ARON POV
nang makalayo ako kay Sam ay agad kong sinagot yung tawag. Kainis naman to istorbo.
"Hello." Irita kong sagot.
"Aron. Where are you?" She asked. Tss. Si mommy na naman.
"Nasa paligid lang bakit?" Sagot ko.
"You need to go home." Pormal niyang sabi. Heto na naman po kami. Pakikialaman na naman niya ang buhay ko.
"Bakit na naman ba?" Inis kong sabi. Pero namatay na yung tawag. Shit!! Pagkalingon ko nakita ko si Sam na tumatakbo. Anong ginagawa niya? Bakit siya tumatakbo?
"Sam! Sam!" Sigaw ko pero hindi siya huminto. Kinabahan ako nang pumara siya ng taxi at mabilis na sumakay. Nang maabutan ko siya ay kinatok ko yung bintana pero hindi niya yun binaba. Hanggang sa makaalis na yung taxi. Panay ang mura ko habang papunta sa car park. Agad ko yung pinaandar at deretso sa bahay. Hindi ko na pinasok yung kotse. Pagkalabas ko ay tinakbo ko nalang papasok. Naabutan ko si Sam sa labas. Nang papasok na siya ay hinablot ko ang braso niya. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. May sinabi pa siya pero hindi ko na pinansin. Hinila ko na siya papasok. Malayo palang ako tanaw ko na si mommy na may kausap sa sala. Mukhang alam ko na kung bakit niya ako hinahanap.
"Oh? They here. Where have you been?" Alam kong ako ang tinatanong niya kahit kay Sam siya nakatingin. Tumikhim naman si Sam.
"Nagpasama lang po sakin si Sir Aron." Nagtagis ang bagang ko sa narinig. Tiningnan ko si mommy pero parang wala lang sa kanya.
"I see. Well son, may gusto akong ipakilala sayo." Napahinga ako ng malalim. Malapit na talagang maubus ang pasensya ko sa mommy ko.
"By the way son, meet Franchesca malvar." Pakilala niya sakin dun sa babae na kulang nalang maghubad. Hindi ko alam pero naiinis ako. Nang iabot niya yung kamay niya sakin hindi ko yun tinanggap. Hindi ko bibitawan ang kamay ng taong gusto ko para lang sa babaeng haliparot nato.
"Pasensya kana sa anak ko iha." Paumanhin ni mommy. Tinitigan ko ng masama yung babae na yun nang tumingin siya kay Sam.
"Ikaw ba si Sam?" Tanong niya. Kilala naman pala niya tinatanong pa. Tss.
"Ah, nice to meet you." Nakangiti niyang sabi. Pasimple kong tiningnan si Sam. Ngumiti naman siya. Pasalamat kang babae ka mabait tong kasama ko.
"Sam. Iwan mo na muna kami." Utos niya kay Sam. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Aalis na sana siya nang pigilan ko. Tumingin naman siya sakin.
"Hindi ka aalis. Walang aalis."seryosong sabi ko. Alam ko na kung anong balak ni mommy. Ipapakasal niya ako sa babaeng to. As if naman na papayag ako. Kung noon pumapayag ako sa mga nerereto niya ngayon hindi na. Seryoso na siya.
"What do you mean? Hindi naman siya kailangan dito." Galit na sabi ni mommy. Pero hindi ako nagpatinag.
"Alam ko na kung bakit niyo ako tinawagan. Alam ko na kung bakit niyo ko gustong makausap." Pagkasabi ko nun ay tinitigan ko ng masama yung babae. Pero balewala lang sa kanya. Manhid putcha!
"I told you madam, hindi to magwowork out." Magsasalita na sana si mommy pero masyado na akong naiinis. Mabilis kong hinila si Sam at walang sabi sabi na hinalikan. After 3 seconds ay humiwalay ako sa kanya. Tulala lang siya dun. Sinamantala ko yun at hinarap si mommy.
"Kahit hindi niyo sabihin alam ko na kung ano ang balak niyong gawin. Walang kasalang magaganap. Hindi ako papayag. Simula ngayon, magdidisyon ako para sa sarili ko. Ako lang." Pagkasabi ko nun ay hinila ko na si sam papasok sa kwarto ko. Agad ko yung nilock. Nagulat ako nang hablutin ni Sam ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
MY BOSS AND I
RomanceMeet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa maynila. Meet Aron villafuente. Mayaman. Masungit. At higit sa lahat babaero. Para sa kanya pampalipas...