Chapter Seventeen

1.2K 36 6
                                    

JACKIE

"Eto oh."

Umiwas ako ng tingin mula sa labas at bumaling sa pinanggalingan ng boses. Inilapag ni Kuya Vhong ang kape sa harapan ko bago umupo sa tapat ko. Ngumiti ako ng pilit sakanya.

"Salamat Kuya." Sabi ko at hinawakan ang kape. Ramdam ko ang tingin ni Kuya Vhong sa akin pero nanatili ang mata ko sa nasa harapan ko. Hinalo ko ang kape gamit ang kutsarita at bago ko pa mapansin ay bumalik na naman ako sa pagkatulala. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Kuya Vhong.

"You caught him off guard so give him some time." I hear Kuya Vhong muttered. Tumigil ako sa paghalo at tumingin sakanya. Tumango ako at muling ngumiti ng pilit. It's been two days since I confessed to Vice. Hindi siya pumasok ng dalawang araw. Hindi ko siya pinuntahan sa bahay nila dahil gusto ko siyang bigyan ng time. Katulad nga ng sinabi ni Kuya Vhong, alam kong gulat pa rin siya sa nalaman niya.

"Nung mga panahong nahuhulog pa lang siya sa'yo, sobrang natatakot siya." He chuckled. I averted my eyes to him. Tumitig siya sa labas na parang may inaalala.

"Inaaya niya ako sa bar tapos naglalabas siya ng saloobin niya. Takot na takot siya. Bago kasi sakanya ang pakiramdam na mahulog sa babae. Pero kalaunan, nagustuhan niya ang nararamdaman niya. Masaya siya kapag kasama ka Jackie. Nagliliwanag ang mukha niya basta mabanggit ka lang niya sa akin. Masaya siya kaya gusto niyang sumugal sa nararamdaman niya sa'yo." Inilipat ni Kuya Vhong ang atensyon niya sa akin. Halos hindi naman ako makahinga habang nakikinig sa sinasabi ni Kuya Vhong. Ngumiti siya sa akin.

"Alam mo bang tinulungan ko pa siyang magbigay ng mga bagay at regalo sa'yo? Naalala mo yung JM na initials? Jose Marie yun." He chuckle. Nanlaki naman ng bahagya ang mata ko dahil sa natuklasan ko. So siya pala talaga iyon. Pumasok noon sa isip ko ang posibilidad na Jose Marie ang ibig sabihin ng initials pero hindi ko naman akalain na totoong siya pala iyon.

"Palpak pa siya nung una dahil hindi niya alam na allergic ka sa flowers. Pero naging successful naman ang mga sumunod diba?" Tahimik lang akong nakinig kay Kuya Vhong. Inaalala ko iyong mga nakasulat sa cards. Naalala ko yung kilig na naramdaman ko sa mga salitang nilagay niya sa bawat cards.

"I pushed him to make move to you dahil nakikita kong iba ang saya na binibigay mo sakanya Jackie. I thought maybe you're the one for him. Na baka kaya hindi nagwowork sa boys ang relationship niya, dahil sa'yo pala talaga siya nakatakda. Hindi ko naman akalain na kung sino pa iyong magpapasaya sakanya ng sobra ay yun rin palang mananakit sakanya."

My chin quivered and the side of my eyes heated. Yumuko ako at hinayaan ang luha na bumagsak.

"He was so scared to take risk on you but he pushed through his fears. You really make him feel love and special Jackie. Pero nasaktan siya sa huli. Kaya siguro siya lumalayo ngayon dahil natatakot siyang kapag sumugal na naman siya sa'yo, masasaktan na naman siya."

Naiintindihan ko naman ang sinasabi ni Kuya Vhong. Nasaktan ko na siya nung una kaya hindi ko siya masisisi kung ayaw na niyang masaktan ulit sa akin. Pero gusto ko talaga siya. I'm falling for him. Natatakot rin naman ako pero gusto kong malaman niya ang tunay kong nararamdaman. Gusto kong subukan ito sakanya pero hindi iyon mangyayari kung hindi siya maniniwala sa akin at kung hindi rin siya susugal ulit. Walang sigurado sa kung anong mangyayari pero alam kong kapag magkasama kaming haharapin ito, it will turn out fine.

I just really want him back in my life. He makes me happy and safe. There's a certain feeling of happiness that only Vice can give to me. I miss having him around my life. Gusto ko na ring makasama siya ulit.

"Just give him time. I'm sure he'll come around soon. Hindi ka naman nun matitiis eh." Tumawa si Kuya Vhong para pagaanin ang sitwasyon. Sana nga. Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko. Tama siya. Aantayin ko si Vice na makapag-isip. Pinigilan ko ang pag-iyak ko dahil wala naman itong maitutulong sa sitwasyon ko. Nagpapasalamat lang talaga ako na nandito si Kuya Vhong para sa akin.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now