CHAPTER 34

6.2K 101 0
                                    

SAMARAH POV

Kanina pa ako nilalamok dito sa gym. Kakatapos lang kasi ng laro nila. Huminga ng malalim si Clara saka ako siniko.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Naiinip na tanong niya. Huminga din ako ng malalim saka siya nilingon.

" kung gusto mo mauna kana umuwi." Sabi ko sa kanya habang nililibot ko ang tingin. Sumimangot naman siya.

"Ayoko nga. Baka mamaya awayin kapa nun." Sabi niya sabay hampas sa balikat niya. Mayamaya pa ay may nakita na kaming babae na palapit sakin.

"Halika na. Nagpalusot lang ako." Natatawang sabi niya. Ngumiti naman ako.

"Salamat ha." Sabi ko. Ngumiti din siya. Naglakad na kami papunta sa locker room habang nakasunod samin si Clara.

"Sino siya?" Bulong niya.

"Kapatid ni Vian." Sagot ko. Nang makarating na kami ay nakita ko si Vian na nakasandal. Huminga ako ng malalim bago untiunting lumapit. Napalingon naman siya sakin. Halata ang gulat sa mata niya. Pero napalitan yun ng galit.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Naiiritang tanong niya. Napayuko naman ako.

"Vian please, magpapaliwanag ako." Pakiusap ko sa kanya. Nagiwas naman siya ng tingin.

"Wala namang magbabago kahit magpaliwanag ka pa." Seryosong sabi niya.

"Vian, pakinggan mo naman ako." Pakiusap ko ulit. Huminga siya ng malalim saka ako hinarap.

"Okay. Go." Sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ang totoo okay naman kami ni  Aron. Ibig kong sabihin hindi kami. Walang kami. Parang fling lang." Nagulat naman siya sabay natawa.

"At pumayag ka naman?" Iritang tanong niya. Napayuko naman ako.

"Vian, mahal ko kasi siya. Diba,  kapag mahal mo ang isang tao hindi ka dapat naghihintay ng kapalit." Sabi ko sabay tulo ng luha ko. Nakita kong nagtagis ang bagang niya sa galit.

"May usapan tayong sabay tayong kakain ng lunch. Pero hindi ka dumating." Sabi niya nang hindi nakatingin sakin. Nagulat naman ako. Nakalimutan ko!

"Sorry. Nakalimutan ko. Hindi ko yun sinasadya." Natatarantang sabi ko. Hinawakan ko siya sa braso.

"Vian, please. Wag kana magalit sakin." Pagmamakaawa ko.

"Sam, hindi mo ko masisisi. Nasaktan ako nang nakita ko kayo. Oo sinabi ko na handa akong masaktan pero iba parin pala kapag nandyan na. Hindi ko kaya Sam. Hayaan mo na muna ako." Sabi niya sabay tanggal ng kamay ko sa braso niya. Tuluyan na akong napaiyak. Bakit ba ang sakit sa pakiramdam? Nagsimula na siyang maglakad. Nang makalayo na siya ay saka ko lang naisip na sundan siya. Kahit wala akong makita dahil sa mga luha ko ay tumakbo parin ako. Napaatras ako nang nakita kong umuulan. Agad kong hinanap ang payong sa bag ko. Nang nakita ko yun ay agad kong binuksan at tumakbo papunta Kay Vian. Nang makalapit ako ay pinayungan ko siya. Nagulat ako nang marahas niyang tabigin yung payong kaya na out of balance ako. Lumagapak ako sa semento. Ang sakit. Tatayo na sana ako kaya lang mukhang nabalian ata ako ng buto sa paa dahil sobrang sakit nun. Tinanaw ko si Vian na malayo na. Napahikbi na ako ng tuluyan. Mayamaya pa ay may umalalay na sakin. Paglingon ko si Clara na basang basa na din sa ulan.

"Tumayo kana nga! Dapat talaga hindi na tayo nagpunta pa dito eh." Galit na sabi niya. Sinikap kong tumayo kahit mahirap. Nang magtagumpay ako ay iika ika kaming naglakad papunta sa parking lot.

Hindi na muna niya ako hinatid pauwi sa bahay. Sa bahay niya ako dinala. Tinulungan niya akong pumunta sa cr at makapagbihis. Nang matapos ay inalalayan naman niya ako makaupo sa kama niya. Umupo naman siya sa lapag.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon