1: Writer in Danger

660 26 0
                                    

THIRD PERSON's POV

Kyle, the moment you read this probably I'm already dead! Answer your godamn phone!

Kinakabahan man ay pinagsikapan pa rin ni Xylenna mag message sa boyfriend nyang si Kyle Spencer, isa itong pulis pero sa tingin nya ay wala naman itong pakinabang ngayon sa sitwasyon nya. She's being chased by armed men, ayaw man nyang aminin pero alam nya kung sino ang mga ito.

The Sebastian's...

Alam nya rin kung bakit sya nito hinahabol. She's a passionate novelist at kung saan-saan sya nag tatravel para lang makakuha ng inspirations and ideas for her novels pero sa di nya inaasahan, isang malagim na sekreto ang natuklasan nya sa mga Sebastian, a powerful name in politics. Nagkataon kasing ang spot na pinuntahan nya ngayon para sa bagong libro nya  ay ang lugar din kung saan may illegal na transactions ang mga Sebastian. She witnessed all the ill-doings of the latter, drug-dealing to be exact at  bago paman sya makaalis sa eksena ay napansin na sya ng mga ito kaya sya tinutugis ngayon..

She looked behind and damn! Nakasunod pa rin sa kanya ang mga armado, bahagya pang dumungaw sa tinted window ng sasakyan ang isang lalaki at ipinuwesto  ang dalang baril nito para tirahin ang gulong ng sasakyan nya.

Oh my God... please help me...

Kinakabahang dasal nya habang mas pinaharurot ang sasakyan nya. She can't be dead right now, marami pa syang gustong gawin sa buhay. She stepped hard on the accelator but the timing's not right. Bago paman sya makaiwas ay natamaan na ang gulong ng sasakyan nya dahilan upang mawalan sya ng kontrol at sumasagadsad sa kabilang dako ng daan. Kahit pa bahagya syang nabunggo ay parang wala lang sa kanyang lumabas ng sasakyan and took the chance to escape bago pa sya maabutan ng mga lalaki. Maybe because of the adrenaline rush she managed to escape  and found herself running into the woods.

Xylenna's POV

My God please be with me...

Takbo pa din ako ng takbo kahit dumudugo na ang mga paa at braso ko. Hindi ko na siguro namalayan kung ilang galos na ang nakukuha ko sa pagkakasabit ng balat ko sa kung ano-anong mga matutulis na bagay sa damuhan at kagubatan. Wala na akong ibang iniisip ngayon kundi ang makalayo sa mga armado at iligtas ang buhay ko.

"Lenna wala ka ng matatakasan kaya kung ako sayo harapin mo nalang si Boss at baka maawa pa sya sayo! Hahaha!"

Oh no! Hindi pa pala ako nakakalayo sa kanila. Mas binilisan ko ang pagtakbo pero maingat pa din akong kumukubli  sa mga malalaking puno, mahirap na baka isang putok lang ng baril nila patay na ako.

"Lennaaaa!!!! Magkaibigan naman kayo ng boss eh, pwede nyo pa tung pag-usapan diba?"

No! I never considered that old bastard as a friend! Alam ko noon pa na masama syang tao even if my parents didn't see it. Family friend namin ang Sebastians and I never expected na ganito ang magiging kahahantungan ko sa kamay nila.

"Lenna! Wag ka ng magta—P*tangna! Ano yun!?"

Bigla akong napahinto ng may marinig akong putukan sa di kalayuan ng tinataguan ko. Anong nangyayari? May mga pulis na ba? Nirescue na ba ako ni Kyle?

"P*ste! Layuan mo ko! Halimaw! Ahhhh!!!" Sigaw na naman ng isa sa mga armado. Hanggang sunod-sunod na ang putukan at sigawan nila. After few minutes, the solitude rule over the place.

I'm freaking afraid but I can't help it, I'm more curious than scared. I know this is crazy pero bumalik ako kung saan sumisigaw kanina ang mga armadong humahabol sakin. I was expecting that I'll see them but I'm wrong. Wala na sila! I saw nothing but...

What the hell is that thing!? A huge red-eyed bear-like creature, its sharp fangs are covered by blood at hindi ako nagkakamali ito ang umatake sa mga armadong tumutugis sakin. With a weak shaking steps, I moved backward para layuan ang halimaw but it's too late. I caught its attention at agad na bumaling ito sakin.

I moved faster to run away from the beast, kung kanina mga armado lang ang nilalayuan ko ngayon naman halimaw na talaga. How doomed I am this day!

"Grrr!"

I could hear its growl behind me but I managed not to look back and continue to run until something hit on my head.  Napabagsak ako ng malakas sa damuhan at dumilim ang paningin ko. I'm not sure kung anong tumama sakin, ramdam ko ang pagdaloy ng malamig na likido sa noo ko. Bato ba yung nabangga ko? O may bumato ba sakin? Unti-unti kong naramdaman ang mabibigat na hakbang at paghinga ng halimaw. Pinilit kung dumilat, palapit ng palapit sakin ang halimaw.

I think this is my final destination...

And everything turns black.


October 23, 2018

3:40 pm

TRANSLUCENCE: Awakening the ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon