Adela's POV"Hindi ko lubos maisip na ang asawa ko pa ang magpapahamak sa Magnus natin Adela, tagarito pa mismo sa mansyon ng Magnus."
Pinilit kong magpapakatatag sa harapan ni Aling Matilda kahit sa loob-looban ko'y natatakot at nangangamba rin ako para sa Mahal na Magnus.
"Aling Matilda, pinili ni Magnus na iligtas si Manong Dan sa kaparusahan. Pasensya na po pero sana po'y wag po nating kwestyunin ang naging desisyon ng Magnus dahil kung di po nya ginawa yun, baka... niligpit na po ng mga Eirene ang asawa nyo at ang tagalabas."
Nag-angat ng tingin sa'kin si Aling Matilda na para bang nabunutan ng tinik.
"Tama ka Adela, alam ng Magnus ang magiging kaparusahan ng asawa ko sa ginawa nyang paglabag sa batas at hindi nya tayo kayang pabayaan lang kaya nya sinakripisyo ang sarili nya. Pero alam natin ang kapalit ng ginawa nya, ang pagbagsak ng Torre de Oikos ang sumisimbolo ng pagbabago sa kapangyarihan ng ating mahal na hari. Posibleng..."
"Posibleng mawasak ang Empodiong pumapagitna sa mga ordinayong taga Bergonnia at ng Mahal na Magnus..."
Pagdugtong ko sa sasabihin ni Aling Matilda. Labag sa batas ng Bergonnia ang pangingialam ng Hari sa mga ordinaryong mamamayan lalong-lalo na sa tagalabas ngunit alam namin na ang pangingialam ng Mahal na Magnus sa isang tagalabas ay dahil nais lamang nyang protektahan kami sa magiging kaparusahan ng ginawa ng aming kasamahan.
Bilang kapalit ng pagligtas nya sa tagalabas at kay Manong Dan, mababawasan ang kapangyarihan niya bilang isang Magnus na syang dakila sa lahat ng taga Bergonnia, ang mas malala pa makikita na namin ang anyo nya, makakausap at makakasalamuha sa pang araw-araw. Kahit ganyan pa man ay mananatiling pinakamakapangyarihan sa lahat ng uri ng Bergonnia ang Magnus ngunit magiging pinaka mababa naman sa lahat ng generasyon ng mga Magnus.
"Aling Matilda, sasamahan ko muna si Lenna sa tingin ko'y kailangan nya ng konting kasagutan sa mga katanungan nya ngayon."
Tinignan ako ni Aling Matilda, mabuting syang tao pero alam kong dismayado sya sa pagdating ng tagalabas na syang naging at magiging dahilan ng pagkabagsak ng Magnus.
Iniwan ko na si Aling Matilda at nagtungo sa kwarto ni Lenna. Nadatnan ko syang nakatingin sa labas ng bintana. Di na ako kumatok dahil bukas naman ang kwarto nya.
Maganda sya, gandang maituturing isa sa mga perlas ng Bergonnia.
"Lenna..."
Lumingon sya sakin at ngumiti ng pilit.
"Adela, pwede ba kitang matanong?"
"Oo naman."
Nakita kong bumuntong-hininga muna sya bago nagsalita.
"Ano ba tong lugar na napadpad ko? Ano ba kayo?"
Naiintindahan ko sya, gaya nya... minsan na rin akong nasa sitwasyon nya. Isa akong taga-labas maging sina Manong Dan o Aling Matilda at marami pang mamamayan ng Bergonnia pero di tulad nya, pinili kami ng mga Eirene.
"Ang Bergonnia ang pangalawang buhay mo Lenna."
Mas naguluhan sya sa sagot ko.
"What do you mean?"
"Gaya mo, dati rin akong taga-labas maging sina Manong Dan at Aling Matilda. Hindi ito isang bayan lang Lenna, ito ay isang mundo. Makakapasok ka lang dito pag nasa bingit ka na ng kamatayan ngunit di mo pa naman talaga oras. Sabi nila, nung oras na nag-aagaw buhay ka at dinalangin mo sa mga anghel ang kaligtasan mo... naririnig nila yun at darating sila."
Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko.
"You mean, I have died!?"
Tumango ako.
"Oo sa mundo ng mga tao pero di napaplano ang pagkamatay mo, di mo pa oras kaya binuhay ka sa mundong to at nawawala ka lang ngayon sa mundo ng mga tao o kayay nasa pagamutan ka at walang malay. Sina Manong Dan at Aling Matilda ay mag-asawang pinatay ng mga tulisan noon, ako naman... isang biktima ng krimeng di katanggap-tanggap, dinukot at pinatay. "
"Undestined deaths."
Wala sa sariling dugtong nya na para bang unti-unti nyang natatanggap ang pangyayari.
"Ngunit Lenna, may mga mabubuting nilalang na nakakarinig ng panalangin mo.. "
"Angels..." dugtong na naman nya habang bumabagsak ang iilang butil ng luha mula sa mga mata nya.
"Oo mga anghel pero kakaibang mga anghel. Di sila yung inaakala mong nasa langit at malapit sa Panginoon."
"Fallen angels?" Nanlaki na naman ang mga bilog nyang mga mata.
Tumango ako.
"Oo Lenna. Maging ang Magnus ay mula sa lahi ng mga anghel na tinakwil sa kalangitan. Pero wag kang matakot, hindi nila tayo sasaktan. Ang Bergonnia ay binuo nila upang itama ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagtulong sa atin. Umaasa pa kasi silang balang araw ay makakabalik pa sila sa Kaharian ng Panginoon."
"Oh my God, is this really happening? Nananaginip lang ata ako. Parang isa lang to sa mga nobelang sinusulat ko. I... I can't believe any of these."
Niyakap ko nalang sya. Alam ko balang araw matatanggap nya rin ang lahat, di man ngayon pero sa tamang panahon.
Terms used in this Chapter:
*Empodio ~ BarrierXylenna's POV
Gumugulo pa rin sa isipan ko ang sinabi sakin ni Adela. Fallen Angels? Are they even real? Namatay ba talaga ako nun sa gubat? Kung naririnig ng mga anghel ang panalangin ko noon, bakit si Manong Dan ang dumating at hindi ang mga Eirene?
Argh! I don't know what to do! Kung totoo ngang nasa ibang mundo ako, paano ako makakalabas dito at makakabalik sa pamilya ko? Si Kyle, namimiss ko na sya.
BLAGGG!!!
Ano yun? Napatingala ako sa 4th floor parang may kung ano-anong hinagis sa may salas sa labas ng palapag na yun but I saw nothing. Nasa harden ako ngayon at tapat lang ito sa 4th floor kaya imposibleng di ko makita kung may tao man dun o ano.
Gosh! Am I getting paranoid? Parang tingin ko kailangan ko ng mag pa check sa doctor. I'm acting so weird. Well, ano pa nga ba, this whole place is strange.
"Hija, kailangan mong magpunta sa Capitol dahil bago ka sa oikos o lahi namin kailangan mo munang magparehistro."
Bakit parang mabait si Aling Matilda sakin ngayon? Tsaka Rehistro as in Register sa Capitol? Kung di ako nagkakamali, yun yung place kung san ko nakita ang mga Eirene tapos babalik na naman ako dun? I never expect na pati pala sa mundong to importante ang pag paprehistro bilang isang mamamayan.
"Do I really have to Aling Matilda? Di ba po yung simbolong nakatatak sa mga balat natin, di ba po yun naman po yung parang National ID natin?"
This time bumalik ang pagiging strikta nya.
"Di sapat ang markang dala-dala mo para maituring kang ganap na mamamayan ng Bergonnia hija. Magmadali ka dyan dahil ikaw lang mag-isa ang maglalakbay patungo sa Capitol."
"Ho? Ako lang pong mag-isa?"
"Iyang ang proseso hija kaya sundin mo. Ihahatid ka lang ni Danilo sa estasyon ng train. Wag kang magpapagabi dun, delikado."
Di na ako naka angal pa dahil umalis na sya.
What can I do? Di ba nga sabi nila sakin kabilang na ako sa oikos o family nila? Siguro kailangan ko ng masanay, nakakatakot pa naman ng huli nyang bilin. Wag magpapagabi.
BINABASA MO ANG
TRANSLUCENCE: Awakening the Protector
Фэнтези"I have no way of seeing you but I know YOU ARE watching over me!" Days were ordinary for Xylenna Juhi, a novelist from the modern world. Until she was unexpectedly dragged to a completely strange world of Bergonnia, a heaven like hell place bounde...