CHAPTER 24: A Mate?

70 3 0
                                    

XYLLENA's POV

Hinawakan ko ang tagiliran nya, basa, may dugo, I was right! He's been shot! I know I have to help him as soon as possible but I don't know how! I've never been in this situation before.

"Stay with me... it's okay..."

Natataranta na ako, hindi ko alam kung tatakipan ko ba ng bandage as first aid ang sugat nya o tatawag ako ng rescue. Right! An ambulance! The Police! I need them! Kinapa ko kaagad ang bulsa ko and luckily hindi ko nawala ang phone ko. I started to dial the emergency number when he stopped me.

"Don't... just leave me alone."

"What!? Are you kidding me!? You're dying for God's sake!"

Hindi pala sya nawalan ng malay. Sadyang nanghina lang sya. Masyadong malamig ang balat nya pero hindi ko maintindihan kung bakit may ibang epekto sakin ang lapit namin sa isa't isa. I feel like I've been longing to be close to him for so long. No! Ano ba tong iniisip ko? Sa sitwasyong ganto pa talaga ako nag-eewan. Nagpatuloy ako sa pag dial and I was shocked when he grabbed my phone and threw it away.

"I said...don't do that!"

"Baliw ka ba? Tutulungan na nga kita ikaw pa tong galit! Gusto mo bang mamatay?"

He grunt and moaned in pain while moving closer to me. I can see he's cold.

"The vial... I need it." Mas naging mahina pa ang boses nya. I think he's losing too much blood.

"Ano'ng vial? San ako kukuha ng vial?" Natataranta na ako kaya papakinggan ko nalang sya sa instructions nya.

"Sa second drawer... sa may kabilang table." Tinuro nya ang isa sa mga table sa may sala. Baka andun ang vial.

"Wait here and just relax okay? Kukunin ko na. Wag kang pipikit!"

Err! I don't know what I'm talking. Paano nga ba magpaparelax ng isang taong nahihirapan at nanganganib ang buhay? Whatever! I need the vial now! Tumakbo ako papunta sa table at binuksan ang pangalawang drawer. Tumambad sakin ang isang test tube rack na may nakalagay na mga vial na kulay asul ang likidong nasa loob nito.

What is this thing?

Bumalik kaagad ako sa kanya. He's more weak than the last minute I talked to him.

"Give..me.. that.."

"Here!"

I gave it to him and to my surprise he sip the liquid in it. Hindi ako nakapagsalita sa ginawa nya. I got shocked, eyes wide open. Pagkatapos nyang inumin ay umayos sya ng pag-upo at tumingin sa kin na agad napapakaba ng husto sa dibdib ko. His face and whole physique is the most perfect view I've ever seen pero bakit parang di na bago sakin ang ganyang klaseng anyo? He slowly moved.

Right! Di ko pa pala sya natulungan sa sugat nya. Lumapit ako sa kanya at marahang kinapa ang sugat. Di gaya kanina hindi na sya umungol sa sakit at wala na syang reaksyon sa paghawak ko sa sugat nya, di narin dumugo. Ano kaya yung ininum nya at parang nag heal sya instantly? Matapos kong kapahin ang tagiliran nya ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. To my surprise, he's still staring at me. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng nagkatitigan kami, mata sa mata so I didn't say a word.

"Have I met you before?" He asked.

"Yes." Tumango ako at nag-iwas ng tingin.

"I don't remember a thing." He said almost a whisper.

"Ha? Ahh baka nagkamali lang rin ako. Baka ibang tao yun." Baka nga napagkamalan ko lang sya.

"But I feel like I've known you all this time."

At biglang tumigil ang mundo ko when he wrapped his arms around me and put my head on his chest. Akala ko aangal ako but I found myself comfortable and contented in his arms. I could hear his beating heart  mine.

"I don't understand why I have that when I see you."

His beat right? He's talking about his beating heart! So pareho kami? Pakiramdam nya kilala na nya ako at ganun din ako sa kanya and my heart beats the same way too. Hindi kaya totoo ang soulmate? Is he my mate? Hindi ako gumalaw but he pulled away.

"You have to go. I'm okay now. Thank you."

Tumayo sya na parang walang nangyari at wala ng sugat. Part of me wants to hold him longer and without any second thought I called him.

"Wait—!"

Tinawag ko sya pero di na nya ako nilingon at tuluyang pumanhik sa taas. Ganun na lang? Matapos nyang mabaril di man lang magpapahospital? Di ba talaga kami tatawag ng police? Paano kung babalik yung mga umatake sa kanya? Hay, bahala na. Hindi ako aalis dito baka kailangan pa nya ng tulong ko.

TRANSLUCENCE: Awakening the ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon