CHAPTER 11

8.9K 167 5
                                    

ARON POV

Tahimik lang kami hanggang sa makapagpark ako ng sasakyan. Tinanggal ko yung seatbealt ko at akmang lalabas na ng mapansin ko si Sam na nakabusangot.

"Anong problema?" I asked. Ngumuso naman ito.

"Hindi ko matanggal yung seat belt ko." Inis na sabi nito. Huminga ako ng malalim at nilapitan siya. Naramdaman kong nanigas siya sa paglapit ko. So? Ganun ang epekto ko sa kanya? Nang matanggal ko na yung seat belt niya ay nakangiti ako. Kunot noong tiningnan niya ako.

"Nabuang kana?"(nabaliw kana) agad na nawala yung ngiti ko sa sinabi niya. Ayan na naman siya.

"What? Okay na sana eh. Panira ka talaga." Naiinis na sabi ko.

"Eh, bakit ka kasi nakangiti?" Maktol niya. Cute. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti. Lumabas nalang ako ng kotse at ganun din siya. Umikot ako at hinawakan siya sa braso. Hinila niya yun pero hindi siya nagtagumpay.

"Maraming tao. Baka mawala ka." I said. Agad naman niyang nilibot yung tingin niya. Hinila ko na ulit siya. Naghanap ako ng boutique para bilhan siya ng damit na kailangan niya sa office. Nang makakita ako ay agad ko siyang hinila papasok. Naramdaman kong hinihila niya ng marahan yung laylayan ng T-shirt ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ginagawa natin dito?" Inosenteng tanong niya.

"Obvious ba? Bibili tayo ng damit mo." I said ngumuso naman ito.

"Marami naman akong damit sa bahay." She said. Huminga ako ng malalim.

"Like what? Shorts? T-shirt? Pajama? Sando? Hindi pwede ang mga yun sa opisina. Desenteng damit dapat." Sabi ko sa kanya. Hindi naman siya umimik. Mayamaya pa may lumapit samin na saleslady. Tinuro ko si Sam.

"Ikaw na ang bahala sa kanya." Sabi ko sa babae. Ngumiti naman ito sakin. Tss. Papansin. Hindi ba niya nakikita na may kasama ako? Tsk. Hinila na niya si Sam kung saan. Umupo muna ako sa sofa at nagcheck ng email habang naghihintay kay Sam.

SAMARAH POV

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ako ng babaeng ito. Hinayaan ko nalang siya kung ano man ang balak niya sakin. Napatingin ako sa kanya ng huminto kami. Ginala ko ang paningin ko at nakita ko ang sandamakmak na bistida sa harapan ko. Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko yun. Talaga bang ibibili niya ako niyan? Matagal ko nang gusto na makabili niyan. Kaya lang hindi ko magawa kasi lagi kaming kapos sa pera. Pinagmasdan ko lang yung babae habang namimili ng damit na babagay sakin. Ilang saglit pa lumapit na siya sakin dala yung mga damit na napili niya. Hinila niya ulit ako sa isang maliit na kwarto.

"Pakisukat na po" sabi nito sabay turo sakin sa maliit na kwarto na may salamin. Tiningnan ko yung una niyang binigay sakin. Pulang bistida na isa lang ang strap at medyo malapad. May Raffles sa bandang dibdib. Sinimulan ko ng isukat yun. Nang matapos ako tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Napangiti ako. Nakatsamba ata ako kasi bumagay siya sakin. Umabot lang yun hanggang sa tuhod ko. Tinali ko yung buhok ko para makita ko yung strap. Napangiti ako. Nagulat ako ng may sumigaw mula sa labas

"Lumabas ka dyan. Titignan ko." Rinig kong sabi ni Sir Aron. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang lumabas. Nang makalabas ako ay nakita ko yung saleslady na ngumiti.

"Bagay po sainyo ma'am." Sabi nito. Nalipat naman ang tingin ko kay Sir Aron. Nakatulala ito at medyo nakaawang ang bibig. Pangit ba? Nilipat ko ulit yung tingin ko sa babae pero humagikhik lang ito. Narinig kong tumikhim si Sir kaya napalingon ulit ako.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon