Chapter 17: Alena

69 7 0
                                    

Xylenna's POV

Days passed and Magnus been so cold to me. Nagkikita kami sa mansyon pero di na nya ako tinignan ng gaya sa mga titig nya noon. He's treating me like how he treated everyone in his Kingdom. I don't understand why I feel so gloomy.

"Xylenna, okay ka lang ba?"

"Oo naman Adela, bakit mo naman natanong?"

"Pansin ko kasing matamlay ka magmula nung araw na umalis ka sa mansyon. Ano bang nangyari? May problema ba?"

Nginitian ko nalang si Adela. Sakto namang pumasok sa kusina si Aling Matilda dahilan upang hindi na nagtanong ulit si Adela.

"Bilisan nyo dyan, maghanda kayo ng pagkain andito ang Kataas-taasang Eirene at may kasama silang bisita."

"Opo." Sagot namin sa kanya.

Sino kayang kasama nila? Hinanda na namin ang mga pagkain at nauna saking lumabas si Adela para dalhin ang mga kubyertos. Maya-maya'y bumalik sya na para bang manghang-mangha sa nakita niya sa salas.

"Xylenna! Kailangan mong makita to."

Hinila nya ako upang sumilip sa sala mula sa kusina.
Nakita ko ang Magnus katapat ang tatlong Eirene, di ko mabasa ang emosyon sa itsura ng Magnus nang nakatingin lang ito sa kasama ng mga Eirene.

Wait!

Tama ang nakikita ko? May kasamang babae ang mga Eirene at hindi sya yung babaeng kasama nila noong nakakulong ako sa Vincula nila. Bagong mukha sya at malayong mas maganda sa mga nakikita kong mga babae dito sa Bergonnia.

"Narinig kong sya si Alena."

Bulong sakin ni Adela.

"Alena?"

"Oo, di mo pa pala alam. Si Alena ang babaeng nakasulat sa propesiya na magiging Reyna ng Magnus, sya ang nakatadhanang mamahalin ng Magnus."

Halos mabitawan ko ang dala kong cutlery sa sinabi ni Adela.

"Okay ka lang?"

Tanong nya sakin nang mapansing nabigla ako.

"O-oo naman."

But actually I don't think I'm okay. Ewan ko ba, diba dapat magsasaya ako dahil titigilan na ako ng Magnus? Pero bakit, bakit parang nasasaktan ako?

No! This can't be! Baka nanibago lang ako dahil hindi na nakatuon sa akin ang attention ng Magnus sa mga nagdaang araw. Ginawa nya lang ang hiniling ko, na layuan na nya ako.

"Xylenna, halika na ihatid na natin ang pagkain nila."

Kaya ko ba?

Wala akong ibang magawa kundi ang sundin si Adela. Habang papalapit ako sa kinaroroonan nila ay mas nanghihina ang tuhod ko.

Si Alena, tunay na maganda sya para bang dinesenyo upang maging perpektong katambal ng Magnus. Bagay sila.

"Ito na po ang pagkain."

Yumuko si Adela sa kanila at ganun nalang din ako. Napatingin sa akin ang mga Eirene, maging si Alena. Ngumiti sakin si Alena pero di ko magawang gumanti sa kanya. Bakit pakiramdam ko naiingit ako sa kanya? Hindi! Hindi pwede.

"Xylenna."

Nagulat ako ng binanggit ng Magnus ang pangalan ko sa kauna-unang pagkakataon. Xylenna? Bakit di na Juhi ang tawag nya sakin? Tinignan nya ako mata sa mata at agad naman akong kinabahan.

"Di mo ba ibibigay samin ang bitbit mong tsaa?"

Holy Crap! Di ko pa pala nalalapag sa mesa ang tea nila. Supposedly, lalagyan ko ng tea ang teacup nila pero ayokong gawin yun, kaya naman nila.

"Pasensya na."

Sabi ko habang nilalapag sa mesa ang Teapot. Tinignan ulit ako ni Magnus pero wala ng emosyon, cold pa din sya sakin.

Haay, ano nga ba ang inexpect ko pagkatapos ko syang sinaktan ng paulit-ulit sa mga sinabi ko.

"Wag muna kayong umalis..."

Napatigil kami ni Adela ng magsalita ang Magnus.

"I want you all to meet Alena, magmula ngayon dito na sya sa mansyon titira. Wag kayong magkamaling utusan sya ng mga gawain dito dahil di sya katulong, magiging amo nyo sya pagkatapos sakin."

Halos di ako makapaniwala sa sinabi nya? Dito na sya titira? Totoo bang sya ang nasa propesiyang itinadhana sa Magnus?

"Naiintindihan po namin Magnus." Sininyasan ako ni Adela na sumang-ayon kaya ganun narin ako.

"One more thing, Xylenna lumipat ka na ng silid. Doon sa kasalukuyang kwarto mo tutuloy si Alena dahil ayokong ilagay sya sa ibang silid maliban doon. Maaari kang sumama sa silid ni Adela pansamantala, dahil di ka naman magtatagal pa dito."

"Ano?"

Halos madurog ang puso ko sa sinabi nya. Di na ako magtatagal dito? Bakit? Babalik na ba ako sa mundo ko? Pero diba yun naman ang gusto ko?

"Pumayag na si Magnus na burahin namin ang marka sayo Juhi—." Sabi naman ni Herold pero natigilan kami nang tinigilan sya ni Magnus.

"I'll be the one to do it. I started it so I'll be the one to end it."

Sabi nya habang nakatitig sakin. Bakit nasaktan ako dun sa sinabi nya? Gusto kong umiyak dahil dun pero ayaw lang talagang payagan ng mga mata ko na ipahiya ang sarili ko sa harapan nila so I managed to smile.

"Thank you Magnus."

I smiled widely to hide the pain at nakita kong parang nainis si Magnus sa sinabi ko. Nauna na akong umalis sa harapan nila at nagtungo sa silid ko na ngayo'y magiging silid na ni Alena.

I should not feel this way, dapat maging masaya ako dahil napigilan ko ang maaring maging kapalaran ko. This is a blessing right? Pero bakit, bakit may dumaloy na luha sa mga pisngi ko?

"Xyllena, tutulungan na kitang dalhin sa kwarto ko ang nga gamit mo."

Napalingon ako sa pintuan at agad na nag punas ng mga luha. Sinundan pala ako ni Adela.

"Hindi na Adela, Kaya ko naman eh. Salamat."

Kaunti lang din naman kasi ang mga damit at gamit ko, Ito ang binigay Nila sakin nung napadpad ako dito.

"Xyllena, totoo bang babalik ka na sa labas?"

Kita ko ang lungkot sa mukha ni Adela Kaya tumango nalang ako ng bahagya.

"Kailangan kong maka balik sa pamilya ko Adela."

"Xyllena, mas gusto ko sanang ikaw ang titira dito at di si Alena, pakiramdam ko kasi maiilang Lang ako sa kanya di gaya sayo na makakasundo ko."

Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Ano ka ba Adela? Kailangan mong masanay dahil magiging Reyna nyo sya rito."

She sighed hopelessly.

"Tama ka Xyllena, Haay. Siguro matagal na syang nag aantay sa Magnus kaya nang nagpakita na ang Magnus sa atin, agad din silang pinagtagpo."

I didn't react. Ako ang dahilan kung bakit nagpapakita na ang Magnus sa Bergonnia kaya ibig sabihin ako ang naging tulay sa kanila ni Alena. Di ko lang akalain na hindi ko pala magugustuhan ang papel ko sa kanilang dalawa.

TRANSLUCENCE: Awakening the ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon