SAMARAH POV
Nakatingin ako sa kamay namin ni Aron habang nagkalakad sa mall. Hindi parin kasi ako makapaniwala na nangyayari to. Mayamaya ay humarap siya sakin.
"Saan mo ba unang gustong pumunta?" Tanong niya habang ang mata ay nililibot kung saan saan. Napaisip naman ako. Mayamaya ay napangiti ako.
"Sa time zone." Nakangiting sabi ko. Tumingin naman siya sakin saka ngumiti. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko saka hinila na ako palapit sa time zone. Malapad akong napangiti nang nakita ko ang itsura nun.
"Ito ba talaga yun?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Nagtatakang tiningnan naman niya ako.
"Hindi ka pa ba nakakapunta dito.?" Tanong niya. Umiling naman ako.
"Sa mga kwento ko lang to naririnig." Sabi ko habang namamangha sa lugar. Tumango naman siya saka ako hinila ng tuluyan papasok sa loob. Dinala niya ako sa basketball machine.
"Pataasan ng score. Kapag mas mataas ka, palagi kitang ipapasyal. Pero kapag ako naman ang mas mataas-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko yun.
"Ako ang gigising sayo araw araw." Nakangiting sabi ko. Pabor sakin yun dahil palagi ko siyang makikita. Ngumiti naman siya saka iwas ng tingin.
"Deal." Sabi niya at nagsimula na naming maglaro. Talagang seryoso siya habang naglalaro. Sumulyap ako ng kaunti at nakita kong mas mataas ang score niya. Lihim akong natawa. Mukhang gusto niya talagang manalo. Nang makaramdam ako ng pagod ay huminto na ako. Hanggang sa huminto narin siya. Mayamaya ay inakbayan niya ako.
"Paano ba yan? Nanalo ako. Tutupad ka sa usapan ha." Nakangiting sabi niya. Natawa naman ako. Sinasabi ko na nga ba. Tumango nalang ako at ako na ang humila sa kanya sa machine na maraming Teddy bear na maliliit.
"Pwede mo ba akong ikuha nito?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya. Mukhang hindi siya sanay sa mga ganito. Nalungkot naman ako. Gusto ko kasi talaga nito. Para kahit papano may alaala ako sa kanya. Nagulat ako ng iharap niya ako sa machine at tumabi sakin.
"Wag kanang malungkot. Hindi maganda sa pakiramdam." Sabi niya saka lumapit sa machine. Naghulog siya ng sampung token. Nang matapos ay sinimulan na niyang kunin yung Teddy bear. Bumulong ako ng palihim. Kapag nakuha niya yung violet na Teddy bear na nakaturo sa puso nito, ibig sabihin magtatagal sila. Ilang ulit din siyang nagtry na kumuha ng teddy bear. Hanggang sa nagtagumpay siyang makakuha ng isa. Kaya lang hindi yun yung gusto kong kulay. Malungkot akong napangiti. Napasigaw pa siya nang makuha niya yun. Lumapit siya sakin at nakangiting ibinigay yung teddy bear.
"Nakita mo ba yun?! Nakuha ko! Hahaha grabe ang saya pala nito." Tuwang tuwang sabi niya. Natawa nalang din ako sa kanya.
"Oo nakita ko." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya saka iniharap sakin yung teddy bear.
"Para sayo. Alagaan mo yan ah, pinaghirapan ko yan." Nakangusong sabi niya. Ngumiti naman ako. Para siyang bata.
"Oo naman no. Bigay mo eh." Sabi ko habang tinitingnan yun.
"Saan mo pa gusto pumunta?" Tanong niya.
"Kumain na muna kaya tayo." Sabi ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng time zone. Habang naglalakad ay panay naman ang hanap namin ng makakainan. May nakita akong lugar kung saan maraming tao kaya yun ang tinuro ko. Napalingon naman siya dun.
"Food court. Dyan mo gusto?" Tanong niya. Tumango naman ako.
"Hindi pa ako nakakasubok dyan." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
MY BOSS AND I
RomanceMeet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa maynila. Meet Aron villafuente. Mayaman. Masungit. At higit sa lahat babaero. Para sa kanya pampalipas...