Chapter 16: FINE

73 7 0
                                    

Xyllena's POV

"You're saying I could go back to my world?"

"Yes."

"Paano?"

He look at me intently.

"Through unmarking you."

I felt relief nang malamang may paraan pa para makabalik ako sa mundo ko. Unmarking me is the key. Kausap ko ngayon si Herold, sinabi nyang may mahalaga kaming bagay na pag-usapan noong nasa Magnus sila at dumalo sa kasiyahan. He said he has to make a way to help me and to help Bergonnia, alam nyang hindi ko gusto ang magiging takbo ng kapalaran ko kaya kailangan kong gawin ang dapat naming gawin. Kaninang umaga ay hindi ako nagpaalam at minabuting umalis para magtungo sa Capitol at makita ang isa sa mga Eirene.

Wondering why si Herold lang ang kinakausap ko ngayon? It is because he's the one who initiated the idea. Hindi raw nya nagustuhan ang pagiging mabagal ng dalawang Kataas taasang Eirene, he must save them as soon as possible.

"I can unmark you Juhi, sabihin mo lang kung handa ka na."

"I'm ready even before I don't know if I can have a way. So please do it as soon as now."

"My pleasure to start the ritual."

He smiled at lumapit sa akin. Alam kong masasaktan ko si Magnus sa ginagawa ko but I don't belong to him, he must live his life with happiness and freedom hindi itong kinukulong nya ang sarili nya sa pagmamahal sakin. Maybe I don't know him that much but I'm sure I'll never feel the same for him.

Ramdam ko na ang paglapat ng mga palad ni Herold sa noo ko, a tingling icy thing on my forehead began to sought through my nerves. I closed my eyes preparing myself for the next thing might happen, I'll pass out and forget everything in this world. I began to see light rays in my mind, blurred images displaying like vanishing memories. Ramdam ko na ang unti-unting pagkawala ng mga ala-ala nang may biglang humila sakin at kasabay nito ang pagkabagsak ng katawan ng Eirene sa kabilang sulok ng silid na ginagawan namin ng ritwal. Sa lakas ng pagkakahagis sa kanya ay dumugo ang kabilang pisngi nya. Immortals bleed too?

"I already gave you my warning Herold."

Napasinghap ako ng makita ang nag-aapoy na mga mata ng Magnus. Galit sya sa Eirene!

"Your warning is a threat to our people Liam! How could you be so selfish!"

Tumayo ang Eirene at galit din sa Magnus, his wound instantly healed.

"It's my decision to be like this Herold and you have no rights to question your Magnus!"

Nakita ko ang pagbuo ng isang apoy sa kamay ng Magnus at ganun din kay Herold. Alam ko ang susunod na mangyari at hindi ko hahayaang saktan ng Magnus ang Eirene. This will just reflect our past destinies and I will not let it happen again.

"Stop!"

Pumagitna ako sa kanilang dalawa at biglang natigil ang Magnus.

"Move back Juhi!"

Maawtoridad na utos nya sakin.

"No! Tumigil ka na Liam! Herold is just doing his duties at ginusto kong magpatulong sa kanya."

Magnus' furious eyes were replaced by pain. Nawala na ang apoy sa mga kamay nya. Kumalma sya dahil alam kong dismayado sya sa sinabi ko.

He grabbed my hands and take me out of the room. With a final glimpse of Herold, I saw him sighed. Palpak kami sa plinano naming solusyon.

ADELA's POV

"Manong Dan nakita nyo na ho ba si Xylenna?"

"Hindi pa Adela, wala rin akong maisip na lugar kung saan sya hanapin, alam nating dito lang palagi sa loob ng mansyon si Xylenna."

Sana nama'y walang masamang nangyari sa kanya. Nagising kasi kaming wala na sya sa Mansyon, nalaman pa ito ng Magnus kaya mas lalo kaming na alarma, halatang galit ito.

"Ayun na sya..."

Napalingon kami sa direksyon kung saan nakatingin si Aling Matilda.

Si Xylenna! At kasama na nya ang Magnus. Anong nangyayari at mukhang galit sila pareho ng Magnus. Babati sana kami sa kanilang dalawa pero dinaanan lang nila kami at si Xylenna halos palakad-takbo sa ginawang pagkaladkad ng Magnus sa kanya.

May ibig sabihin ba sa pagkaladkad na yun? Ano'ng namamagitan sa kanilang dalawa? Alam naming pinili mismo ng Magnus si Xylenna na lagyan ng marka nya pero naniniwala pa rin kami na iba ang nakatadhanang babae sa Magnus, at yun ay si Alena, ang babaeng matagal ng nakasulat sa propesiya na syang iibigin at magiging Reyna ng Magnus.

XYLENNA's POV

"Bitiwan mo ako Liam!"

Mahigpit ang pagkakaladkad sakin ng Magnus, nasa loob na kami ng silid ko at buong lakas akong hinagis buti nalang at sa kama ako napadpad kundi madudurog talaga ako.

"What do you think you're doing Juhi!?"

He's shouting at me! Halos tumalon naman sa kaba ang puso ko.

"Liam pakiusap, hayaan mo na ako. Gusto kong bumalik sa mundo ko. Tigilan mo na ako!"

"I told you no one's gonna give me commands Juhi!"

"Liam pauli-ulit nalang! Hindi ka ba nagsasawa sa mga nagdaang kapalaran? Alam mo na naman ang mangyayari di ba? Hindi tayo tinadhana!"

"Kahit pa ilang libong pauli-ulit na mangyayaring kapalaran Juhi I will still be here waiting for it to come as long as I have it with you! Hindi ako mapapagod na masaktan, hindi mo ba ako naiintindihan?"

Kung may isa mang dahilan kung bakit hindi naging maganda ang kapalaran namin siguro dahil na rin sa kanya. He's so possessive to the point na nawawala na yung freedom ko, kaya pala di ko sya nagustuhan noon pa man sa mga nagdaang buhay ko.

"Now I know why I didn't like you Magnus. Dahil ganyan ka."

I said it calmly. Calm enough to halt him. Natigilan sya sa sinabi ko na para bang nagising sa katotohanan.

"You didn't like me because I love you this much did you?" I saw him smiled painfully.

And he's right, sa mga nakikita kong alaala sa mga nagdaang buhay ko, I didn't love him kasi ganito sya.

"You heard it right Magnus."

Nakatingin lang ako sa sahig ayoko ng makita ang syang sinasaktan ko kasi ayokong makonsensya.

A moment of silence bago sya nagsalita.

"Fine."

He said calmly at lumabas sa silid ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng huli nyang sinabi. "Fine"? Titigilan na ba nya ako? Bakit parang nalungkot ako sa katagang yun.

TRANSLUCENCE: Awakening the ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon