CHAPTER 20

7.7K 143 3
                                    

SAMARAH POV

Hindi ko alam na magkakasundo din pala kami ni Aron. Basang basa na kami ng makabalik kami sa cottage.

"Oh, mauna kana magbihis." Sabi niya sabay abot ng damit. Kinuha ko naman yung damit at nagpunta na sa cr. Nang matapos ako ay bumalik na ako sa cottage.

"Ikaw naman." Sabi ko. Nakatingin lang siya sa suot ko.

"Bakit? Malaki ba?" Tanong ko. Tumingin naman siya sakin.

"H-Ha? Hindi ayos lang. Sige magbibihis na ako." Sabi niya sabay dampot ng damit. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. Nang hindi ko na siya makita ay kinuha ko na yung pagkain na pina take out ko. Sana hindi pa panis to. Nang maayos ko na yun, sakto namang dumating na si Aron.

"Kain na tayo. Sorry pero malamig na." Sabi ko.

"Okay nayan.hindi naman natin to napaghandaan." Sabi niya. Napangiti naman ako.

"Alam mo ba na ang mga wala sa plano ang natutuloy at masaya." Sabi ko. Ngumiti naman siya. Kalampayan ang gwapo!! Oo aaminin ko gusto ko na siya. Pero hindi ko sasabihin sa kanya. Alam ko naman na hindi ako ang mga tipo niya. Nakikita ko naman sa mga babae na kasama niya.

"Sabagay tama ka." Sang ayon niya sakin.

"Kumain na nga tayo." Sabi ko at nagsimula ng kumain. Habang umiinom ako ng tubig ay may naalala ako.

"Aron, diba nandito tayo para sa trabaho? Bakit nandito lang tayo sa beach?" Takang tanong ko. Tiningnan naman niya ako.

"Okay lang yun. Ako na ang bahala." Tumango nalang ako bilang sagot. Nang magsawa na kami ay nagpasya na naming umuwi sa hotel.

"Goodnight Sam." Sabi niya sakin ng nasa tapat na kami ng kwarto. Magkatabi lang kasi kami.

"Goodnight din sayo." Nakangiting sabi ko at tuluyan ng pumasok sa loob.

Nang matapos ang trabaho sa boracay ay umuwi din kami kaagad. Bukod kasi sa masyado na kaming matagal dun marami pang trabaho na naghihitay sa manila. Nang makarating kami sa manila ay agad kaming sinalubong ni ate at Andrea.

"Sam! Sa wakas nakauli kana!" (Nakauwi) ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. Ganun din ang ginawa ko kay ate.

"Pumasok na kayo sa loob. Handa ang tanghalian." Sabi ni ate samin. Kinuha naman ni Aron yung bagahe ko.

"Ako na dito. Mauna kana dun." Utos niya sakin at umalis na. Kinurot naman ako ni Andrea sa tagiliran ko.

"Anong meron sa inyong dalawa ha?" Tanong nito. Nagtatakang tiningnan ko naman siya.

"Ano bang ginatabi mo diha?" (Ano bang sinasabi mo dyan?) Siniko naman niya ako.

"Kunwari kapa dyan malihim kana ha." Kunwaring tampo nito. Nginitian ko nalang siya at pumunta na sa kusina. Kumakain na kami ng dumating si Aron. Nakapaligo na ito at nakapagbihis. Tumingin siya sakin at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik. Tumabi siya sakin ng upo. Tumayo naman ako para asikasuhin siya. Ilang saglit pa ay nagsimula na siyang kumain. Bigla naman siyang tumingin sakin.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong niya sakin.

"H-Ha? Ano, tapus na kasi ako." Sabi ko at ngumiti ng pilit. Kumunot naman ang noo niya at lumapit sakin. Napaatras naman ako. Ano bang ginagawa niya?

"Wala ka bang balak na ubusin yan?" Sabi niya sabay turo dun sa plato ko. Napatingin naman ako sa plato ko. Hala! Medyo marami pa pala akong pagkain. Kinagat ko nalang yung labi ko at tumingin sa kanya.

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon