka na muna dito. Dadalhan nalang kita ng pagkain." Sabi niya at tumayo na. Sa totoo lang masama talaga ang pakiramdam ko. Mabigat ang katawan ko. Nang pumasok si Andrea ay dumilat ako. Nilapag niya yung tray ng pagkain sa mesa at lumapit sakin.
"Sam? Gising ka ba? Kumain kana. Konti lang ang kinain mo kaninang umaga." Sabi niya at umupo sa tabi ko. Umayos naman ako ng higa.
"Wala akong gana. Kalain sa akong lawas." (Masama ang pakiramdam ko.) Sabi ko sa nanghihina na boses. Kinapa naman niya yung noo ko.
"Sus ko. Inaapoy ka ng lagnat! Sandali lang kukuha ako ng tubig at bimpo." Sabi niya at nagmamadaling lumabas. Pumikit naman ako dahil nahihilo ako. Ilang sandali pa ay bumalik na si Andrea na may dalang palanggana. Sinimulan niyang punasan ang noo ko hanggang braso.
"Okay ka na ba talaga?" Mayamaya ay tanong niya. Kahit masama ang pakiramdam ko ay hindi ko naiwasang mapairap. Kinuha ko yung bimpo sa kamay niya at ako na ang nagpunas sa sarili ko.
"Sam, wag mo naman ako idamay sa sama ng loob mo. Magkaibigan tayo diba?" Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Huminga naman ako ng malalim. Nilapag ko yung bimpo at humarap sa kanya.
"Sorry, pwedeng wag mo nang banggitin ang pangalan niya.?" Pakiusap ko. Ngumiti naman siya.
"Okay. Sorry din." Sagot niya. Nagulat kami pareho nang bumukas ang pinto. Si ate pala.
"Sam, may bisita ka. Nasa sala." Sabi sakin ni ate. Sino naman kaya? Tumayo ako para magbihis. Nang matapos na ako ay lumabas ako ng kwarto. Dumeretso ako sa sala. Nakita ko si Vian. Anong ginagawa niya dito?
"Vian? Bakit ka nandito?" Takang tanong ko. Tiningnan naman niya ako.
"Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka?" Seryosong tanong niya. Napalunok naman ako.
"Ano, diba may klase ka? Baka maabala lang kasi kita." Sabi ko nang hindi makatingin sa kanya. Untiunti siyang lumapit sakin. Napapikit ako sa ginawa niya. Baka pagalitan niya kasi ako. Naramdaman kong lumapat yung malamig niyang kamay sa noo ko.
"Mainit ka pa. Kumain ka na ba?" Tanong niya. Umiling naman ako.
"Bakit?" May bahid ng galit yung pagkakasabi niya.
"W-wala kasi akong gana." Kinakabahan kong sabi. Huminga naman siya ng malalim at sumulyap sa dalawa kong kasamang babae. Kanina pa ba sila dyan?
BINABASA MO ANG
MY BOSS AND I
RomanceMeet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa maynila. Meet Aron villafuente. Mayaman. Masungit. At higit sa lahat babaero. Para sa kanya pampalipas...