Xylenna's POV
"Xylenna! Gising na kailangan mo ng bumaba!"
Nagising ako ng hinatak ako ni Adela palabas ng kwarto. Nagbalik na pala sila pero ano'ng meron at parang nagmamadali sya? Hindi man lang sya kumatok at sumugod na sa kwarto ko mabuti at di ako naglock kagabi.
"Ano bang meron Adela?"
Pansin ko ang di mapakali at di maintindihang reaksyon sa mukha nya. Hindi nya ako sinagot sa halip ay patakbo nya akong hinatak papunta sa salas sa ground floor.
Nakita ko si Manong Dan at Aling Matilda na nakatayo sa harapan ni...
Ni Magnus!
Natigil ako nang lumipat sakin ang atensyon ng Magnus para bang kanina pa nya akong hinintay na bumaba.
Yumuko ako bilang paggalang ganun din si Adela. Di na kami gumalaw at hinayaang utusan kami ng Magnus sa anumang demand nyang gawin namin.
"Magmula ngayon makakasama nyo na ako, malaya na kayong kausapin at makita ang Supremo niyo. Nakapagpasya na akong tuluyang wasakin ang Empodio at mamuhay ng gaya sa mga ordinaryong tulad nyo. Wag kayong matakot sakin, ako ang Hari nyo, poprotektahan ko kayo bilang mga mamamayan ko."
Di kami nagsalita kaya nagpatuloy sya.
"Danilo, nakita ko ang katatagan mo sa pagsisilbi sa kaharian ko, Matilda naging tapat ka at Adela, ang kabutihan ng puso mo ay nagpapatunay sa pagiging maamo mo. Masaya ako na kahit hindi nyo ako nakikita noon pa man ay nanatili kayong nasa kaharian ko."
Ngumiti sa kanya sina Manong Dan at Aling Matilda, si Adela naman ay bakas sa mukha nya ang pagkamangha sa Haring Magnus.
"Inaasahan ko ang patuloy na pagsisilbi nyo sa kaharian natin. Maaari na kayong magsimula sa araw na to."
Pagkatapos ay iniwan kami ng Magnus at pumanhik sya sa itaas na palapag ng mansyon. Bakit pa ako dinala ni Adela dito eh hindi naman pala ako kasali sa speech ng Magnus nila.
"Tuluyan na ngang sinira ng Magnus ang Empodiong pumapagitna satin at sa kanya." Mahinahong sambit ni Manong Dan.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot Danilo." Ganun din ang asawa nya
"Xylenna, inaasahan ko ng kamangha-mangha ang anyo ng Magnus pero iba pa rin pala talaga pag nakikita mo na sa personal." Abot tengang ngiti ni Adela. Di nalang ako nag react, kung alam lang nyang nahawakan ko na ang Magnus.
"Sige na magtrabaho na kayo ayaw ng Magnus ang pagtsitsismisan." Sita sa amin ni Aling Matilda
"Opo" sabay naming sagot ni Adela at nagtungo kami sa kusina.
"Kailan kayo nagbalik Adela?" Tanong ko sa kanya habang hinahanda ang pagkain namin.
"Ngayong umaga lang. Akala nga naming maaga kang gumising kasi may nakita kaming taong nakasandal sa pintuan ng kwarto mo pero nang makapasok kami sa loob ng mansyon nagulat nalang kami na may isang lalaking nakatingin sa amin mula sa labas ng silid mo. Kahit pa hindi kapani-paniwala pero ramdam namin ang presenya nya, sya ang Magnus kaya agad kaming nagbigay galang sa kanya. Pero bakit ba sya andun sa may kwarto mo Xylenna?"
Ha? Anong ginagawa nya sa labas ng silid ko?
"Hindi ko rin alam Adela."
Umiling si Adela at dinala na ang pagkain sa mataas na dining table. Kumuha naman ako ng mga utensils kung dati 4 pairs lang, ngayon ay 5 na. I'm so curious di ba immortal ang Magnus? Kakain ba sya?Haay, nakakapanibago. Ganun lang? Matapos ang ilang taong pagtatago ng Magnus ay lalabas lang sya ng ganun-ganun nalang?
"Xylenna, ayahin mo ang Magnus sa pagkain."
Bakit ako pa ang tatawag sa kanya? Si Adela nalang please...
"Opo"
Haay, no choice. Nagpunta ako sa fourth floor. Nasa tapat na ako ng kwarto kung saan ko nakita ang mga paintings ko. I took a deep breath, di pa ako handang makipag-usap na naman sa kanya.
"M-Magnus..." I started to utter his name pero mahina lang.
Walang sumagot kaya kumatok ako pero di rin nya binuksan. Okay, sabihin na nyang wala akong galang pero pumasok ako sa malawak na silid nya.
Ngayon ko lang napansin na maging sa salas ng kwarto niya ay may paintings ng mukha ko. Is he a mad Magnus?
"Ugali mo ba talaga ang pumapasok sa kwarto ng iba na hindi nagpapaalam?"
Oh my God! Si Magnus! Argh! Bakit yan pa ang itsura nya? Naliligo pala ang mga anghel? He's just wearing a towel. Bagong ligo. Well, I will manage not to look at his perfect physique baka magkasala pa ako.
"I'm sorry, wala kasing sumagot kaya pumasok nalang ako. Kakain na raw." Sabi ko habang nakayuko, pakiramdam ko nakakapaso ang init ng pisngi ko.
"What made you think na kumakain ang mga gaya ko?"
Napaangat ako ng tingin, holy crap! He's smirking at me na mas lalo pang nagpapainit ng pisngi ko.
"I...I don't know? Kakain na kasi kaya normal naman sigurong yayahin ka diba?"
I saw him looked at me intently. Ayan na naman yang mga titig na yan eh. I looked away, passed through him at nahagip ng mga mata ko ang isang malaking paintings sa may likuran nya.
It's a picture of me wearing an elegant white bridal gown with stains of blood on it, napapaligiran ako ng mga lalaking mukhang mga hari at sundalo at sa likuran ko ay ang Magnus na nakahawak ng espada. It looks like he's slaying them.
"Ano'ng... ano'ng ibig sabihin ng mga paintings ko sa kwarto mo Magnus? Lalo na yang nasa likuran mo?!"
I shouted at him, hindi ko na kinaya ang emosyon. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o malilito sa mga natutuklasan ko sa kahariang ito. I heard him sighed.
"Bababa na ako, mauna ka na."
"No, walang lalabas unless you'll answer me Magnus! Who are you!?" Halos maiyak na ako sa emosyong gumugulo sa kaloob-looban ko.
"No one give orders to a Magnus Juhi, not even you." Matigas ang pagakakasabi nya sa kin, ramdam ang awtoridad. Tuluyan na akong napaluha.
"Fine, don't answer me Magnus. Hindi rin naman ako namimilit. Aalis na ako."
Timalikod ako pero hinila nya ako pabalik, holding me so tight. Binawi ko naman kaagad ang kamay ko.
"Please don't touch me! Natatakot ako sayo. Nakakatakot ka!"
Tinulak ko sya, I saw a glimpse of pain his eyes bago pa ako tuluyang nakalabas sa silid nya. What can I do? He's so mysterious to the point na nakakatakot na.
To be continued...
BINABASA MO ANG
TRANSLUCENCE: Awakening the Protector
Fantasia"I have no way of seeing you but I know YOU ARE watching over me!" Days were ordinary for Xylenna Juhi, a novelist from the modern world. Until she was unexpectedly dragged to a completely strange world of Bergonnia, a heaven like hell place bounde...