CHAPTER 29

6.5K 113 0
                                    

ARON POV

Abala ako sa pagbabasa ng isang proposal nang may kumatok sa pinto ng opisana ko. Hindi na ako nag abala na may angat ng tingin.

"Come in." I said.

"Sobrang busy mo naman. Nagpapahinga ka pa ba?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan dahan akong nag angst ng tingin. Nanalaki ang mga mata ko sa nakita ko. Si mommy.!

"M-mmoy? Bakit hindi mo sinabi na darating ka? Nasundo sana kita."sabi ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti namam siya sabay lapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Namiss kita iho, finally nakauwi na ako. Kamusta ka naman?" She asked. Ngumiti din ako sa kanya.

"I'm fine mom. As usual." Makahulugan kong sabi. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Don't tell me hindi ka parin nagbabago?" She asked again. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Anak naman, hindi ka bumabata. Wala ka parin bang nagugustuhan?" Tanong niya. Bigla nalang pumasok sa isip ko si Sam. Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kung nakaraan. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niyang mahal niya ako. Oo aaaminin kong gusto ko siya. Pero hindi sapat yun para sakin. Ayokong gumawa ng isang disisyon na pagsisisihan ko din sa huli.

"Aron." Tawag ni mommy sakin. Napatingin naman ako.

"Po?" I asked. Huminga naman siya ng malalim.

"Ano bang iniisip mo at lutang ka?" Tanong niya.

"Wala. Tatapusin ko lang po ito." I said at umupo na.

Nang matapos ako ay sabay na kaming umuwi ni mommy sa bahay. Nagulat si ate at Andrea sa nakita. Ngumiti ako saka lumapit sa kanila.

"Mom. Siya po si Andrea. May kasama pa po siya kaya lang nasa school pa." Sabi ko. Napatingin naman siya sakin.

"Really? Nag aaral?" Nagtatakang tumango naman ako. Ngumiti naman siya.

"Why mom?" I asked. Ngumiti lang siya sakin.

"Nothing." She said. Nagpaalam na siya na pupunta muna sa guest room. Ako naman ay umakyat na muna sa kwarto ko para maligo. Nang matapos ako ay nagpasya na akong bumaba. Dumeretso ako sa sala at nakita ko si mommy na nakaupo sa sofa at nanonood. Nakangiti akong lumapit sa kanya. Ilang sandali pa ay bumukas yung pinto at niluwa nun si Andrea at Sam. Parehas silang natahimik nang nakita kami. Nakita ko pang siniko ni Andrea si Sam. Hindi siya tumitingin sakin hanggang sa makalapit na sila.

"Magandang hapon po." Bati ni Sam kay  mommy. Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi ko gusto to.

"Ikaw ba si Sam?" Tanong ni mommy. Nakita kong napalunok siya.

"Ako nga po." She said. Tumango tango naman si Mommy.

"I heared nagaaral ka daw?" Tanong ni mommy.

"Yes po. Ah, kung may kailangan po kayo tawagin niyo lang ako." Sabi niya at sumulyap sakin. Pero hindi din nagtagal ay binawi niya yun. Malakas akong napabuntung hininga. Napalingon naman sakin si mommy.

"Gusto mo ba siya?" Deretsong tanong niya. Bigla akong kinabahan. Ito na naman kami. Kelan ba siya titigil sa pakikialam sa love life ko.

"Mom, please, malaki na ako." I said. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Don't worry iho, karapat dapat naman ang pipiliin ko para sayo." Nakangiti niyang sabi. Napailing nalang ako. Sigurado akong ayaw ni mommy kay Sam.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon