CHAPTER 25: TRANSLUCENCE

75 3 0
                                    

XYLLENA's POV

Nagising ako sa isang malambot na kama, nakabalot sakin ang mabango at napaka-komportableng kumot. Nasa isang kwarto ako! Pero paano ako napunta dito? Huling naalala ko ay sa sala ako kagabi at binabantayan ang whole fist floor ng bahay na to. Di kaya binuhat nya ako papunta dito? Pero may sugat sya...

Inayos ko ang hinigaan ko at nilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Malaki ang room nya, malinis at mabango. Kung dito ako nagpalipas ng gabi, saan sya nagstay?

Lumabas ako sa silid at nilibot ang buong bahay nya baka sakaling makita ko sya pero hindi, wala sya dito. Baka nasa labas kaya kailangan kong macheck pero wala din sya sa labas.

Nasaan kaya sya?

Dahil di ko sya mahanap ay nanatili ako sa bahay nya para antayin baka may pinuntahan lang sya. Almost an hour passed when someone parked a car outside. Bigla akong nakaramdam ng excitement hoping I could see him again but I got disappointed when it's Sir Jordan.

"Miss Xyllena, ba't andyan ka" nakangiting saad nya sakin.

Paano ko ba sasabihin sa kanya ang nangyari?

"Ahh, yung may ari po ng villa hinihintay ko po sya. Gusto kong magpakilala." Ngumiti din ako sa kanya para itago ang pagpapasimple ko sa pagsagot. Di kasi pwedeng sabihin sa kanya ngayon kaagad ang nangyari kagabi.

"Ganun ba? Pero maaga syang umalis kanina Miss Xyllena."

I feel disappointed again. Umalis pala sya.

"Okay lang po ba magtanong kung babalik ba sya mamaya?"

Ano bang nangyayari sa'kin? Ba't ko ba sya hinahanap?

"Sabi nya sakin kanina nung tumawag sya sakin na kailangan ko raw bisitahin ang villa paminsan-minsan kasi babalik sya sa US kailangan daw sya ng asawa nya."

What!? He's married!? Biglang kumirot ang puso ko pero bakit? Ano bang pakialam ko kung may asawa na sya? I just met him for once or twice, I shouldn't react this way, I shouldn't feel hurt.

"Okay ka lang Miss Xyllena? Napasimangot ka dyan? Crush mo si Sir Argus nu?"

Kumindat sakin si Sir Jordan. Agad naman akong namula sa sinabi nya. Argus, Argus pala ang name nya.

"Hindi ah, di ko pa nga sya na..nakita eh."

Pagsisinungaling ko and I looked away.

"Haha, biro lang Miss Xyllena."

"Sige Sir Jordan, babalik muna ako sa unit ko."

I smiled at him at ganun din sya sakin. As I walk away back to my house I feel very gloomy, it's as if I have lose all my happy hormones. Nakakadismaya na may asawa na pala sya. Last night, he's voice, the way he looked at me, our touch, that hug... I felt like I owned him but I'm wrong.

Hours passed at unti-unti kong chinecheer-up ang sarili ko. I am here to trace that fragments of my dreams not falling for a man. Nagtungo ako sa unahang bahagi ng villa, I stopped when I am about to enter the forest-like part of the place. Dito yung nakikita ko sa mga panaginip ko. Kinakabahan akong humakbang papasok sa gubat. This is it! Malalaman ko na ang katotohanan sa kabila ng trahedyang dinanas ko noong nakaraang anim na buwan.

Nasa may kalagitnaan na ako ng gubat nang may marinig akong kaluskos ng mga dahon. Ang eksenang to ay di na bago sa pakiramdam ko. Suddenly, I saw images in my mind, tumatakbo ako at hinahabol ng mga armadong lalaki hanggang sa may umatake sa kanila na anyo uso. Ang pangalawang eksenang nakita ko ay may kasama akong babae sa gitna ng gubat, inatake rin kami ng halimaw na mukhang uso rin. Napaatras ako nang magbalik ako sa diwa ko.

It was all real! Nangyari sakin yun! Kung hindi ako hinabol ng mga armadong lalaki noon paano nalaman ni Kyle ang nasa panaginip ko? Paano ako na coma for 6 months? Yung babae, pamilyar sya sakin!

I know there is something behind this forest, something enchanted but real! Pakiramdam ko, napunta na ako doon at naiwan ang kalahati ng pagkatao ko sa lugar na yun. Andun ang puso ko. I will not risk my life again if there was nothing.

Hindi ko na pinansin ang mga kaluskos at nagptuloy ako sa pagpasok sa gubat. Halos matumba na ako sa lupa nang biglang humarang sa'kin ang malaking halimaw! Gaya ng anyong nakikita ko sa mga ala-alang pumapasok sa isipan ko. So totoo nga! Totoo ang lahat!

"Grrrr!"

Itinaas ng halimaw ang kanyang malalaking kamay na may matutulis na mga kuko, inaasahan kong tatama sakin ang paghampas nya pero nabigla ako nang isang pagkurap ko lang ay nasa kabilang dako na ako, malayo sa halimaw, malayong-malayo. Paanong nangyari yun? Did I just teleport? But how?
Nakita ko ang halimaw na bumagsak at nawalan ng malay. Paano? Wala akong ginawa? May mga sugat na parang sa espada ang katawan ng halimaw pero wala naman akong dalang sandatang panlaban sa kanya.

Hindi, hindi ito ang panahon para maguluhan ako. Kailangan kong magmadali at magpatuloy sa pagpasok sa madilim na gubat. Hinihintay ako ng katotohanan at ng mga kasagutan sa kabila ng gubat na to!

Tumakbo ako ng mabilis para mas makalayo pa pero nang nasa may unahan na ako ay biglang naglaglagan ang mga sanga ng malalaking puno para bang pinipigilan akong makapasok sa kung ano mang meron sa dulo ng gubat na to. 

I saw a large trunk of tree falling into my direction, inaasahan ko nang matamaan dahil wala na akong ligtas but a swift moment I saw myself standing away from the stormy scene. Hindi, hindi ko to kagagawan! May gumagabay sakin! May nagligtas sakin! Ang kasunod na nangyari ay may tatlo pang halimaw ang sumugod sakin pero bago pa man sila makalapit ay parang may kung anong humila sa kanila sa damuhan. Nakita kong inatake nila ang kung sino mang nakipag-away sa kanila. I heard my "saviour" cursed. Natamaan ba sya ng mga halimaw? Lalapit sana ako sa eksena nang matumba ang tatlong halimaw, patay na sila pero saan na ang umatake sa kanila? Bakit di ko makita ang nagligtas sakin? Lumapit ako sa tatlong halimaw, kulay itim ang dugo nila pero sa may unahan kung saan sila nakipag-away sa nagligtas sakin ay may nakita akong kulay pula na dugo. Nasugatan nga sya.

Tumingala ako sa matataas na puno, baka sakaling andyan lang sya nakamasid sakin.

"I've no way of seeing you,  but I know you are watching over me."

Sabi ko kahit ang naririnig ko lang ay ang pag echo ng boses ko sa buong kagubatan.

"Why are you helping me? Can I see you?"

Pero walang sumagot instead I saw shadows with swift movements, kasing bilis ng isang iglap. Biglang may yumakap sakin at nilagay ang kamay nya sa ulo ko. Hindi ko sya makita kung sino dahil sa tangkad nya.

"Don't ever do this again."

That voice! But how? Kung sya to diba't nasa US sya kasama ang asawa nya?

Gusto kong tumingala but I can't move parang may mahika syang nilapat sakin I felt dizzy and the next thing I see is darkness.

TRANSLUCENCE: Awakening the ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon