CHAPTER 33

6.3K 93 6
                                    

VIAN POV

Exited akong matapos ang practice namin dahil may usapan kami ni Sam na sabay kaming kakain ng lunch.

"Pre, kanina ka pa hindi mapakali dyan ah," pansin ng ka team mate ko. Natawa naman ako. Ganun ba ako ka obvious? Sorry naman.

"Halata ba?" Natatawang tanong ko.

"Oo mukha kang tanga dyan kakangiti." Naiiling na sabi niya. Natawa naman ako. Mga adik.

"Oo nga pre, share mo naman."sabi naman nung isa.

"Tigilan niyo ako. Hindi ko nga alam kung tuloy eh. Matawagan nga." Sabi ko at tinawagan na si Sam. Bakit out of coverage?

"Oh? Kanina lang ang lapad ng ngiti mo ngayon para ka ng di matae dyan." Natatawang sabi ng kaibigan ko. Hinampas ko naman siya. Asar to ah.

"Tigilan niyo nga ako." Sabi ko sabay tayo. Pupuntahan ko na nga lang. Dumaan na muna ako sa locker room para makapagpalit ng damit. Nang masigurong gwapo na ako ay dumeretso na ako sa HRM building. Pasipol sipol pa ako habang naglalakad. May nasalubong pa akong kakilala.

"Oh, pre, may girlfriend ka ba dito? Madalas kita makita dito ah" tanong niya. Bwisit to ah. Kalalaking tao tsismoso. Nag okay sign nalang ako sa kanya at naglakad na palayo. Nang nakita ko na yung room niya ay tumakbo na ako. Hinanap ko kaagad siya. Wait lang, bakit wala siya? Tinawag ko yung classmate niyang palabas na.

"Miss. Napansin mo ba si Samarah?" Tanong ko.

"Ah, nakaalis na siya. Half day lang kasi kami. Nagka emergency yung proof." Sagot naman niya. Bakit hindi niya sinabi? Nakalimutan niya kaya?

"Alam mo ba kung nasaan siya?" Tanong ko ulit.

"Hindi eh." Sagot naman niya. Tumango naman ako saka nagpasalamat. Anong nangyari dun? Naglakad na ako paalis. Habang naglalakd ay panay ang linga ko. Baka nandito lang yun. Pero nakakalayo na ako sa school namin hindi ko parin siya nakita. Sumilong muna ako dahil nakaramdam na ako ng init. Sinuot ko yung Hood ko para hindi ako masyado mainitan. Habang nagmumuni muni may narinig akong naguusap sa di kalayuan. Wait. Parang pamilyar. Hanggang sa tumakbo na yung babae at tuluyan ko ng nakilala. Si Sam kasama ang boss niya. Kaya ba hindi ko siya makontak? Dahil kasama niya ang lalaking to? Bakit hindi man lang niya sinabi sakin para hindi ako nagmukhang tanga. Nagtagis ang bagang ko nang nakita kong inakbayan siya ni Aron. Putcha. Ano to gaguhan? Sana nainform ako na sila na at goodbye Vian. Sa inis ko ay lumapit ako sa kanya at bumulong. Nakita ko siyang nagulat.

"Sana masaya ka." Sabi ko at naglakad na paalis. Tangina lang. Ang sakit. Kung mamalasin ka nga naman. Nasalubong ko pa yung nga kaibigan ko habang naglalakad.

"Oh? Bakit nandito ka? Akala ko ba-" hindi ko na siya pinatapos dahil nagsalita na ako.

"Bar." Sabi ko sabay lakad papunta sa parking lot.

Nang makarating kami doon ay agad akong omorder ng isang boteng whisky.

"Pre, may problema ba?" Tanong ng kaibigan ko. Huminga naman ako ng malalim.

"Wala. Samahan niyo nalang ako magluksa." Sabi ko sabay lagok ng alak.

"Ano bang luksa ang sinasabi mo? May namatay ba?" Tanong ulit niya. Kumuyom ang kamao ko nang maalala ko yung nakita ko kanina.

"Oo. Yung puso ko." Wala sa sarili kong sagot. Bwisit. Hindi pa ako lasing pero bakit ganun ang lumalabas sa bibig ko.

"Patay tayo dyan. Mukhang tinamaan ka." Naiiling na sabi niya. Napasubsub naman ako sa mesa. Kasalanan ko to eh. Tanga kasi ako. Alam ko naman na mahal niya ang lalaking yun pero mas pinili ko ang maging bulag.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon