VIAN POV
Kanina pa kwento ng kwento si Margaret tungkol sa nagyari sa kanya sa states. Actually masaya ako para sa kanya. Kasi finally natupad na yung pangarap niya na maging model. Dati pinagtatawanan ko lang yan. Pano kasi ang payat niya dati. Kilos ewan pa. Napatingin ako sa gilid. Nakita ko si Sam na kausap ang pinsan ko. Napangiti ako. At least hindi na siya nahihiya. Napalingon naman ako sa katabi ko nang hampasin niya ako.
"Hindi ka parin talaga nagbabago. Ang hilig mo parin manakit." Komento ko sa kanya. Sumimangot naman siya.
"Eh, kasi naman. Kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka naman nakikinig." Nakangusong sabi niya. Malakas akong Napabuntung hininga.
"Wala may hinahanap lang ako." Sabi ko. Tumaas naman yung kilay niya.
"Who? Yung babaeng kasama mo kanina? Ayun siya oh."turo pa niya. Napailing naman ako. Kanina ko pa nakita. Dinahilan ko lang yun. Tumayo na ako at naglakad papunta sa kanila. Nang makalapit ako ay ngumiti ako sa pinsan ko. Ngumiti din siya sakin. Tumingin ako kay Sam pero hindi man lang niya ako tiningnan. Anong problema nito? Mayamaya ay humarap siya sa pinsan ko. Anong trip niya?
"Busy naman sila. So Tara sama ka nalang sakin." Aya sakin ni Margaret. Huminga ako ng malalim saka sumunod nalang sa kanya. Mamaya ko na siguro siya kakausapin. Nang makarating kami sa kwarto ko ay agad niya akong niyakap sa likod. Napapikit nalang ako sa ginawa niya. Malambing parin siya hanggang ngayon. Pero hindi na mababago nun ang katotohanan na hindi ako ang mahal niya. Dahan dahan kong tinanggal yung braso niya na nakayakap sa bewang ko. Pagkatapos ay umupo ako sa kama ko. Ilang saglit pa ay lumapit siya sakin at tumabi ng upo.
"I miss you Vian. Hindi mo ba ako namiss?" Malungkot na sabi niya. Umayos ako ng upo at hinarap siya.
"I miss you. Margaret. But the thing is. Hindi na tayo kagaya ng dati. Tanggapin mo nalang na hindi na tayo pwede. Pinili mo siya. Nasaktan ako. Pero okay na ako ngayon. Kaya sana naman palayain mo na ako." Seryosong sabi ko. Nakita ko ang pamamasa ng mata niya. Iniwas ko yung tingin ko.
"Really? Siya ba yung pinalit mo sakin?" Basag na sabi niya.
"Mahal ko siya. Pagkatapos ng nangyari satin noon ngayon nalang ulit ako nagmahal." Sabi ko.
"But. Pano kung saktan ka lang din niya.?" Sabi niya. Huminga ako ng malalim.
"Tatanggapin ko. Magkaiba kasi kayo ng sitwasyon. Yung satin hindi ko alam na ginagago mo na ako. Siya, alam ko na may mahal siyang iba. Pero alam kong masasaktan parin ako." Pagkasabi ko nun ay naramdaman kong sumikip yung dibdib ko.
"Mahal mo nga siya. Pero alam mo base sa mukha niya kanina. Alam kong nagseselos siya." Natatawang sabi niya. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Totoo ba yang sinasabi mo?" Tanong ko. Tinaasan na naman niya ako ng kilay.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Asar na sabi niya. Ako naman tuloy ang natawa.
"Sana nga. Margaret. Sana nga may puwang na ako sa puso niya." Mahinang sabi ko.
SAMARAH POV
Tulala ako nang makapasok sa kwarto. Mahal pa ba niya si Margaret? Mahal pa nila ang isat isa? Pero bakit niya sinabing mahal niya ako? Umiling ako. Hindi. Hay, kung ano ano nang pumapasok sa utak ko. Naglinis nalang ako ng katawan. Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto para puntahan si Irine. Nang makarating ako sa kwarto nila tita ay kumatok ako.
"Sam. Si Irine ba?" Tanong ni tita. Tumango naman ako.
"Naku. Nakatulog na. Hayaan mo na siya dito. Malaki naman yung kwarto namin." Nakangiting sabi niya. Tumango nalang ako.
BINABASA MO ANG
MY BOSS AND I
RomanceMeet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa maynila. Meet Aron villafuente. Mayaman. Masungit. At higit sa lahat babaero. Para sa kanya pampalipas...