Xylenna's POVWe've been driving for almost half of the day. If I'm not mistaken we left at exactly 6 am and it's already noon now pero parang di parin matapos-tapos ang kakalakbay namin sa isang kalsadang walang ibang itsura kundi mga pine trees sa magkabilaan ng lane. Para lang kaming paikot-ikot sa daan since I'm seeing the same view or talagang ganito lang ang daan dito, 4 laned road sided with tall pine trees.
"Manong Dan, malayo pa ba tayo?"
"Di pa tayo nakakalahati sa kalahati ng rota hija."
Ano? Tama bang narinig ko? Di pa kami nangangalahati sa kalahati ng rota to think na half day na kaming nasa byahe? Ang laki naman ata ng bayan nato?
"I'm sorry po but don't you think we're lost? Ayoko pong maniwala sa mga sabi-sabi ng mga matatanda kung saan pinaglalaruan tayo ng mga you know... E-engkanto... pero po parang paikot-ikot nalang po tayo sa dinadaanan po natin."
Okay, I'm desperate. I'm not an old school type of person at lalong di ako into supernatural things pero di ko maiwasang ganito ang maisip na nangyayari ngayon. Napatawa naman si Manong Dan sa sinabi ko.
"Walang engkanto dito hija. Ganito lang talaga ang daan patungo sa labas."
Ayan na naman yang "labas" na yan eh, nakakacurious. Ano bang ibig sabihin nila? Is this place they called Bergonnia is a hidden realm? Yung katulad sa mundo ni Diana sa Wonder Woman na malayo sa kabihasnan at tinatago sa mga "taga labas"? That thought makes no sense. This is absolutely crazy!
Hindi nalang ako nagsalita pa ulit. Nagpatuloy kami sa paglandas sa parehong daan hanggang sa makalabas kami sa "Pine Trees Road". Kung kanina puro puno lang ang makikita ngayon naman bumungad sakin ang normal na itsura ng bayan, may mga sasakyan, pamilihan at matataas na gusali pero bihira lang ang taong makikita mo. Am I still on Earth? Bakit ba pakiramdam ko'y nasa ibang mundo ako? It's already 2018 pero bakit parang nasa 80's ako? Saka ang laki naman ata ng Bergonnia para tawaging "bayan" lang, better called a province rather than a town.
"Hija, ayusin mo ang suot mong hood at glasses. Bababa lang ako para bumili ng makakain natin habang babyahe."
"P-po? Babyahe pa po tayo? Malayo pa ba po tayo sa bus terminal?"
"Hindi ka mag bu-bus palabas dito hija, ihahatid kita sa lagusan?"
"H-ho? Lagusan?"
"Wag ng maraming tanong hija, ayusin mo ang sarili mo at wag na wag kang magbubukas ng sasakyan."
"Pero—-"
Di ko na natapos ang pagrereklamo ko, lumabas na ng sasakyan si Manong Dan. What the heck is he talking about? Lagusan? Like a real portal? Nasaan ba talaga ako? Ano ba tong lugar na napadpad ko? Sino ba tong mga taong nakikilala ko dito? Ano bang sekreto ng lugar na to? This is so frustrating, mas naiisip ko pa to kesa sa gulong nakaabang sakin pagbalik ko ng Manila. Magkikita na naman kami ng matandang Sebastian na yun, hindi na naman maniniwala sakin sina Mom and Dad, pagtatangkaan na naman ang buhay ko. Ang gulo!
"Miss! Naririnig mo ba ako? I said open it."
Nabalik ako sa diwa nang may kumatok sa bintana ng kotse. A man in uniform, matangkad at malaki ang pangangatawan nya na parang wrestler. He wore a different uniform, hindi pang sundalo at hindi rin pang pulis pero alam kong nasa awtoridad sya.
"Miss!"
Mas nilakasan nya ang pagkatok. Holy crap! What should I do? Sabi ni Manong Dan hinding-hindi ako magbubukas ng sasakyan pero di ko naman matiis ang pagmamatigas dito sa loob ng sasakyan, I've never done this before, hindi pa naman tinted ang window kaya masyadong awkward pag di ko pagbuksan.
Bahala na nga, naka glasses at hood naman ako, bubuksan ko nalang kesa naman magalit sa kin mukha pa namang bouncer tong lalaking to.
"Ano po bang problema?"
I asked calmly kahit natatakot ako, takot na mapagalitan ni Manong Dan at takot sa di malamang dahilan. Tinignan ako ng maigi ng lalaki, halatang nagsusuri ang mga mata nya sa loob ng kotse at mismong sa akin. Naka sun glasses ako kaya malaya akong tignan sya sa mga mata and I was shocked when I noticed his eyes. Kakaiba, kakaiba ang mga mata nya... There are tri-colored rings sa mga mata niya. It didn't flicker, they are rings! Hindi ako nagkakamali, may tatlong colors na pumapalibot sa iris nya, hindi masyadong pansin kasi maliliit lang ang mga yun pero alam ko ang nakita ko. The first color was blue, then green and then white bago ang brown iris nya. I'm sure he's not wearing false eyes, I know they're real.
"eirēnē, kasama ko sya."
Agad na napalingon ang lalaki sa likuran nya, si Mang Dan! Lagot na! Alam kong papagalitan nya ako. Pero teka ano yung tinawag nya sa lalaki? eirēnē?
"Ganoon ba? What's the oikos?" Tanong ng lalaki kay Manong Dan.
"Magnus" sagot naman ni Manong Dan na parang proud sya sa binigkas nya.
Maikli lang yung pagkasagot ni Manong Dan pero parang nabigla ang lalaki sa sinabi nya at napaatras ito at nagbow sa aming dalawa.
"Pasensya na." Pagpapaumanhin ng lalaki at umalis na. Tinignan ako ng masama ni Manong Dan at galit na pumasok sya sa kotse.
"Manong Dan, pasensya na talaga di ko kasi alam ang gagawin ko. Natatakot ako pag di ko pagbuksan baka magalit sakin."
"Pero alam mong magagalit ako pag binuksan mo? Wag mo kaming ipahamak bata."
"Sorry po."
I bit my lower lip. Binigay nya sakin ang pagkain na binili nya at suminyas na kumain na ako but I don't have the appetite, pag mapasubo ka naman sa weird na sitwasyon makakain ka pa ba?
Nakaalis na kami sa "normal na lugar" at mukhang papasok na naman sa daang napupuno ng mga pine trees. Hay, kailan pa ba matatapos ang mahabang byahe na to?
"Malapit na tayo sa lagusan hija, maghanda ka na."
"Bakit po ako maghahanda, no, ano po ang ihahanda ko?"
Will he stop giving me weird commands? Bakit naman ako maghahanda? Mapapasabak ba kami sa labanan?
"Manong Dan, gusto ko lang talagang itanong sayo to, aalis naman ako eh at hindi na babalik pa dito. Bakit ba parang napaka misteryoso ng lugar na to? Bakit nyo po ba ako tinatago sa mga tao dito? Ano pong meron?"
Biglang napa brake ng malakas si Manong Dan. Ganito ba sya magreact pag tinatanong ng ganitong bagay?
"Wag kang maingay hija! Wag kang gumalaw."
"P-po?"
"Ssshhhhh..."
Napanganga ako nang sinuway nya ako sa kakaingay at para bang nagmamasid sya sa buong paligid. Di ko mapigilang kabahan, biglang tumahimik ang buong paligid at ang naririnig ko lang ay ang pagtambol ng dibdib ko na parang sasabog na sa ulo ko. What's happening? Bat kami huminto?
"Hindi maaari! Andito ang kataas-taasang Eirene."
"P-po?"
Hindi ako sinagot ni Manong Dan, sa kauna-unahang pagkakataon nakita ko siyang parang natatakot. Tinanggal nya ang seatbelt at lakas-loob na lumabas sa kotse. Pumunta sya sa harapan ng sasakyan. Anong ginagawa nya?
Bababa din sana ako nang may biglang sumulpot na galing sa di ko malamang direksyon. Tatlong nakaputing lalaki ang ngayo'y papalapit kay Manong Dan. Hindi ako makagalaw nang magkatapat na silang apat, may pinag-usapan sila. Wala namang commotion na nagaganap sa pag-uusap nila, they all seemed calm but I know something's not good. Maya-maya pa'y tumingin sa direksyon ko ang tatlong lalaki. Di ko mapigilang mamangha sa itsura nila, they are too perfect for a human, they're so beautiful, so angelic.
Lumapit sila sakin at nakita ko pang tinigilan sila ni Manong Dan pero di nila ito pinansin. And the next thing happened...
They opened the door for me, lay their hands on my head... and everything turns white...
Terms used in this Chapter:
*Eirene ~ guards/guardians
*Oikos ~ group/family/identity/race
*Magnus ~ one of the identities/familyOctober 25, 2018
11:35 pm
BINABASA MO ANG
TRANSLUCENCE: Awakening the Protector
Fantasi"I have no way of seeing you but I know YOU ARE watching over me!" Days were ordinary for Xylenna Juhi, a novelist from the modern world. Until she was unexpectedly dragged to a completely strange world of Bergonnia, a heaven like hell place bounde...