SAMARAH POV
Nang makararing ako sa school at nakahinga ako ng maluwag. Naghanap muna ako ng pwedeng maupuan. Kanina ko pa kasi tinitiis ang sakit sa pagitan ng mga hita ko. Hay. Kung alam ko lang na ganito kasakit di sana, hay.. Matawagan nga si Clara.
"Hello, nasaan ka?" Tanong ko.
"Malapit na. Bakit?" Tanong naman niya pabalik.
"Pwede mo ba akong isakay hanggang sa loob?" Pakiusap ko. Malayo pa kasi ang building namin mula dito.
"Bakit? may nangyari ba sayo? Napilayan ka ba?" Sunod sunod na tanong niya. Huminga naman ako ng malalim.
"Hindi. Mamaya ko na ipapaliwanag." Sabi ko.
"Okay. Wait lang." Sabi niya. Nagulat ako nang may humalik sakin sa pisngi. Paglingon ko si Vian. Napatingin naman ako sa paligid. Buti nalang at konti palang ang tao. Nakahinga ako ng maluwag.
"Ano bang ginagawa mo?" Bulong ko. Ngumiti naman siya.
"Bakit? Ito naman." Nakangusong sabi niya. Natawa naman ako para siyang pato.
"Umayos ka nga para kang pato." Natatawang sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Anong pato? Sa gwapo kong to? Pato?" Sabi niya habang masama parin ang tingin sakin.
"Oo na sige na hindi na." Sabi ko nalang para hindi na siya mainis. Tiningnan naman niya ako ng mabuti.
"Bakit nandito ka? May hinihintay ka ba?" Mayamaya at tanong niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Bakit pakiramdam ko guilty ako? Magtatanong na sana siya ulit kaya lang may narinig na kaming bumusina. Pagtingin namin si Clara. Nakalabas ang ulo niya sa bintana.
"Sakay na." Sabi niya. Tumayo na kami ni Vian para sumakay. Sumakay ako sa front seat dahil yun ang gusto ni Clara. Nilingon ko naman si Vian at nakita ko siyang naglagay ng earphones. Siniko naman ako ni Clara.
"Chicago mo na. Ano ba talaga ang nangyari?" Kulit talaga nito.
"Wala. Medyo masakit lang yung mga hita ko at balakang. Nadulas kasi ako." Sabi ko na hindi nakatingin sa kanya. Tiningnan niya lang ako sandali dahil nagmamaneho siya. Nang makarating na kami sa building namin at nagpaalam na si Vian.
"Mayang lunch." Sabi niya at umalis na. Pumasok na kami sa loob ni Clara. Nang makaupo ako ay inikot naman niya yung upuan niya paharap sakin.
"Sabihin mo na sakin ang totoo. Alam kung hindi ka nadulas. Malakas ang pakiramdam ko." Sabi niya habang tinititigan ako. Nag iwas naman ako ng tingin.
"Nano ka parabulong?" (Ano ka albularyo?) Tanong ko sa kanya tapos ay pilit na ngumiti. Pinaningkitan naman niya ako ng mga mata.
"Wag mo akong mabisaya bisaya Sam. Sagutin mo ang tanong ko." Sabi niya habang nakatingin parin sakin ng seryoso. Hay! Ano ba naman tong babae nato. Huminga ako ng malalim saka lumapit sa kanya.
"Mangako kang wala kang pagsasabihan." Bulong ko sa kanya. Tumango naman siya.
"May ano kasi," gusto ko talagang sabihin pero hindi ko matuloy. Nahihiya kasi ako.
"Ano? Pabitin ka naman eh.!" Reklamo niya. Hinawakan ko siya sa kamay saka huminga ulit ng malalim.
"May, nangyari samin ni-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil sumingit kaagad siya.
"Ni Vian?!" Sigaw niya. Tinakpan ko naman yung bibig niya.
"Wag kang maingay. Ano ba?"mahina kong sabi.
BINABASA MO ANG
MY BOSS AND I
RomansaMeet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa maynila. Meet Aron villafuente. Mayaman. Masungit. At higit sa lahat babaero. Para sa kanya pampalipas...