Chapter Ten

1K 26 4
                                    

JACKIE

I want to congratulate him. Naging successful ang first season ng Ms. Q and A. Alam kong napakahalaga ng segment na iyon sakanya at masaya ako para sakanya. I am so proud of him. I want to be there by his side just like how he's also there on my side while I'm on the verge of my career. Pero ni hindi ko magawang lumapit sakanya. Akala ko magiging okay na kami after ng stunt na ginawa niya kanina sa Ms. Q and A pero pagbalik namin sa studio para magcelebrate ng Victory Party ay bumalik siya sa hindi pagpansin sa akin. He didn't even spare me a glance.

"Lalapit na ba ako?" Narinig kong sabi ni Karen kaya tiningnan ko siya. Kasama ko ang mga kapwa ko dancers. Katatapos lang namin sumayaw sa isang upbeat song na pinatugtog ni Dj Mod kanina. Ngayon nga ay nagkukwentuhan na lang muna kami habang umiinom. Medyo tinatamaan na rin ako dahil nakarami na ako. Hindi ko naman alam kung anong tinutukoy ni Karen kasi hindi naman ako nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"Ganito na lang. Let's have a deal." Sabi naman ni Tom na nasa tabi ko. Muntik ko ng makalimutan na katabi ko pala siya. I nudge his side to get his attention. Nang mapatingin siya sa akin ay tinaasan ko siya ng kilay, silently asking him what's it all about.

"I was just talking to her babe. Don't be mad." He rub my arms like he's calming me. Kumunot naman ang noo ko sa inasal niya. And then I realized na baka akala niya nagseselos ako na kinakausap niya si Karen.

"Curious lang ako kung anong pinag-uusapan niyo." Paglilinaw ko naman. Parang nakahinga naman siya ng maluwag.

"Ito kasing si Karen gustong lumapit kay Vice para magpa-picture." Daphne fill me in. My brow lift automatically.

"Ano ba iyong deal?" Tanong ni Karen kay Tom. Tiningnan ko si Tom na nag-iisip.

"I'll ask Jimboy to give a bottle to Vice. Kapag tinanggap ni Vice iyong bote ng beer, lalapit ka na. Ano, game?"

Pinag-isipan ni Karen ang sinabi ni Tom. Ano ba 'tong sina-suggest ni Tom? L
Kumunot ang noo ko sakanya. He look at me innocently.

"What, babe? I was just helping her." I just rolled my eyes at him and look away. Tiningnan ko si Karen at inantay ang sagot niya.

"Okay. Game!" She giggle excitedly. I don't know why the sound of it annoyed me. Halos lahat ng ginagawa ni Karen ay sweet kaya ewan ko kung bakit naiirita ako bigla sa hagikgik niya.

Tumayo si Tom at kumuha ng bote ng beer. Lumapit siya kay Jimboy at may binulong sakanya. Kinuha naman ni Jimboy ang bote at nagsimulang maglakad palapit kay Vice. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Kinalabit niya si Vice and then his mouth move when Vice look at him. I read his lips saying,

Jimboy: May nagpapabigay Ate Vice

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Vice. Bumuka ang bibig niya.

Vice: Sino?

Jimboy: Hindi ko nakita yung itsura eh

Lahat kami ay nakatutok sa gagawin ni Vice. He stared at the bottle that Jimboy is handing. I almost stop breathing in anticipation. Huwag. My brain whispered at him. Parang slow motion na kinuha niya ang bote. Ewan ko kung bakit nadismaya ako ng kunin niya ang bote. Naghiyawan ang mga kasama ko. Tiningnan ko si Karen. Namumula siya dahil siguro wala na siyang magagawa kundi lapitan si Vice.

"Hoy a deal is a deal." Natatawang sabi ni Ate Mandy. Napailing iling si Karen. Kinukulit pa rin siya nila Daphne. Maya maya ay tumayo na siya.

"Okay okay. I'll do it." Sabi niya at naghiyawan naman ang iba. Kinuha niya ang baso niya at ininom ng diretso ang laman nito. Binagsak niya sa table ang walang laman na baso niya bago naglakad palayo. I followed her every move.

I watch her tap Vice's shoulder. Vice turn his attention to her. She flash a sweet smile at him. Nakita kong ngumiti rin si Vice. Nagsalubong ang kilay ko. I read what Karen's mouth is saying.

"Pwede po pa-picture?" She gesture her phone.

"Sure." Sabi ni Vice. Lumaki ang ngiti ni Karen at mabilis na kinausap si Kuya Vhong. May sinabi siya kay Kuya Vhong at tumango naman si Kuya Vhong. Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Karen. Niyakap niya mula sa gilid si Vice. Mukhang nagulat rin si Vice sa ginawa ni Karen pero hinayaan niya ito. Umiwas na ako ng tingin. Ininom ko ng diretso ang martini ko.

"Whoa atta girl!!!" Naghiyawan ang mga kasama namin ng bumalik si Karen. Hindi ko napigilang tingnan siya. She flip her hair while walking towards us. She have a smug smile on her lips. I look pass her on Vice's direction. Naabutan ko na parang inaasar ni Kuya Vhong si Vice. Nakangiti lang si Vice habang umiiling iling. Bakit parang masaya pa siya? Hindi ko namalayan na humigpit ang kapit ko sa basong hawak ko.

"Babe are you okay?"

"Babe."

Napalingon ako sa tabi ko ng maramdaman ang kamay ni Tom sa braso ko.

"What?" I ask, distractedly.

"I said are you okay? You look upset." Nag-aalalang tanong ni Tom. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

I'm not okay.

There's...

There's something wrong with my heart.

"I'm not okay." I whispered.

"May masakit ba sa'yo?" Tom's voice is full of worry. I look at him.

My heart. Tinatanong niya kung anong masakit sa akin? Then the answer is my heart. Why is my heart aching? I clutch my chest, trying to ease the pain. Hindi ko maintindihan bakit kumikirot ang puso ko. Tiningnan ko si Tom. I don't know how I look but I guess I don't look okay dahil lumala ang pag-aalala sa mukha ni Tom.

"Take me home Tom." Sabi ko sa mahinang boses.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now