CHAPTER 26

6.7K 103 0
                                    

KIEPER POV

Nang sumama sakin si Sam ay agad ko siyang pinasakay sa kotse.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya.

"Gusto lang kitang makasama. Tagal kaya nating hindi nagkita. Isa pa may sasabihin ako sayo." Sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Tiningnan naman niya ako.

"Ano ba yun? Importante ba?" Tanong niya ulit. Ngumiti nalang ako sa kanya. Naisipan kong sa park nalang siya dalhin. Nang makarating kami doon ay inalalayan ko siyang umupo sa bench.

"Nakakainis. Ngayon ko lang kasi nalaman na may event pala sa school mo. Tapos bawal pa ang out sider." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Bakit kasi hindi mo nalang ako tinawagan. Alam kong may kailangan ka sakin. Ano ba yun?" Tanong niya. Napangiti naman ako sa kanya. Malakas pala ang pakiramdam niya.

"Wala. Naisip ko lang na bakit kita nagustuhan." Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya. Kinurot ko naman ang pisngi niya.

"Noon yun. Ngayon sigurado na ako na kaibigan nalang kita." Sabi ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng deretso.

"Paano ka nakakasigurado? Kieper. Sorry pero-" pinutol ko na kaagad yung sasabihin niya.

"Alam ko naman kahit hindi mo sabihin sakin. Mahal mo si Aron. Noon akala ko wala lang. Pero habang tumatagal napapansin ko na yun. Aaminin ko na nung una nagselos ako kasi nga gusto kita." Tuloy tuloy kong sabi. Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin.

"Oh, bakit natahimik ka?" Tanong ko. Nag iwas naman siya ng tingin.

"Hindi ko kasi slam kung anong sasabihin ko." Sabi niya na ikinatawa ko. Panay naman ang hampas niya sakin.

"Ano ba?! Bakit tawa ka ng tawa?" Namumula na sabi niya. Hanggang sa bigla siyang nagseryoso.

"Pero gusto ko malaman kung paano mo nalaman na kaibigan lang talaga ako sayo." Seryosong sabi niya. Huminto naman ako sa pagtawa at huminga ng malalim.

"Once na tumibok na ang puso mo. I mean yung malayo sa normal na tibok nito. Hindi ko sinasabing hindi tumibok ang puso ko sayo. Pero kusa mo nalang mararamdaman at malalaman na may iba. May mali. Hanggang sa huli malalaman mo nalang na ito na pala. Siya na." Nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Ganun ba? So ibig sabihin nakita mo na yung babaeng nagpatibok sa puso mo?" Tanong niya. Bigla naman akong namula sa tanong niya. Kainis.

"Huh? Ah. Syempre. Pero hindi ko pa pwede sabihin sayo." Sabi ko. Sumimangot naman siya.

"Bakit naman? Ang daya.!" Reklamo niya. Natawa ako sa kanya at inakbayan siya.

"Basta malalaman mo rin. Don't worry. Kilala mo siya. Kilalang kilala." Pahiwatig na sabi ko.

SAMARAH POV

Nagulat talaga ako sa sinabi ni Kieper. Pero nakahinga din ako ng maluwag nang malaman ko na kaibigan na lang ako. Nagpahatid nalang ulit ako sa restaurant dahil nagtext sakin si Clara na ayaw umalis ni Vian nnag hindi ako kasama. May topak na naman yun. Bago ako pumunta sa table nila ay naisipan ko munang pumunta ng cr. Pumasok na ako sa isang cubicle. Patapos na ako nang my marinig akong umuungol. Pumatong ako sa bowl at dahan dahang sumilip sa kabilang cubicle. Halos mahulog ako sa bowl nang makita ko kung sino yun. Si Aron, may kahalikang babae. Napatakip ako sa bibig ko sa nakita ko. Kitang kita ko kung paano maglumikot ang mga kamay ni Aron sa loob ng damit nung babae. Habang yung babae naman eh abala sa pagtatanggal ng botones niya. Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Hindi na ako halos makahinga. Nanginginig na bumaba ako sa bowl. Huminga ako ng malalim bago naisipang lumabas ng banyo. Nagulat ako nang makita si Aron sa harap ko. Nag iwas ako ng tingin at nagmamadaling lumabas ng cr. Hinawakan niya ako sa braso ko at hinila palapit sa kanya.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon