Chapter Eleven

918 21 0
                                    

JACKIE

Bumalik na ang Ms. Q and A. It's been two weeks since season two started. May banter pa rin naman kami. Nag-uusap pa rin naman kami. Pero hindi na ganun katagal. Hindi na katulad ng dati. He's still avoiding me. Kahit hindi niya pinapahalata, ramdam na ramdam ko naman. Pinapahaba niya ang interview niya with the contestants. Minsan kung hindi pa siya sasabihan ni Ate Anne na mag-oovertime na, hindi pa siya titigil. Sinasagad niya yung oras para kapag tinawag na niya ako hindi na ganun kahaba ang minuto na kakausapin at papansinin niya ako. Kung dati na sa akin lang ang atensyon niya, ngayon hindi na. Sinasali niya sa usapan pati yung Escort. Iyon ang mga napansin ko for the past two weeks.

Hindi ako pumasok ngayong araw dahil may event akong pupuntahan mamayang gabi. Pinaalam ko naman kay direk at okay lang sakanya dahil alam niya rin ang tungkol doon. Hindi ko alam kung si Vice pa rin ang nag-aapprove sa mga invites sa akin. Siguro hindi na. Siguro ayaw na niya akong pakialaman.

I still have 2 hours before ng byahe ko. I'm just lazily seating in our couch. Umuwi ako sa bahay dahil namimiss ko na rin ang luto ni Mommy. Kararating lang ni Mommy at hindi niya alam na uuwi ako kaya hindi siya nakapaghanda. She's currently cooking my favorite. Gusto ko sana siyang tulungan pero sabi niya,

"Namiss ko ang bunso ko kaya ipagluluto kita. Umupo ka lang diyan at ako na ang bahala."

Wala na akong nagawa ng pagtulakan niya ako at pinaupo sa couch. Nagluto na lang ako ng popcorn habang inaantay ang luto ni Mommy. I'm currently watching It's Showtime. Iniinterview na ni Vice ang mga contestants. Sino kayang papalit sa akin ngayon? Siguro si Ate Mandy or si Mica. Sumubo ako ng popcorn habang pinapanood si Vice. Nagkukwento iyong unang contestant na birthday ng Nanay niya.

"Ay talaga. Happy Birthday po Nanay Betty." Kumaway at ngumiti si Vice sa camera. His smile is genuine. Buti naman kahit papano nakikita ko ulit ang ngiti niyang iyon. Kahit hindi ko na nakikita iyon kapag magkausap kami. He really have some soft spot for Mothers.

"Ano bang gusto mong ibigay sa Nanay mo?" Nakangiting tanong ni Vice sa contestant.

"Hindi naman po mapili si Nanay. Siguro kwan na lang. Ililibre ko po siya sa isang restaurant. Ay hindi po pala." Tumawa ng bahagya ang contestant.

"Oh bakit? Maganda naman iyong naisip mo."

"Hindi rin naman po kasi makakain ng mabuti si Nanay. Hindi na po kasi kumpleto 'yung ngipin niya."

"Ganun ba? Walang problema 'yan. Sagot ko ang pustiso ni Nanay Betty. Ako na rin bahala sa gastos niyo sa date niyo sa restaurant. Okay ba 'yun?"

Nakita kong naluha ang contestant sa sinabi ni Vice. My heart warms at what Vice said. Hindi talaga siya madamot. It's one of the many things I admire about him.

"Thank you po. Thank you talaga." Naluluha na sabi nung contestant. Hinagod ni Vice ang likod niya.

"Basta naman meron mamimigay ako eh. Basta ipangako mo na sisiguraduhin mong mapapasaya mo ang Nanay mo sa kaarawan niya."

"Opo."

Napangiti ako. He really have a good heart. Nung una pa lang ay hinahangaan ko na ang ugali niyang mapagbigay. Nakakalungkot lang na maraming nagdadamot sakanya. Isa na ako doon. Napabuntong hininga ako.

"Oh sige dahil mukhang happy ka naman na tawagin na natin ang magbibigay ng tanong sa'yo."

Kumuha ako ng popcorn mula sa bowl pero natigil sa ere ang akmang pagsubo ko ng makita ang babaeng naglalakad. Napaka-graceful niya maglakad. Umikot siya at napataas ang kilay ko ng mapanood na halos magaya na niya ang pag-ikot ko. Almost. Inabot niya ang fishbowl kay Vice at mas tumaas ang kilay ko ng makitang sinusundan ng tingin ni Vice ang galaw nung dancer. Napaayos ako ng upo. Halos malaglag ang panga ko ng makilala ang pumalit sa akin.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now