Prologue

2.7K 47 8
                                    

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Natatakot na nga ako na bigla na lang lumabas at kumawala ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa lakas at bilis ng pintig nito.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at pinilit panoorin ang nasa harapan ko. Iniinterview niya ang mga contestant. Biniro niya ang isa at nagtawanan naman ang madlang pipol. Mas dumoble ang kaba ko. Hindi ko ata kayang lumapit doon. Paano kung pansinin niya ako? Nahihiya ako sakanya at natatakot ako sa pwede niyang masabi sa akin. Sa halos dalawang taon kong pagtratrabaho sa It's Showtime ay araw araw kong napapanood at nasasaksihan kung paano siya pumansin at mangkilatis sa mga kausap niya.

Hindi ko ata kaya. Umatras na kaya ako? Habang hindi pa naman ako tinatawag. Sasabihan ko na lang si Ate Mandy na palitan niya muna ako. Magkukunwari na lang ako na masama ang pakiramdam. Nagsimula na akong tumayo pero bago pa ako makatayo ng tuluyan ay nakita kong sinulyapan niya na ako.

"Tawagin na natin ang may hawak ng mga tanong. Halika na." Malumanay na tawag niya sa akin. Jusko. Wala na akong takas dahil nakatingin na siya sa akin. Kaya mo 'yan Jackie. Bulong ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at naglabas ng ngiti bago maglakad palapit. Buti na lang hindi siya nakatingin dahil hindi ko kinakaya ang tingin niya. Bakla siya pero tama sila Ate Mandy. Ang lakas ng sex appeal niya. Hindi na nga ako nagtataka at nagugulat kapag naririnig ko ang mga kasama kong dancers na kinikilig kapag nakikita lang siya sa hallway. He have this certain pull that make girls feel giddy with just his presence.

Nanalangin ako na sana hindi niya ako pansinin. Iniabot ko ang hawak kong fishbowl sa contestant at ngumiti sa madlang pipol. Umabot sa pang-amoy ko ang pabango niya. Juskolord ang bango niya. Parang nahiya na akong tumabi sakanya. Ito ang unang pagkakataon na nakalapit ako sakanya ng ganito. Hindi niya naman kasi ako pinapansin kapag nagkakasalubong kami sa hallway. Sino ba naman kasi ako? Dancer lang naman ako samantalang siya si Vice Ganda. Ang layo ng agwat. Naiinggit nga ako kina Ate Mandy kapag nagkukwento sila tungkol sakanya. Nayayakap kasi nila siya at nakakausap dati. Pero naging mahigpit na sila direk at hindi na pwedeng basta basta na lang pumuntang stage ang mga dancers. Dati kasi daw ay nakakasalamuha pa nila sila Kuya Vhong pero ngayon ay madalang na lang. Gusto ko rin sanang maging close ang mga hosts lalo na si Vice pero kapag nakakasalubong namin siya nila Ate Mandy natatameme na ako. Kaya hanggang tingin na lang ako sa malayo.

Tumaas ang balahibo ko dahil naramdaman ko ang mga tingin niya sa akin.

"Maganda rin ito oh." Narinig kong sambit niya. Jusko ito na nga ba sinasabi ko. Wala siyang hindi napapansin. Ngitian ko siya bago umikot at naglakad palayo. Buti nga at hindi ako natapilok dahil nanginginig na rin ang mga tuhod ko.

Matapos ang bagong segment na 'yon ay kinuwento ko kay Ate Mandy ang nangyari at ang kagustuhan ko na umayaw. Tinawanan niya lang ako sabay sabing,

"Ano ka ba ang swerte mo nga kasi naibigay sa'yo 'yang task na 'yan eh. Masasanay ka din sa presensiya niya. Tsaka sulitin mo na girl. Maraming gustong makuha ang pwesto mo ngayon. You get to be near Vice." Kinikilig na sabi niya.

Kaya itinuloy ko ang trabaho ko. Sinunod ko si Ate Mandy. Tama naman siya. Maswerte ako dahil binigay ni Direk sa akin ang task na ito. Unti unti ay nasanay na ako sa ginagawa ko. Paminsan minsan ay pinapansin pa rin ako ni Vice pero panandalian lang kaya nakakaya ko namang magtagal.

And then one incident happened in Davao. Nawala si Franco sa amin and we're all devastated. While me and Tom was depressed and traumatized. Naging dahilan iyon ng pag file ko ng leave for two months.

"Huwag ka na kayang bumalik sa trabaho mo. May usapan tayo na two years lang diba Jackie?" Sabi ni Mommy sa akin ng sabihin ko sakanya na babalik na ako sa trabaho. Paminsan minsan ay nananaginip pa rin ako tungkol sa nangyari pero okay na ako kumpara sa mga nakaraang linggo. Isa pa, gusto ko ng bumalik sa pagsasayaw. Alam kong makakatulong rin ito for distraction. Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Mommy.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now