Helpful Guide for this Book:
Bergonnia:
This place is the home of proud and powerful creatures. Full of mysteries and danger. It is not a town but a "separated world within this world". Bergonnia is part of us but humans can't see its existence. The place is sacred and forbidden, kept from the outside world of modern and ordinary people but just like the outsiders, people in this world have their own knowledge of technologies, speak and act as modern humans. Bergonnia is bounded by 3 Kingdom with each Rulers. Each people within Bergonnia has their brand for protection which represents their oikos - the group, family's property and their house. The OIKOS are the following.
Magnus- The Greatest and Superior among the clans
Caelan- The victorious people and powerful warriors
Eirene- The peace-makers or the Guardians, the mediator of Bergonnia at the outside world.
The purpose of the separated realm is to keep peace and promote just rules. The Magnus owns the seas and mountains of Bergonnia, Caelan owns the desert, Eirene settles at the center of Bergonnia which is the Capitol, in order for them to maintain the peace of their Lands.
The three kingdom abide one same rule to "NEVER ALLOW OUTSIDERS WANDER THE LAND" or else terrible consequences will be faced by the concerned Ruler and the outsider.
THIRD PERSON's POV
Tahimik at kabadong nakatayo sa labas ng Camara si Manong Dan, ang Camara ay isang kwarto ng mansion kung saan pagmamay-ari ng Magnus kaya tinuturing nila itong pribado at "royal". Nasa kabilaan nya si Adela na tahimik at kabado din at ang asawa nyang si Matilda na kanina pa galit sa pangyayari.
Maya-maya pa'y bumukas ang pintuan ng Camara pero hindi sila pumasok, wala silang karapatang umapak sa kwartong tinuturing nilang banal, mula sa labas ay wala silang ibang makikita sa loob kundi ang makapal na telang pula na nakaharang at nagsisilbing pangalawang pintuan.
Tumayo ng matuwid ang tatlo. Alam nila ang gagawin pag may sasabihin sila sa Magnus. Kahit pa alam nilang kasama nila ito sa mansion ay ni minsan hindi nila naririnig ang boses nito o nakikita ang anyo. Tanging presensya lang nito ang nararamdaman nila.
"Mahal na Magnus, pag paumanhin nyo po ang aking kalapastangan. May sinagip po akong babae sa bingit ng kamatayan at dinala sa kaharian nyo na walang pahintulot sa kataas-taasang Eirene. Alam ko po ang aking pagkakamali kaya nang magkamalay ang bata ay sinubukan ko syang itakas palabas pero huli na, nalaman ng mga Eirene ang presensya nya at dinala sya sa Vincula."
Gaya ng inaasahan wala silang narinig na salita mula sa Magnus, pero ramdam nila ang malakas na presensya nito sa pamamagitan ng pakikiramdam. Alam nilang di maganda ang reaksyon ng Magnus. Malaking problema ang dinulot ni Manong Dan sa oikos nila, ang pagdala ng taga labas ng walang pahintulot sa mga Eirene ay malaking pagsuway sa batas ng Bergonnia. Walang sinumang pwedeng magdala ng mga taga labas kundi ang Kataas-taasang Eirene lamang sapagkat sila ang pumapagitna sa mga tao at sa mga uri nila.
"Mahal na Magnus, patawad po. Pero lubos ko pong ipapakiusap sayo na sana po wag nyo pong pabayaan ang batang babaeng sinagip ko—"
"Danilo! Nasisiraan ka na ba ng bait? Wala kang karapatang pumakiusap sa Mahal na Magnus!" Galit na suway ni Aleng Matilda sa asawang parang nadedesperado na.
"Alam ko Matilda, pero ayokong maging dahilan ng isang mapait na kahahantungan ng Magnus at ng batang minsan nating sinama dito."
"Sinama mo Danilo! At kung wala ka lang sanang ginawang kabayanihan sa isang taga labas hindi mo sana maipapapahamak ang Magnus, posibleng mababawasan ang kapangyarihan nya sa ginawa mo!"
BINABASA MO ANG
TRANSLUCENCE: Awakening the Protector
Fantasía"I have no way of seeing you but I know YOU ARE watching over me!" Days were ordinary for Xylenna Juhi, a novelist from the modern world. Until she was unexpectedly dragged to a completely strange world of Bergonnia, a heaven like hell place bounde...