SAMARAH POV
Napaupo ako sa narinig. Alam na niya. Anong gagawin ko? Napatalon ako nang tumunog yung phone sa bulsa ko. Napatingin ako kay Vian.
"Gigisahin ka na niya." Nakangising sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"May gana ka pa talagang magbiro?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Harapin mo na siya Sam. Panahon na para malaman niya ang lahat." Seryosong sabi niya. Malakas akong napabuntung hininga. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa saka sinagot.
"Hello." Sagot ko.
"Sam. Magusap tayo." Mariing sabi niya.
"Okay." Sagot ko saka tumayo na.
"Gagawin ko na ang gusto mo." Sabi ko saka umalis na. Bago ako makaalis ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Sam. Walang magbabago ipangako mo."mahinang sabi niya. Lumingon naman ako.
"Pinapangako ko." Sabi ko at tuluyan ng umalis.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto nila. Kinakabahan ako. Matagal na nang hiking nakapasok ako dito. Mayamaya ay may nagbukas na ng pinto. Nagulat si ate nang makita ako. Alanganin akong ngumiti sa kanya.
"A-ate?" Yun lang ang nasabi ko sa sobrang kaba ko. Lumapit siya sakin saka ako niyakap ng mahigpit.
"Mabuti naman at nakabalik ka." Sabi niya habang yakap ako.
"Kamusta kana ate? Si Andrea?" Tanong ko. Humiwalay naman siya sakin.
"Nasa loob siya. Matutuwa yun kapag nakita ka." Sabik na sabi niya. Napangiti naman ako. Miss ko narim yun eh. Nang makapasok kami ay saktong palabas ng kusina si Andrea. Natulala siya nang makita ako. Nailing na lumapit si ate sa kanya.
"Umayos ka nga. Si Sam talaga yan." Bulong niya. Malapad siyang ngumiti saka sumigaw.
"Samarah!!!" Sigaw niya saka nagmamadaling lumapit sakin.
"Namiss kita Andrea." Sabi ko.
"Ako din gaga. Mabuti naman at napasyal ka." Sabi niya saka humiwalay sakin.
"Nasaan Sir Aron?" Tanong ko. Tiningnan naman nila ako.
"Maguusap kami." Totoong sabi ko.
"Tatawagin ko lang. Magmeryenda ka na muna." Sabi niya saka umalis na. Habang naghihintay ay naupo muna ako sa sofa. Inabutan ako ni ate ng juice. Ngumiti ako saka nagpasalamat.
"Mayamaya bababa na si sir. Iwan muna kita ha." Paalam niya sakin. Tumango lang ako bilang sagot. Bigla akong kinabahan nang makarinig ako nang yabag mula sa hagdan. Dahan dahan akong tumingin dun. Nakita ko si Aron na nakatitig sakin. Pasimple akong huminga ng malalim saka sinalubong ang titig niya.
"Iwan mo na kami Andrea." Sabi niya. Nang makaalis si Andrea ay umupo siya sa tapat ko.
"Bakit? Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong niya. Tinitigan ko siya ng mabuti.
"Sa tingin mo kapag sinabi ko sayo ng mga panahon na yun ano ang magiging disisyon mo? Baka nakakalimutan mo yung sinabi mo sakin noon. Hindi ka pa handang makipagrelasyon." Nagulat siya sa sinabi ko.
"Oo Aron. Dun nabuo si Irine." Sabi ko. Napaupo siya ng maayos.
"Kahit na. Dapat sinabi mo parin sakin!" Sigaw niya. Siya pa talaga may habang sigawan ako?
"Bakit? Akala mo ba madali sakin yun? Akala mo ba madali magpalaki ng bata na walang ama?! Masisisi mo ba ako ng mga panahon na yun? Ni minsan ba naisip mo yung nararamdaman ko non? Wala lang alam Aron!" Sigaw ko. Napupuno na ako sa kanya.
"Dapat sinabi mo man lang sakin!" Hindi talaga siya magpapatalo.
"Bakit? Para kapag nalaman ng mommy mo kunin niya sakin si Irine? Hindi ako papayag!" Inis sa sigaw ko.
"Sam. May karapatan ako sa anak ko. Kaya kahit anong sabihin mo makikilala niya ako." Mariin na sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya.
"Kilala ka na niya. Pero wag kang umasa na porket kilala ka niya mapapalitan mo kaaad si Vian sa puso niya." Natulala siya sa sinabi ko.
"Oo Aron. Si Vian ang nakalikahan niyang ama. Binigay niya ang lahat ng bagay na hindi mo naibigay. Pinunan niya lahat kulang mo. Si Irine ang bata na hindi madaling makuha ang loob. Kaya wag kang umasa na matatanggap ka niya kaagad." Sabi ko saka tumayo na.
"Nasabi ko na lahat ng gusto mong malaman. Aalis na ako." Sabi ko at nagsimulang maglakad. Pero pinigilan na naman niya ako.
"I'm sorry Sam. Sa lahat. Bago kasi ako noon. Pero ngayon papatunayan kong kaya na kitang panindigan. Na kaya na kitang ipaglaban." Sabi niya. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko naninikip yung dibdib ko. Nagsalita ako nang hindi lumiligon.
"Bahala ka." Sabi ko at tuluyan ng umalis.
Lumipas angilang araw na hindi nagpakita si Aron sakin. Dapat matuwa ako. Pero may bahagi ng isip ko na nagsasabing alamin ko kung bakit. Napatingin sa phone ko nang umilaw yun. Isang text. Kinuha ko yun saka binasa.
"Sam. Pwede ko bang makita ulit si Irine?"
Napabuntung hininga ako sa text niya. Ilang beses na niyang pinapahatid si Irine sakin sa bahay niya. Pero ayaw magpaiwan ng bata. Nakikita kong sobra siyang nageefort para akuha ang loob ng anak niya. Tumingin ako sa gilid ko. Tahimik na naglalaro si Irine ng doll niya.
"Irine. Gusto ka ulit makita ng papa Aron mo."sabi ko. Tumingin naman siya sakin.
"Okay lang po ba?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim saka hinarap siya.
"Anak. Kung gusto mo siyang makita sabihin mo lang sakin. Papa mo siya kaya may karapatan kayo pareho na magkita at magkasama." Sabi ko.
"Baka po kasi magtampo si Daddy Vian sakin." Sabi niya habang nakayuko.
"Anak. Maiintindihan ka ng Daddy mo. Mahal na mahal ka niya." Sabi ko. Ngumiti naman siya saka yumakap sakin.
"Pupunta po ako basta kasama kita." Natawa naman ako sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay dumating na kami sa bahay nila. Ilang sandali pa ay pinagbuksan na niya kami.
"Nandito na pala kayo. Pasok na." Sabi niya saka binuksan ang pinto. Nang makapasok kami ay naupo muna kami sa sala.
"Anak, gusto mo ba munang kumain?" Tanong niya sa bata. Ngumiti naman si Aron saka tumayo at pinaghanda si Irine. Nang matapos ay nagsimula ng kumain si Irine.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong niya sakin? Umiling lang ako. Nang matapos si Irine ay tinanong niya yung bata.
"Saan mo ba gusto pumunta?" Tanong niya ulit.
"Gusto ko pa sa mall. Palagi akong dinadala ni mommyla dun eh." Masayang sabi niya.
"Okay. Wait lang. Kukunin ko lang yung wallet sa taas." Paalam niya. Aalis na sana siya pero nakakapit lang si Irine sa papa niya. Natatawang tumayo nalang ako.
"Ako na ang kukuha. Saan ba nakalagay?" Tanong ko.
"Ah, nasa ibabaw ng mini table." Sabi niya. Naglakad na ako pataas. Nang makarating ako ay kaagad kong dinampot yung wallet niya. Pero aalis na sana ako nang makita kong bukas yung laptop niya. Napaatras naman ako para patayin sana yun pero may nakita ako. Nanlaki yung mata ko nang mabasa ko yun.
How to be a good father..
Hindi ako nakagalaw nang mabasa ko yun. Talagang ginawa niya yun? Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Sobra siyang nageeffort.
BINABASA MO ANG
MY BOSS AND I
RomanceMeet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa maynila. Meet Aron villafuente. Mayaman. Masungit. At higit sa lahat babaero. Para sa kanya pampalipas...