CHAPTER 37

6K 95 0
                                    

SAMARAH POV

Tumingala ako para makita kung ilan pang papel ang dapat kong buksan. Isa nalang? Parang ang dami pa nito kanina ah. Napalingon naman ako sa gilid kung saan may narinig akong parang nagaaway.

"Ang tanga mo din minsan eh."

"Sorry naman, Malay ko bang walang laman yung iba dun? Hindi mo naman kasi sinabi"

Bakit ba nagbubulungan sila? Hindi ko makita kung sino dahil may nakaharang. Hanggang sa may narinig akong tumikhim.

"Wag mo silang panoorin. Ako ang bida dito." Kung hindi ako nagkakamali nakabusangot na siya niyan. Inayos ko ang sarili ko tsaka ngumiti.

"Mas maganda ka kapag nakangiti." Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Kainis to.

"Sam, lahat na ata nasabi ko na sayo. Pero may bagay pa na hindi. Bago ang lahat, gusto ko munang malaman mo na masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko. Alam mo yung pakiramdam na gumigising ka sa umaga dahil kailangan? Yung pakiramdam na kailangan mong kumain para may laman yung tyan mo?"
Pagkasabi niya nun ay ngumiti siya sakin. Parang natutunaw yung puso ko sa mga sinabi niya. May improvement na ba? May nararamdaman na ba siya sakin?

"Binago mo ang lahat. Ako, buhay ko, at paniniwala ko. Ano bang ginawa mo sakin?" Ano daw? Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko?

"Sam, gusto na kita. Wag kang magalala ikaw lang ang sinabihan ko niyan. Alam kong babaero ako. Pero hindi naging hadlang sayo. Minahal mo parin ako kahit alam mong marami akong nakakasamang ibat ibang babae. Sam, hindi ko na gagawin yun, lalo na at alam ko na kung anong pakiramdam." Sabi niya. Huminga siya ng malalim saka untiunting lumapit sakin. Tulala parin ako dahil sa mga narinig ko. Gusto na niya ako? Masaya ako sobra. Sa sobrang saya ko gusto kong tumakbo at yakapin siya ng mahigpit. Pero nawala din yun nang maalala ko na naman yung sinabi ng mommy niya. Hindi ko na napigilan ang agos ng luha ko. Bakit kung kelan okay na ang lahat saka pa nangyari to? Hindi ko na napigilan ang mapahikbi. Nakita ko sa mukha niya ang pagaalala. Mabilis siyang tumakbo palapit sakin at niyakap ako. Palakas na ng palakas ang iyak at hikbi ko.

"Anong problema? May nasabi ba akong mali?"sabi niya at lumayo sakin ng kaunti. Tinitigan niya ako ng maigi.

"N-nagbago na ba yung p-agtingin mo sakin? Hindi mo na ba ako m-mahal?" Piniyok pa siya nang sabihin niya yun. Tiningnan ko lang siya dahil wala akong masabi. Hindi parin kasi ako makapaniwala. Hanggang sa naramdaman kong untiunting nahuhulog yung kamay niya sa balikat ko. Bigla akong nataranta kaya mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Kung pwede lang na hindi ko na siya pakawalan.

"Bakit mo ba to ginagawa? Bakit mo ba ako pinapahirapan?" Umiiyak na sabi ko. Hinaplos naman niya yung likod ko.

"Ano bang ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong niya. Umiling naman ako.

"Wala. Sobra lang akong natuwa sa ginawa mo. Hindi ko inaasahan na gagawin mo lahat ng ito." Humihikbing sabi ko. Natawa naman siya.

"Tama na nga yan. Tara na may ibibigay pa ako sayo." Nakangiting sabi niya. Hinila na niya ako papunta dun sa lamesa namin. Inalalayan niya akong makaupo at ng matapos ay umikot siya. Huminga siya ng malalim saka ngumiti sakin. Nakatingin lang ako kanya.

"Ah, Sam. Sana magustuhan mo to. First time ko kasi kaya sana okay lang." Nahihiya niyang sabi.

"Okay lang. Bakit ano ba yan?" Sabi ko sabay turo sa hawak niyang malaking box. Huminga siya ng malalim saka nakangiting binigay yun sakin. Tinanggap ko naman yun.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon