SAMARAH POV
Nang matapos akong maligo ay agad akong naghalungkat sa damitan ko ng masusuot. Una kong nakita yung mga binili ni Sir Aron para sakin. Susuotin ko ba to? Makapag short na nga lang at sando. Ang init naman kasi para magpantalon.
"Gwapa day ah, may date ka?"(ganda day ah,) napalingon naman ako kay Andrea.
"Waay uy, gi ingun kasi sa ako ni Sir na karon daw niya ako tudluan."(wala no. Sinabi kasi sakin ni Sir na ngayon niya ako tuturuan) sabi ko habang inaayos ko yung buhok ko. Hindi pa siya masyadong tuyo pero hayaan muna late na kasi ako sa usapan namin.
"Mao ba? Good luck saimo day."(ganun ba? Good luck sayo day) sabi nito habang nakangisi. Nang matapos ako ay agad na akong umakyat sa taas. Kumatok na ako ng ilang bases pero walang nagbubukas. Kaya naisipan ko ng pihitin yung door knob. Bukas yun kaya nagpasya na akong pumasok nalang. Nagulat ako ng biglang may tumahol na aso sa pagkataranta ko ay napaakyat ako sa ibabaw ng table sa library.
"Susmaryosep. Bakit may aso dito?" Tanong niya sa sarili. Kinakabahan na ako hindi parin kasi tumitigil sa pagtahol yung aso. Mayamaya ay may narinig akong nagsalita sa likod ng malaking aparador.
"Anong ginagawa mo dyan?" Kunot noong tanong nito. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Naga pangutana ka pa? Buta ka ba? Naa man kay may ito diri sa sulod?"(nagtanong ka pa? Bulag ka ba? Bakit may aso dito sa loob?) Dahil sa pagkabigla ko nakapagsalita na naman ako ng bisaya. Inalis niya ang tingin sakin at nilipat iyon sa aso na tahol ng tahol.
"Gray. Tumigil kana. Natatakot na si Sam." Kausap nito sa aso. Ilang saglit pa ay tumahimik na ito. Namangha ako. May aso rin naman samin pero hindi kasing ganda nito at katalino. Napatingin ako kay Sir Aron na lumalapit sakin.
"Bumaba kanya dyan." Utos nito sakin. Pero nagaalangan parin ako.
"Hindi ba yan nananakmal?" Tanong ko ulit.
"Pwede ba bumaba ka nalang. Nangangalay na ako." Kunot noong sabi nito. Ang sungit talaga. Nang tuluyan na akong makababa ay agad niya akong pinaupo sa silya.
"Bakit basang basa ang buhok mo?" Naiirita niyang tanong.
"Ah, naligo kasi ako. " sabi ko sa kanya habang nilalaro ko yung mga daliri ko.
"Alam ko. Bakit hindi ka gumamit ng blower?" Sabi nito habang naghahanap ng kung ano.
"Stay here. May kukunin lang ako." Sabi nito sabay lakad palabas ng library. Nang makalabas siya ay tumayo ako para maglibot. Napatingin ako sa aparador na salamin. May nakita akong mga litrato dun na nakahelera. Tinitigan ko yun. May nakita akong babae. Ang ganda niya. Makinis, Maputi. Basta maganda siya. Bigla tuloy akong nahiya sa sarili ko. Paglingon ko may nakita pa akong isang picture na magkasama sila ni Sir Aron. Nakangiti sila pareho at masaya. Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Napapadalas na ata ito. Pumikit ako ng mariin at bumalik sa upuan ko. Napatingin ako sa pinto nang bumukas yun at pumasok si Sir Aron. May dala itong maliit na tuwalya. Matatanong na sana ako nang lumapit siya sakin at pinatong yung tuwalya sa ulo ko. Hahawakan ko na sana yun kaya lang tinabig niya yung kamay ko.
"Ako na. Sa susunod patuyuin mo muna yung buhok mo. Magkakasakit ka sa ginagawa mo." Sermon nito sakin. Napanguso naman ako.
"Siguro nung umulan ng kasungitan sinalo mo lahat." Wala sa sarili kong sabi. Napahinto naman ito sa pagpunas sa ulo ko.
"Bakit ba big deal sayo kung masungit ako o hindi." Sabi nito tapos pinagpatuloy na niya yung pagpupunas sa buhok ko.
"Sabi nila kapag lagi ka daw nakasimangot papangit ka daw." Tumawa naman ito ng mahina.
BINABASA MO ANG
MY BOSS AND I
RomantizmMeet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa maynila. Meet Aron villafuente. Mayaman. Masungit. At higit sa lahat babaero. Para sa kanya pampalipas...