Chapter 19: He Cried

80 10 3
                                    

XYLLENA's POV

"Xylenna, okay ka na ba?"

Sino ba tong taong kanina pa yumuyogyog sa'kin? Gusto ko pang matulog, ang sakit ng katawan ko.

"Oh my! You're awake!"

Napamulat na ako ng may biglang sumapak sa balikat ko. Si Alena pala.

"Alena, pwede bang patulugin mo muna ako?"

Ang hyper naman ng babaeng to. Kung tutuusin kasalanan nya kung bakit kami napahamak sa gubat. Pasalamat sya mabait ako kaya hindi ko na sya susumbatan.

"Oh, I'm sorry Xyllena. Kung di dahil sa'kin di ka sana napahamak. Sorry talaga. Ano bang gusto mong kainin? Kukunan kita?"

Argh! Nakakainis na sya, ang ingay.

"Just leave me alone Alena, okay lang ba? Gusto ko lang magpahinga, sana okay lang sayo?"

I said softly. Tumango naman sya at inayos ang kama ko. Andito pala sya kanina pa, binabantayan nya ba ako sa pagtulog ko? Or masyado lang syang guilty dahil sa nangyari?

"Right, kailangan mo ngang magpahinga. Sorry ulit Xyllena at salamat din sa pagligtas mo sakin dun sa gubat. Lalabas na ako, sleep tight."

She squeezed my hand and smiled heartily saka lumabas sa silid ko.  Di ko tuloy maiwasang isipin na kilos bata sya which is cute. Siguro madali lang magkagusto sa kanya ang Magnus.

Naalala ko pa ang nangyari sa gubat, prinotekhan sya ng Magnus at si Griffin naman sakin. I felt safe sa mga bisig ng Caelan but there's something within me that wanted more, wanted other than him at ayokong aminin kung sino ang gusto kong poprotekta sakin.

"How are you feeling?"

Napabangon ako ng may biglang pumasok sa silid. Ano'ng ginagawa nya rito? Baka makita kami ni Adela, same lang kami ng room o kaya'y malaman to ni Alena, masasaktan yun.

"What are you doing here Liam?"

He look at me emotionlessly.

"Just checking on you."

Umiwas ako ng tingin. Ewan ko ba kung hindi pa talaga ako nakapagrecover sa shock na natamo ko sa nangyari sa gubat o sadyang may sakit na ako sa puso. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko na halos nakakabingi na.

"I'm all okay now Liam."

Hindi sya nagsalita at nanatili lang na nakatitig sakin. What's wrong with him? Bakit bumabalik na naman ang mga titig nyang ganyan sakin? He's making me suffer, suffer from a condition which I don't know how to describe it. Awkward na naman ang atmosphere dahil walang nagsasalita. I need to open a topic dahil di naman kita sa kanyang lalabas sya sa silid ko.

"Uhh, si.. si Griffin, sya ba ang nagdala sakin dito? Where is he?"

From being emotionless to a shock reaction ang nangyari kay Magnus. He smiled sarcastically and a bit of bitterness.

"Seriously Juhi? Ako na nga tong kaharap mo ngayon sya pa din ang hinahanap mo?"

He laughed but the most fake laugh I ever heard.

"I thought you already stopped..."

I said as I avoided his gaze.

"Do you really think I can do that?"

"Hindi ba dapat? Nakita mo na ang nakatadhana sayo, ba't di mo nalang ilaan lahat ng atensyon mo sa kanya?"

"How's that even possible Juhi? You can't just teach your heart that easily right?"

This time I managed to look at him. Hindi pala nya tinanggal ang pagkatitig sakin, yung titig na titig na hindi nakakatakot pero nakapagpapakaba.

"Kung natuto ka naman siguro sa paulit-ulit na tadhana natin, siguro madali nalang sayo ang ilaan sa iba ang damdamin mo."

"You're right, kung natuto ka lang din siguro sa paulit-ulit na nakaraan natin Juhi, siguro maiintindihan mo rin na kahit paulit-ulit pang trahedya ang destinasyon natin, hindi ako susuko. Hindi kita susukuan."

Seriously, ano bang ginagawa nya? Ayokong masaktan si Alena, hindi ko dapat kinokonsente si Magnus.

"Pwede ba Liam tumigil ka na?"

"No Juhi, bakit hindi nalang ikaw ang tumigil sa kakatakas sakin? Wala namang gulo kung sa simula palang ako na ang pinili mo."

So he's not just a Magnus, the greatest of his kind but also the god of unrequited love.

"Komplikado tayo Liam."

I said in my most volume-downed tone.

"Look Juhi, I'm here to make things clear with you. Tomorrow will be the annunciation of Alena as my future Queen. Kung... kung hahayaan mo."

He looked away. Anong klaseng kagandahan ba ang binigay sakin ng Panginoon para maging ganito kabaliw sakin ang Magnus? Part of me is happy and an opposite feeling for the rest.  Masaya ako dahil ako pa din ang mahal nya at hindi si Alena pero malungkot ako dahil hindi kami ang itinadhana.

"I have no right to oppose your prophecy Liam."

"You have it all Juhi. Ikaw lang tong pinapadesisyon ko. Would you allow the prophecy to happen? Wala ba talagang para sakin Juhi? Ayokong sukuan ka pero kailangan pa ba? Please tell me if it's still worth it Juhi, please."

Ayaw kong maging emosyonal sa pag-uusap namin. Siguro nga, gusto ko rin sya pero impossible naman yun diba? Sa dalawang nakaraang buhay ko, hindi ko man lang sya nagawang magustuhan kaya imposible to ngayon diba? Maybe I am wrong.

"I'm sorry."

A moment of silence again. Hindi ako tumingin sa kanya baka magbago pa ang isip ko. Nanatili lang kaming tahimik at hindi gumagalaw.

Until I heard sniffs, tama ba ang narinig ko?
Nag-angat ako ng tingin and I was shock when I see the Magnus with tears.  Bigla akong nasaktan nang makita syang nakapikit at dumadaloy ang luha sa pisngi nya. I want to touch him and wipe his tears but... but I can't just do it.

"You... you're crying..."

Wala akong ibang masabi o magawa, I'm so confuse. Tumayo sya at tumalikod sakin.

"Not just the first time Juhi, you did this to me for millions of times but I swear this would be the last time."

Then he vanished through the door.
I was left dumbfounded by what he said. Pinaiyak ko sya, the Magnus, who's the greatest of all, has tears too. Tears for me. One last tear for me, titigil na talaga sya ng tuluyan ngayon? Will I regret this moment? Bakit parang ngayon pa lang ang sakit na.
Why can't I just choose him? Bakit ang hirap?

TRANSLUCENCE: Awakening the ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon