SAMARAH POV
Halos isang linggo din kaming nagpractice ni Vian. Halos perfect na nga kaya lang kailangan pa daw naming pagbutihan. Nang matapos kami nagpasya muna kaming magpahinga. Nang makaupo at inabutan niya ako ng mineral water.
"Nakakapagod" sabi ko at sumandal sa upuan. Tumayo naman si Vian at pumunta sa likod ko. Nagulat ako ng lumapat ang palad niya sa balikat ko at marahang minasahe yun.
"Okay lang ako Vian." Sabi ko.
"Makakatulong to para mabawasan yung pangangalay ng balikat mo."sabi niya habang patuloy na minamasahe yung balikat ko. Ngumiti nalang ako sa kanya.
"Sabagay tama ka." Sangayon ko sa kanya.
"Tutal hapon na mag meryenda kaya muna tayo. Libre ko." Aya niya sakin.
"Weh?" Biro ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.
"Oo. Kaya kumilos kana dyan baka magbago pa ang isip ko." Sabi niya sabay tayo. Dinampot ko na naman agad yung bag ko at hinabol siya.
"Wait lang.!" Sigaw ko. Nang makarating na kami sa restaurant ay agad kaming naupo at umorder.
"Isang beef steak dalawang kanin tsaka isang chocolate ice cream." Sabi ko sa waiter. Susulitin ko na to bukod sa gutom ako libre kaya to. Masama tumanggi sa libre.
"Isang chicken fillet dalawang kanin at vanilla sundae." Sabi niya sa waiter. Nang makaalis na yung waiter at binulungan ko siya.
"Gutom ka din?" Tanong ko. Tiningnan naman niya ako.
"Secret lang natin pero malakas ako kumain." Bulong niya. Ngumuso naman ako. Takaw pala nito.
"Sa tingin mo matatapos ba natin ng maayos yung sayaw?" Tanong ko habang kumakain. Tinitigan naman niya ako.
"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" Sabi niya sabay inom ng tubig. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Kumain ka na nga lang. Wala talagang lumalabas na matino dyan sa bibig mo." Sabi ko habang kinakain yung ice cream.
Nang matapos kaming kumain at hinatid na niya ako sa bahay. Bababa pa sana siya ng kotse pero pinigilan ko na.
"Salamat sa paghatid." Pasalamat ko. Tumango naman siya.
"Ingat. Pasok kana." He said. Ngumiti ako at pumasok narin. Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan ko si Aron na nanonood ng tv.
"Nano man kay mata ka pa.?" (Bakit gising kapa) tanong ko. Lumingon naman siya sakin.
"Hinihintay ka." Seryosong sabi niya. Okay lang kahit magbisaya ako naiintindihan na niya ako kahit paano. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang titig niya. Nagulat ako ng hawakan niya ang balikat ko at iharap ako sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagluto siya.!! Kinagat ko naman ang pang ibabang labi ko at yumuko. Paano ko kakainin yan? Busog na busog na ako. Hinila niya ako paupo at binigyan ng pinggan. Siya narin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Gusto ko sanang sabihin na busog na ako kaya lang pag angat ko ng tingin at nakita ko siyang nakangiti.
"Kumain kana." Utos niya sakin. Tumikhim ako at kinuha ang kutsara. Hindi ko maiwasang hindi mapapikit dahil parang ayaw ng tanggapin ng tiyan ko yung pagkain.
"Anong lasa? Hindi ba masarap?" Tanong niya. Nilunok ko muna yung pagkain bago sumagot.
"Ayos lang naman." Sagot ko. Napakamot naman siya sa batok niya.
BINABASA MO ANG
MY BOSS AND I
RomanceMeet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa maynila. Meet Aron villafuente. Mayaman. Masungit. At higit sa lahat babaero. Para sa kanya pampalipas...