SAMARAH POV
Hanggang sa matapos kaming kumain ng ice cream ay wala parin si Aron. Kaya si Vian nalang ang naghatid sakin sa bahay. Nang makarating kami sa bahay ay agad akong nagpasalamat.
"Dito ka pala nakatira?" Sabi niya habang nakatingin dun sa bahay.
"Hindi sa ganun. Dito rin kasi ako nagtatrabaho." Paliwanag ko sa kanya. Tumango tango naman siya.
"Sige, salamat ulit ha. Kailangan ko ng pumasok." Paalam ko. Tumingin naman siya sakin.
"Okay. See you." Sabi niya at pumasok na sa loob. Nang tuluyan na siyang makaalis ay pumasok na ako sa loob. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad si Aron na masama ang tingin sakin.
"Saan ka galing?" Malamig na tanong niya. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Sa school." Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Wag mo akong lokohin. Sino yung kasama mo?" Tanong niya. Grabe din siya makasigaw akala mo boyfriend ko. Sumikip na naman yung dibdib ko.
"Schoolmate ko." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nakita kong nag igting yung panga niya.
"Sam-" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako.
"Kung tutuusin ako dapat ang magtanong sayo. Ang sabi mo susunduin mo ako pero nasaan ka?" Tanong ko. Bakas ang gulat sa mga mata niya.
"Hindi ka makasagot? Okay lang naiintindihan ko. Sa susunod kasi wag kang mangangako kung hindi mo naman kayang tuparin." Sabi ko at naglakad na papasok ng kwarto ko. Tumulo na naman yung luha ko.
"Bakit ka umiiyak?" Nagulat ako sa nagsalita. Si Andrea. Nag iwas ako ng tingin.
"Waay, pasagdi na la to."(wala. Hayaan mo nalang) sabi ko at umupo sa kama ko.
"Nabati ko tanan. Gihigugma mo ba si Sir Aron?" (Narinig ko lahat. Mahal mo ba si Sir Aron?) Tanong niya.
"Andrea, dili ko na aram kung nano ang akong himuon. Usahay kalipayun ko. Usahay kalisod." (Andrea, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Minsan masaya ako, minsan ang hirap) naiiyak na sabi ko. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Wara kang sala. Nagkataon lang na gihigugma mo siya." (Wala kang kasalanan. Nagkataon lang ma minahal mo siya) sabi niya habang yakap ako. Lumayo naman ako sa kanya at pinunasan yung luha ko.
"Mahal ko na nga siya." Pag amin ko sa sarili ko.
Nang matapos na ako sa lahat ng gawain ko ay umupo ako sa sala para gumawa ng assignment ko. Dadamputin ko na sana yung notebook ko pero tumunog yung phone ko kaya yun ang kinuha ko. Si Vian.
"Hello Vian?" Sagot ko.
"Sam, may hihilingin sana akong pabor sa sayo. Pwede ba?" Tanong niya.
"Ano ba yun?" Tanong ko.
"Ano, tungkol dun sa program sa school natin." Sabi niya.
"Wala akong alam dyan. Bakit?" Tanong ko ulit.
"I know. Nag back out kasi yung partner ko. Kailangan ng kapalit. Ikaw sana. Please." Pakiusap niya sakin.
"Ano ba ang gagawin?" Tanong ko ulit. Puro nalang ako tanong.
"Sayaw kasi yun. Interpretative dance." He said. Napanganga naman ako. Anong alam ko dun?
"Mukhang hindi kita matutulungan." Kagat labi kong sabi. Bumuntong hininga naman siya sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
MY BOSS AND I
RomanceMeet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa maynila. Meet Aron villafuente. Mayaman. Masungit. At higit sa lahat babaero. Para sa kanya pampalipas...