Chapter 10: A Promise to Sacrifice

120 10 0
                                    

 

THIRD PERSON's POV

Nagising si Xylenna sa sariling kwarto nya sa mansion ng Magnus. Pilit nyang inaalala ang nangyari bago sya mawalan ng malay. She clearly remembered how she saw the Magnus' shadow under the moonlight, his voice and how she called him "Liam".

Hindi nya alam kung bakit nya tinawag ang Magnus sa pangalang yun, hindi rin nya maintindihan kung bakit may nakita syang mga alaala ng nakaraan sa isipan nya. She lived as Xylenna Juhi, only once but why did she saw herself from the ancient times?

Si Manong Dan, kailangan nyang makausap ang matanda. Mabilis syang bumangon at lumabas ng silid nya upang hanapin ang Manong. Nakita nya ito sa labas ng mansion na abala sa kakaayos sa harden.

Hindi nya alam kung tama bang ipaalam nya ang nasaksihan sa loob ng kwarto sa ikaapat na palapag ng mansyon pero alam nyang ito ang makakapagbigay ng sagot sa mga tanong nya. 

"Manong Dan."

Mahinang sambit nya ngunit agad namang lumingon ang matanda.

"Hija, may problema ba?"

She halted for a while and took a deep breath bago nagsimula sa mga tanong nya.

"Manong Dan, I really need to know the truth. Bakit po ako andito? Paano nyo po ako nakita at naligtas sa gubat?"

Tinitigan sya ng matanda saglit at napansin nyang napabuntong-hininga ito.

"Hindi ko dapat sabihin sayo hija pero naiintindihan kong kailangan mo ng sagot. Maging ako ay di ko maintindihan ang pangyayari kung bakit ako nagpunta sa isang gubat na di ko naman pinupuntahan noon, at kung paano kita nahanap."

Napayuko ang matanda dahilan upang mawalan ng pag-asa si Xylenna na masasagot pa ang mga katanungan nya ngunit biglang nagsalita muli si Manong Dan.

"Nung gabing bago pa kita makita, nanaginip ako. Isang haring may anyong parang isang anghel. Hindi ko sya kilala ngunit may kung anong pakiramdam akong kailangan ko syang sundin at e respeto, sa panaginip ko para ko syang amo... may sinabi sya sakin."

Lumiwanag ang mukha ni Xylenna at sabik na marinig ang susunod na katagang bibigkasin ng matanda.

"Ano pong sinabi nya sayo?"

"Sabi nya, may isang babaeng nangangailangan ng tulong nya ngunit di nya ito mailigtas kaya inutusan nya akong hanapin ang babaeng naghihingalo sa bingit ng kamatayan. Sabi nya, magiging parte ka ng oikos at magiging daan upang makilala pa namin sya."

Napasinghap si Xylenna. Ang pagkapunta pala nya sa lugar nato ay di dahil sa aksidenteng pagkaligtas ni Manong Dan sa kanya kundi inutusan mismo ito ng isang hari, haring alam nya na kung sino.

"He want you to save me, but why?"

"Hindi ko rin alam, matapos kitang mailigtas at dalhin dito. Inakala kong nagkataon lang na nanaginip ako ng ganoon at ang pagkapasok mo sa mundo namin kaya sinunod ko ang payo ng asawa kong ibalik ka sa mundo mo. Pero nung nasa kalahati na tayo ng daan patungong lagusan, hindi ko maintindihan kung bakit nalaman ng nga Eirene ang tungkol sayo dahilan upang harangan tayo at kinulong ka sa Vincula."

Tahimik lang na nakinig si Xylenna, nagpatuloy naman ang matanda..

"Nung nakakulong ka, hinanda ko na ang sarili sa magiging parusa sa ginawa kong paglabag sa pinakaunang batas sa mundong to. Ang kaparusahan ng kamatayan. Nakahanda na akong mamatay sa mga oras na yun, isa lang ang makapagliligtas sakin at sayo nun, ang pagtatak ng simbolong galing mismo sa Magnus ngunit naniwala kaming imposibleng gagawin ng Magnus yun sa isang tagalabas na tulad mo. Pero mali kami hija, nawasak ang Torre ng Oikos de Magnus at tinatakan ka mismo ng hari natin... siguro dahil ayaw nya akong mamatay, dahil matagal na akong naninilbihan sa kaharian nya."

Pagpapaniwala ng matanda sa sarili nya. Umiling si Xylenna.

"Hindi po, I know there's something else. Ang haring nakita nyo sa panaginip nyo ang Magnus. He knows me!"

Katahimikan lang ang tinugon ng matanda bago ito tumawa.

"Hindi posible ang iniisip mo hija, hindi ka nya kilala. Sabi ng mga naunang tagapagsilbi ng Magnus, libo-linbong taon ng hindi nakikita ng mga tao ang Magnus, hindi naririnig at nararamdaman lang at ganun din ang mga tao sa kanya. Hindi nya tayo nakikita Xylenna."

Buo na ang loob ni Xylenna, kailangan nyang kumbinsihin ang matanda na kilala sya ng Magnus dahil baka matulungan sya nitong maliwanagan.

"Manong Dan, ang Magnus, nakita at nakausap ko sya kagabi. Ang kwarto sa 4th floor, may mga paintings po dun na lahat ay mukha ko!"

Biglang namutla ang matanda, gulat at hindi makapaniwala sa sinabi nya. 

"H-hindi posible yan hija."

"Manong Dan! I'm telling the truth and I am hoping you could help me understand."

Halos maiyak na si Xylenna sa kakakumbinsi sa matanda na totoo ang sinabi nya, napailing lang ang matanda at hindi makapaniwala. Magsasalita na sana ito nang dumating si Aling Matilda at Adela na may bitbit na malalaking maleta.

"Danilo, kailangan nating magtungo sa bayan. Kailangan nila ang suporta natin ngayon mismo."

"Ano pong nangyayari?" Gulat na tanong ni Xylenna nang makitang nagmamadali sina Adela at Aling Matilda.

"Sinalakay ng mga  masasamang nilalang ang bayan Xylenna, maraming sugatan kaya kailangan nila kami upang magbigay ng gamot na galing mismo dito sa mansyon ng Magnus." Pagsagot ni Adela.

"Maiiwan ka namin dito saglit hija, babalik lang kami pgkatapos makapagpaabot ng unang lunas sa mga mamamayan ng Magnus. Huwag kang mag-alala ligtas ka dito sa mansyon." Dagdag naman ni Aling Matilda.

"Sasama nalang po ako sa inyo." Alalang suhestyon ni Xylenna.

"Hindi maaari Hija, hindi ka ligtas dun sa bayan. Nakakasigurado kamingbikaw ang pakay ng mga demonyong umatake, isa kang pinili ng Magnus kaya maaari ka nilang gamitin laban sa hari natin. Tandaan mo dahil sa Magnus mismo galing ang simbolong nasa balat mo, may koneksyon kayo." Pagdagdag ni Aling Matilda.

Tinignan sya ni Maning Danilo at suminyas na sundin nalang ang payo ni Aling Matilda pagkatapos ay umalis na ito kasama ang asawa upang tulungan itong maghanda. Naiwan silang dalawa ni Adela. 

"Xylenna, may pakiusap sana ako sayo..."

Napatingin si Xylenna sa malungkot na Adela.

"Ano yun Adela."

"Gusto ko sanang mag-iingat ka dahil nakasalalay sayo ang kaligtasan ng Hari natin."

"Ano'ng ibig mong sabihin Adela? Panong naging responsibilidad ko ang kaligtasan ng Magnus?"

"Xylenna, sa oras na makatanggap ka ng bagay na mula sa isang anghel, ito ay magiging mahalagang koneksyon. Ang pagtatak sayo ng Magnus sa sarili nyang simbolo ay isang pangako, pangakong poprotektahan ka nya sa kahit na anong kapahamakan, ibibigay nya sayo ang buhay nya."

'Ibibigay nya sayo ang buhay nya...

Ibibigay nya sayo ang buhay nya...

Paulit-ulit at wariy pumatak sa isipan nya ang huling sinabi ni Adela.

TRANSLUCENCE: Awakening the ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon