Xylenna's POV
"Are you okay?"
Napatulala ako sa kakatitig sa kanya. Default as asset ba talaga ng mga anghel ang mga mata nila? Ang ganda lang, thousands of colors in just two iris? Amazing! Nagulat ako ng hinawakan nya ang kamay ko at pinatayo. I'm holding hands with the Warrior King. Mas nagulat ako ng bumalik sa pagiging takip-silim ang ulap.
"That lowlife was using black magic just to deceit you. Pinapabilis nya ang oras at ginaya ang mukha ng nobyo mo. You fell for his spell."
What!? Pinapabilis ng demonyong yun ang oras? Wow, just wow! Wala akong ibang masabi, ano pa bang mga sorpresang nakaabang sa akin sa mundong to? Napansin kong nakatitig sakin ang Warrior King, he's like an ordinary man talking to me pero ang totoo isa syang kataas-taasang anghel sa mundong to. Umiwas naman sya ng tingin nang tumingin din ako sa kanya.
"You really looked like her..."
"Ha?"
I looked like her? Sino?
"I'm Griffin Caelan, pinuno ng Caelan. I know you're wondering why do I interact with you. Kasi di ako Supremo gaya ng Magnus."
He smiled, calm enough to comfort my fears.
"I'm Xylenna J—-"
"You're a Juhi, I know. Now, hurry up and leave. Delikado pag nagpapagabi ang isang myembro ng Magnus. Your race are known for being the Greatest kaya maraming magtatangka sa inyo."
I'm speechless, first: Paano nya nalamang Juhi ako? Can they read minds? Second: akala ko ba binuo ng mga fallen angels ang Bergonnia para itama ang pagkakamali nila? To help us humans? Pero bakit nangyayari to? Bakit may demonyo pa rin sa uri nila?
"Juhi, this is not the first time that I met you but I still have the feeling of being mesmerized by you. Kaya di na ako magtataka kung babagsak na naman ang Magnus."
"Wait, what—"
Di ko na natapos pa ang gusto kung itanong sa kanya, biglang nag-iba ang paligid and I found myself at the doorstep of the mansion. Nagteleport ba ako? O may demonyo na namang naglalaro sakin?
"Xylenna!"
I guess this is already real, nakita ko si Adela at Aling Matilda na patakbong sumalubong sakin.
"Nakarating ka sa tamang oras hija."
"Delikado kasi talaga sa mga uri ng Magnus ang magpagabi, maraming magtatangka sa atin dala ng inggit at galit." Si Adela.
Ngumiti lang ako sa kanila, tinignan ko si Aling Matilda alam kong masaya syang makita ako pero di lang nya pinakita.
That night I can't help but think of what had happened. Di ko malimutan ang nangyaring pagkapahamak ko sa isang demonyo at ang pagligtas sakin ng panginoong Griffin Caelan. Nakilala at nakita ko na ang pinuno ng dalawang Kaharian, ang mga Eirene at Caelan... isang pinuno nalang ang di ko pa nakikita—- ang Hari mismo ng uring kinabibilangan ko ngayon, ang Magnus.
I wonder what he looks like? Mga mata nya pa lang ang nakita ko parang nasasalamin ko na ang kaluluwa ko, panu na kaya kung ang kabuoang anyo na nya? Nasa mansion lang ba sya? Nasa iisang bubong lang ba kami?
Bumangon ako sa kakahiga at parang may kung anong excitement and curiosity na namumuno sa diwa ko. Nasa kaharian ako ng Magnus, at alam kong dito ko lang makikita ang Magnus. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at nagtungo sa isang parte ng mansion na noon ko pa gustong maapakan at makita. Sa fourth floor.
I don't know why but my heart is pounding too fast nang makaharap ko na ang kwarto sa 4th floor. Isang napakalaking pinto ang bumukas sa harapan ko. May nakaharang pa itong makapal na telang pula kaya di ko na napigilan ang sariling mas ma curious. Naghakbang ako palapit sa loob ng kwarto at dahan-dahang hinawi ang telang humaharang sa daanan. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin nang makapasok na ako sa kabilang sulok na kaninay tinatakpan ng makapal na tela.
Tumambad na naman sa akin ang dalawang pinto. Isa sa kanan at isa sa kaliwa. Naglakad ako papunta sa kanan at dahan-dahang pinihit ang door knob. It's not locked but I'm surprised when I saw the whole room filled with paintings of myself .
Nakita ko ang iba't-ibang aura ng sarili ko sa mga paintings sa loob ng kwarto. May masyadong classic, may 80s-90s at may moderno. But how? How did these portraits looked exactly like me? Kilala na ba nila ako bago pa ako mapadpad dito? I don't know what to believe anymore, totoo ba lahat ng sinabi ni Adela tungkol sa lugar na to? Si Manong Dan, kailangan ko syang makausap!
Dali-dali akong lumabas sa kwarto, kailangan kong makausap si Manong Dan, alam kong may nalalaman sya sa natuklasan ko sa kwarto. Lalabas na sana ako sa malaking kwarto ng 4th floor ng maagaw ang atensyon ko sa isang anino sa labas may salas ng palapag na to. A shadow of a man, maliwanag ang buwan kaya kitang kita kong may tao sa may salas. Nakatalikod sya sa gawin ko pero halos mabingi na akonsa lakas ng pintig ng puso ko. Kinakabahan ako na parang alam ko na ang sagot kung sino ang nakikita ko.
Dahan-dahan akong naghakbang papunta sa salas, napaka elegante ng tindig nya, matangkad at makisig. Yung tipong masasabi mong totoo ang demi-gods. Maliban sa perpektong physique nya, there's something more deep na para bang kakaiba sa kanya. It feels like I was being drag into millions of past lives seeing him, seems like I've known him for a long time. Ang simpleng tindig nya, parang parte na ng pagkatao ko sa mga nagdaang buhay na meron ako, kung meron man.
"You shouldn't have come inside..."
Gulat ako nang magsalita sya, the Magnus, the voice of the Great Magnus! Bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa noo, pakiramdam ko nag iinit na naman ang simbolong naka engrave sa forehead ko. Napapikit ako and I've seen a familiar face inside of my head, familiar moments and memories from the past of about thousands or hundreds of years... the laughters, love and chaos. His voice echoing in my head and absent-mindedly I called him a name that I believed belongs to him...
"Liam..."
After that, I felt I collapsed.
BINABASA MO ANG
TRANSLUCENCE: Awakening the Protector
Fantasy"I have no way of seeing you but I know YOU ARE watching over me!" Days were ordinary for Xylenna Juhi, a novelist from the modern world. Until she was unexpectedly dragged to a completely strange world of Bergonnia, a heaven like hell place bounde...